Lunes na Lunes daming stranded 2-DAY TRANSPORT STRIKE NILARGA

IKINASA kahapon ang dalawang araw na tigil-pasada ng grupong Manibela at Piston. Sakop ng protesta ang mga lungsod sa National Capital Region (NCR) at mga karatig na lalawigan. Bagaman inihayag ng mga nagpoprotestang grupo na 80% hanggang 90% ng kanilang mga miyembro ang lalahok, marami pa ring pumasada. Mas pinili ng ibang miyembro na pumasada dahil sa panghihinayang sa kikitain. Sa press briefing naman sa Malakanyang, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na palaging handa ang departamento at iba pang ahensya ng pamahalaan sa ganitong mga senaryo. “Yung strike, itong…

Read More

Commuters nanumbat sa kawalan ng LRT rehab fund PONDO PADALUYIN SA TAO ‘WAG PAGPASASAAN SA KONGRESO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MATINDING pagmamaktol ng mga netizen partikular ang mga commuter dahil nabigo ang Department of Transportation (DOTr) na pondohan ang rehabilitasyon ng Light Rail Transit (LRT) Lines 1 and 2 sa susunod na taon. Ang nasabing proyekto ay para sa kapakinabangan ng may 435,000 Pilipino na sumasakay sa LRT araw-araw. Mayorya ng mga komento sa social media ay may halong panunumbat sa mga mambabatas na kinalimutan na anilang unahin ang kapakanan ng pinagsisilbihan nilang mamamayan. Sumbat pa nila, kapag para sa ikagiginhawa ng taumbayan ay walang mailaang…

Read More

WAR ON CORRUPTION Panawagan ni dating ES Rodriguez

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) UMAPELA si dating Executive Secretary Vic Rodriguez sa taumbayan na samahan siya sa pagdedeklara ng giyera laban sa mga korup at tiwaling opisyal ng pamahalaan. Sa “Luksang Bayan 9.21” rally nitong Sabado sa Plaza Independencia sa Cebu na inorganisa ng Hakbang ng Maisug, binigyang-diin ni Rodriguez ang talamak pa ring pagnanakaw sa kaban ng bayan, 52 taon makalipas patalsikin ng sambayanang Pilipino ang pamilya ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. “Ninanakaw ang P800-B, nawawala ang P500-B, meron na ba kayong mabiling murang bigas sa mga…

Read More

GAGAYA KAY VP SARA IPAKUKULONG NG KAMARA

KUMPIYANSA ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi magiging precedent ang pagtanggi ni Vice President Sara Duterte manumpa at hindi pagsasailalim sa imbestigasyon. Sa katunayan, nagbabala si Manila Rep. Joel Chua, chair ng House committee on good government and public accountability na sinoman ang gagaya kay Duterte ay maaaring ma-cite in contempt at makulong. “Hindi po ibig sabihin na ito pong insidente dahil hinayaan po natin ay magiging precedent na sa mga susunod na mga committee hearings. Hindi po mangyayari yan,” paniniyak ni Chua na isa sa mga…

Read More

DATING CHIEF PNP NA PATONG SA POGO OPERATIONS, DAPAT MA-VALIDATE

BUKAS si Senador Sherwin Gatchalian sa pagsasagawa ng executive session kung hihilingin ni PAGCOR Senior Vice President for Security Retired General Raul Villanueva upang isiwalat ang sinasabing dating hepe ng Pambansang Pulisya na nakinabang sa POGO operations. Sinabi ni Gatchalian ang mga ganitong uri ng impormasyon ay mahalagang mavalidate dahil kung hindi ay nadadamay ang buong organisasyon. Binigyang-diin ng senador na bago dapat inilabas ni Villanueva ang impormasyon ay tiniyak muna nitong kumpirmado ang lahat. Idinagdag ng senador na sa kanyang personal na pagsasaliksik, wala siyang natatanggap na impormasyon kaugnay…

Read More

Panelo sinupalpal si Mabilog: AKUSASYON KAY DUTERTE, NONSENSE

SINUPALPAL ni dating presidential spokesperson at abogadong si Salvador Panelo ang pahayag ni dating Iloilo City mayor Jed Mabilog na pulitika ang dahilan kaya siya inilagay ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa narco-list. Sinabi ni Mabilog sa House Quad Committee hearing na nagalit sa kanya si Duterte nang hindi niya suportahan ang pagtakbo nito bilang Pangulo noong 2016. “Nonsense iyon,” sagot naman ni Panelo, na pinaalalahanan si Mabilog na isang gobernador lang ang sumuporta kay Duterte noong kampanya. Tinawag din ni Panelo na “kuwentong kutsero” ang pahayag ni Mabilog na…

Read More

DOLE-TUPAD payout sa Montalban SERBISYONG NOGRALES WALANG KAPARES

(JOEL AMONGO) PINANGUNAHAN ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles ang distribusyon ng Department of Labor and Employment-Tupad Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (DOLE-TUPAD) payout sa mahigit 500 benepisyaryong mga residente ng iba’t ibang barangay ng Montalban ng nasabing lalawigan kamakailan. Isinagawa ang DOLE-TUPAD payout ni Nograles sa multi-purpose covered court ng Brgy. Balite, Montalban noong Setyembre 12. Ayon kay Nograles, patuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya tulad ng DOLE para mabigyan niya ng tulong pinansyal, kabuhayan at pagkakakitaan ang kanyang mga kababayan sa Montalban, Rizal. Sa katunayan…

Read More

DURAN DURAN’ SA B-DAY BASH NI MARCOS, URI NG KORUPSYON

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PARA sa maraming netizens, uri ng korupsyon ang pagpe-perform ng British pop band na Duran Duran sa bonggang birthday party ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kamakailan. Ito ay kahit pa sinasabi ng Malakanyang na libre at sorpresang handog ang party ng mga kaibigan ng pangulo. Maging abogado, law professor, at TV personality na si Dean Mel Sta. Maria ay sang-ayon dito. Katunayan, sa X platform ay nag-post din ang abogado ng ganito: “PUBLIC OFFICERS MUST LIVE MODEST LIVES. KUNG NIREGALUHAN ng malaking bagay ang isang politiko…

Read More

FLEXIBILITY SA PAGTUTURO NG K-10 APRUB SA DEPED

SIMULA sa second quarter ng school year, maaari nang i-adopt ng mga eskuwelahan ang class schedule base sa kanilang pangangailangan at kakayahan. Ibinatay ito sa revised policy ng Department of Education (DepEd) sa pagpapatupad ng MATATAG K-10 curriculum. Nakasaad sa DepEd Order (DO) No. 012, s. 2024, nilagdaan ni Education Secretary Sonny Angara, pinapayagan ang mga paaralan na gumamit ‘flexibility’ para ipatupad ang bagong curriculum bilang pagbibigay konsiderasyon sa kanilang ‘specific contexts’ gaya ng, subalit hindi naman limitado sa, klase at laki ng eskuwelahan, curricular program offerings, at availability ng…

Read More