QUIMBO NASUPALPAL SA FREE WIFI BUDGET

SINUPALPAL ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa pagdinig ng Kamara sa budget ng free WiFi program ng gobyerno. Kinuwestiyon ni Herrera ang paggamit ng pamahalaan sa pondo na nakalaan sa free WiFI program ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ibang proyekto. Depensa ni Quimbo, habang hindi nagagamit ng kaukulang ahensiya ang pondo, maaari itong pansamantalang gamitin ng gobyerno para sa ibang proyekto. Agad din naman daw itong ibabalik kapag kailangan na ng pinagkunang ahensiya. Pero nanguluntoy ang mataray…

Read More

P1-M KADA LINGGO KINOKOLEKTA NI GARMA

TUMATANGGAP ng isang milyong pisong payola kada linggo si retired Police Colonel Royina Garma noong hepe ito ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Davao City. Ito ang isiniwalat ni dating Cebu City Mayor Tommy Osmeña sa Quad Committee na nag-iimbestiga sa extra-judicial killings, illegal drug trade at  Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. “I was made aware that in then previous hearing that Col. Garma said that our differences was personal. I just want you to know Mr. Chairman that…

Read More

EX-MAYOR MABILOG NAIYAK SA KARANASAN KAY DU30

EMOSYUNAL na inilahad ni dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog sa pagharap nito sa Quad Committee ng Kamara ang karanasan kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil lamang umano sa pulitika. Sa kanyang opening statement, sinabi ng alkalde na nagtaka siya kung bakit isinama siya sa PRRD (president Rodrigo Roa Duterte) list gayung mismong ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nagpatotoo aniya sa ilang pagkakataon na wala siyang kinalaman sa ilegal na droga. “Since the announcement of my inclusion in this list, I was subjected…

Read More

‘Bigong maihulog sa patibong’ MGA KONGRESISTA NGANGA KAY VP SARA

(BERNARD TAGUINOD) HINDI napilit sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na gisahin si Vice President Sara Duterte nang tumanggi itong sumailalim sa imbestigasyon sa katwirang hinahanapan lang siya ng butas ng mga kongresista para sa nilulutong impeachment laban sa kanya. Kahapon ay sinimulan ng House committee on good government and public accountability na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua ang motu propio investigation sa P125 million confidential funds na ginastos ni Duterte sa loob ng 11 araw noong 2022, base sa privilege speech ni Manila Rep. Rolando Valeriano. Dumalo si Duterte…

Read More

HIGIT 600M DEACTIVATED VOTERS NAG-APPLY NG REACTIVATION

MAHIGIT 600,000 deactivated voters ang nag-apply ng reactivation para sa 2025 national and local elections (NLE), ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkoles. Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, mula sa 6.4 million applications na natanggap ng komisyon, 3.3 milyon nito ang nadagdag kung saan 2.6 milyon ang bagong botante at mahigit na 600,000 ang nagpa-reactivate. Ayon kay Laudiangco, inaasahan na sa dalawang linggo na nalalabi para sa registration ay mas darami pa ang mag-apply bilang bagong rehistradong botante lalong-lalo na ‘yung mga na-deactivate. Ang deadline para sa…

Read More

PAGKAKASANGKOT NG MGA BANGKO SA POGO PINABUBUSISI

ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian ang isang resolusyon na naglalayong imbestigahan ang posibleng pagkakasangkot ng mga bangko sa pagpapatayo ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa. Sa kanyang Senate Resolution 1193, sinabi ni Gatchalian na dapat magkaroon ng pagsisiyasat sa mga kahina-hinalang transaksyon sa mga bangko na may kinalaman sa POGO at kabiguan na masita at matukoy ang mga ito. Ayon kay Gatchalian, ang nakaraang mga pagsisiyasat ng Senado sa POGO-related activities ay nagsiwalat ng mga transaksyon sa bangko na kinasasangkutan ng mga kumpanyang pag-aari ni Guo Hua Ping…

Read More

Sa pag-aresto sa transport leaders PROTESTA KRIMEN NA BA SA MARCOS ADMIN? – SOLON

(BERNARD TAGUINOD) SA halip pakinggan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hinaing ng mga tsuper na kontra sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ay tinatratong kriminal na ang mga ito. Reaksyon ito ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas matapos arestuhin ng mga otoridad ang mga transport leader mula sa PISTON at Manibela sa Bacolod City na nagsasagawa ng protesta sa Transport summit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). “Bingi-bingihan ang gobyerno sa mga hinaing ng mga tsuper na apektado ng PUV modernization program. Imbes na pakinggan,…

Read More

P500-P1K MULTA SA MAGLALARO SA BAHA

IPINAGBABAWAL na sa buong Metro Manila ang maglaro, magtampisaw, tumambay at maligo sa tubig-baha. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Health Secretary Teodoro Herbosa Jr. na layon nito na maiwasan ng mga tao na magkaroon ng sakit na leptospirosis. “So, ang good news ko diyan, last week nag-meeting ang Metro Manila Council (MMC) naglabas ng resolution na pinagbabawal sa buong Metro Manila ang maglaro, magtampisaw, pero kung ikaw ay lulusong sa baha para iligtas ang bahay mo, ang kamag-anak mo, hindi bawal iyon. Ang bawal iyong mga…

Read More

MABAGAL NA PAGBABAKUNA KONTRA ASF PINUNA

NABABAGALAN ang sektor ng magbababoy at stakeholders sa pagbabakuna sa mga baboy laban sa African Swine Flu (ASF). Sa media forum sa Maynila, muling nakiusap sa gobyerno ang hog raisers partikular sa Department of Agriculture (DA) na bilisan ang pagbabakuna dahil naisagawa naman na anila ang roll-out noong August 30. Panawagan pa ng hog raisers, mas maraming alagang baboy ang maliligtas at hindi malulugi ang mga nagnenegosyo kabilang ang feed producers kung mabilis ang pagbabakuna lalo na sa backyard hog raisers. Ayon kay Rico Geron, CEO ng SoroSoro Ibaba Development…

Read More