MISTULANG hirap na hirap ang mayorya sa mga kumukuha ng civil service exam na ibinigay ng Civil Service Commission (CSC) sa Filipino professionals na gustong magtrabaho sa gobyerno. Ganito ang lumalabas matapos umaabot lamang sa 14.43% ang pumasa sa Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) na isinagawa noong Agosto 11, 2024 sa iba’t ibang panig ng bansa. Nabatid sa CSC na mula sa 296,758 total candidates na kumuha ng CSE Professional Level, 47,449 lamang ang nakapasa o katumbas lamang ng 14.43 percent. Maging sa CSE Sub Professional…
Read MoreCategory: NASYUNAL
PRIVATIZATION NG AIR TRAFFIC MANAGEMENT SYSTEM MAPANGANIB
TUTOL si Senador Raffy Tulfo sa panukalang isapribado ang operasyon ng communications, navigation, and surveillance/air traffic management system (CNS/ATM) sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP). Ito ay makaraang makumpirma ni Tulfo mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nagsumite ng proposal ang ComClark Network and Technology Corp. (ComClark) na pag-aari ng Tech tychoon na si Dennis Uy para sa pag-take over sa operasyon ng Philippines’ air traffic management system. Sinabi ni Tulfo na magdudulot ito ng seryosong panganib sa national security at nagiging bukas ang bansa sa…
Read MoreMga magulang, guro hinimok MAGKAISA LABAN SA KORUPSYON – FORMER ES RODRIGUEZ
(JOEL O. AMONGO) CALAMBA CITY, Laguna – Nangako si dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez na lalabanan niya ang korupsyon sa gobyerno matapos ang isang talumpati sa first quarter ng Parent-Teacher Conference, sa Integrated School of Lawa, Calamba City, Laguna noong Lunes, Oktubre 14, 2024 Iginiit ni Rodriguez, naging panauhing pandangal sa kaganapan, na ang pagbabawas ng korupsyon ay malaking tulong sa edukasyon, na magbibigay-daan sa pagpapabuti ng mga pasilidad ng paaralan, mga benepisyo ng mga guro, at iba pang mahahalagang gastusin. Kinuwestiyon din ni Rodriguez ang bisa ng mga…
Read MoreQUADCOM MAY EBIDENSYA SA REWARD SYSTEM SA WOD
KAHIT anong pagtanggi ang gawin nina Senador Ronald dela Rosa at Bong Go, malakas ang ebidensyang nakalap ng Quad Committee hinggil sa reward system o pagbabayad sa mga pulis sa bawat drug suspek na kanilang mapapatay noong kasagsagan ng war on drugs (WOD). Ito ang nagkakaisang pahayag ng tatlo sa apat na chair ng Quadcom na nag-iimbestiga sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), Illegal Drug Trade at Extra Judicial Killings (EJK) noong panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte. “The evidence so far unearthed in the Quad Comm belies Senators Bato’s…
Read MoreSOLON UMAARBOR NG WAR SHIP SA US
PINAAARBOR ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Malacañang ang USS Philippine Sea warship ng Amerika para ideploy sa West Philippine Sea (WPS) upang maproteksyunan ang teritoryo ng bansa. Kasabay nito, iginiit din ng isa pang kongresista sa gobyerno na paigtingin ang kampanya ng Pilipinas para makakuha ng non-permanent seat sa United Nation (UN) Security Council upang magkaroon ng boses sa pagdepensa sa interes ng bansa sa South China Sea. Ayon kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, nakatakdang ide-activate ng Amerika ang kanilang USS Philippine Sea…
Read MoreBuhusan ng atensyon ng Kamara, Senado ANTI-CORRUPTION NAMAN – ATTY. RODRIGUEZ
(JESSE KABEL RUIZ) TAMA na ang Alice Guo saga. Harapin naman ng Senado at Kongreso ang talamak na korupsyon sa ilang sangay ng gobyerno tulad sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Hamon ‘yan ni Atty. Vic Rodriguez sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Ayon sa unang executive secretary ng Marcos Jr. administration, korupsyon ang malalang sakit na nagpapahirap sa sambayanang Pilipino at naglulugmok sa bansa sa kahirapan. Pinuna ni Rodriguez ang matinding kahirapan ng nakararaming Pilipino habang nagpapasasa naman sa pera ng bayan ang iilan sa…
Read MoreSOLON: MARAMI PANG INILILIHIM SI GARMA
HINDI pa nagsasabi ng totoo si dating Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) general manager Royina Garma sa kaso ni ret. General Wesley Barayuga na biktima ng assassination noong 2020. Ito ang konklusyon ng ilang mambabatas sa Quad Committee kaya pinayuhan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop si Garma na magsabi ng totoo dahil may nakuha na silang impormasyon ukol sa kaso ni Barayuga. “Sabi nga ni chairman Ace Barbers, nabasa na rin lang ang paa mo, maligo ka na,” ani Acop kay Garma na tanging ang “Davao model” sa war…
Read MoreVP INDAY TARGET SA DEMOLITION JOB VS FPRRD, KAALYADO
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAIS burahin si Vice President Sara Duterte sa mga posibleng mabigat na kalaban sa 2028 presidential elections kaya puspusan ang paninira ngayon kay former president Rodrigo Duterte at mga kaalyado ito. Para kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, si VP Inday talaga ang target ng mga pag-atake ngayon sa kampo ng mga Duterte. “Talagang demolition job, talagang sisiraan tayo nang husto para lalakas ang chances nila ‘pag 2028. Hoping na hihina si Inday Sara. Na kapag na-demolish lahat kami, maaapektuhan rin ang chances ni VP Sara.…
Read MorePANELO: PERA, PANANAKOT GUMAGANA VS DUTERTE
(CHRISTIAN DALE) “THE political enemies and detractors of FPRRD will not stop at throwing the kitchen sink at him by using coercion and money to compel persons to testify falsely against him.” Wika ito ng chief legal counsel ni former president Rodrigo ‘Digong” Roa Duterte na si Atty. Salvador Panelo patungkol sa bagong rebelasyon ng resource person ng quad committee sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. “These political scoundrels will not succeed. The Filipino people can see through their evil intentions,” aniya pa rin. Kasabay nito, pinabulaanan ni Panelo ang alegasyon…
Read More