(DANG SAMSON-GARCIA) NANGANGAMBA si Senador Ronald Bato dela Rosa na mauwi sa constitutional crisis ang anya’y panghihimasok ng International Criminal Court sa mga usapin sa bansa. Sa kanyang privilege speech, hiniling niya sa mga kasamahan na huwag itong hayaang mangyari at bantayan ang sitwasyon sa bansa. Iginiit ni Dela Rosa na kung magkaroon man ng arrest warrant ang ICC ay hindi ito dapat ipatupad ng Philippine National Police o ng local law enforcement agencies dahil batay na rin anya sa opinyon ng ilang legal luminaries ang anomang warrant of arrest…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Cathy Binag sa mga kaibigan kapag may nangyari sa kanya: 150 USB NA MAY EBIDENSYA NG BBM DRUG USE ISAPUBLIKO
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PINAKIUSAPAN na umano ni Cathy Binag ang mga kaibigan na binigyan niya ng 150 USB na naglalaman ng mga ebidensya kaugnay sa sinasabing paggamit noon ng droga ni Pangulong Bongbong Marcos na isapubliko ito sa oras na may mangyaring masama sa kanya. Ito ay dahil nangangamba umano ang dating partner ni ex-Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio ‘Tonyboy’ Floirendo sa kanyang kaligtasan kasunod ng kanyang mga pagbubunyag. Unang lumutang si Binag sa vlogger na si Maharlika at doon ibinunyag ang kanya umanong mga nalalaman hinggil…
Read MoreFIRST TRANCHE NG UMENTO SA GOV’T WORKERS TIYAK NGAYONG 2024
TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na maipatutupad na ngayong taon ang unang tranche ng umento sa sahod para sa mga government workers. Inihayag ito ni Budget Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman sa isinigawang briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa House Committee on Appropriations, sa opisyal na pagsisimula ng deliberasyon ng House of Representatives sa proposed P6.352 trillion National Budget para sa 2025. Kasama ang iba pang miyembro ng economic team ni President Ferdinand R. Marcos Jr., iprinisinta ng Kalihim ang key dimensions at highlights…
Read MoreSIM REGISTRATION LAW PAAAMYENDAHAN
NAIS ni Senador Sherwin Gatchalian na paamyendahan ang SIM Registration Law sa gitna ng patuloy na malawakang paggamit ng SIM card sa pandaraya at pang-i-scam. Kasama sa nais maisulong ng senador ang pagkakaroon ng limitasyon sa bilang ng mga pinapayagang SIM na maaaring irehistro sa bawat user at pagre-regulate ng Short Message Service (SMS) marketing, promotional, political o fundraising na ipinadadala sa pamamagitan ng mga SIM. Binigyang-diin ni Gatchalian na kailangan ding matukoy ang mga indibidwal o organisasyon na nagbibigay-daan sa paggamit ng mga rehistradong SIM sa mga ilegal na…
Read MoreGROSS GAMING REVENUES NG PAGCOR SUMIPA NG 32%
TUMAAS ng 32% ang gross gaming revenues (GGR) ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) para sa second quarter. Itinurong dahilan ng PAGCOR ang electronic games (e-games) sector kung saan lumaki ang ‘top line’ nito ng mahigit sa 6 na beses para sa isang ‘fresh record high.’ Sinabi ng PAGCOR na tinamaan ang GGR ng P89.23 billion, 32.32% mas mataas kaysa sa P67.43 billion sa kaparehong quarter noong 2023, at 9.21% mas mataas kaysa sa P81.70-billion industry quarter sa first quarter. Iniugnay ng ahensya ang paglago sa e-games sector kung…
Read MoreTahimik Pa Rin Sa WPS Issue
Samantala, kinuwestyon ng administration congressmen si Vice President Sara Duterte dahil kung anong ingay umano nito sa pagbatikos sa administrasyon ay kabaliktaran naman pagdating sa patuloy na pangha-harass ng China sa West Philippine Sea (WPS). Sa press conference, sinabi ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na bilang pangalawang pinakamataas na lider ng bansa, tungkulin ni Duterte na ipagtanggol ang soberanya at protektahan ang seguridad ng bansa. “Personally, I’m trying to question, why apart from all of these things happening, nagkaroon nga po recently yung flare ng Chinese government…
Read MoreKAMARA TIKLOP SA IMPEACH SARA
(BERNARD TAGUINOD) ITINANGGI ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ipinakakalat ni dating presidential spokesperson Harry Roque na nakatakda umanong ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Sa press conference kahapon sa Kamara, pawang itinanggi nina La Union Rep. Paolo Ortega, Ako Bicol party-list Rep. Raul Angelo Bongalon at Lanao de Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang alegasyon ni Roque. “Walang ganyang napag-uusapan. Baka marumi lang ang crystal ball (ni Roque). Kailangan sigurong linisan nang konti,” ani Ortega. Sa social media post ni Roque, sinasabi umano ng kanyang crystal…
Read MorePROTEKTOR NG CHINESE MAFIA HUHUBARAN NG MASKARA
AALAMIN ng Quad-committee ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung sino ang cuddlers at mga protektor ng Chinese mafia na nasa likod ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), illegal drugs at human rights violations sa bansa. Ito ang nabatid kay House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers na tatayong chairman ng QuadComm na kinabibilangan ng committees on human rights, public order and safety at public accounts. “Eto pong issue ng drugs, human rights violations, illegal POGO where most of public officials are allegedly involved meron pong nagpoprotect, meron…
Read MorePalasyo mahihirapang dumepensa – Roque CATHY BINAG ‘STAR WITNESS’ SA DRUG USE VS BBM *150 USB naglalaman ng mga ebidensya
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MAHIHIRAPAN ang Malacañang na pasinungalingan ang mga rebelasyon ni Cathy Binag hinggil sa umano’y paggamit ng droga noon ni Pangulong Bongbong Marcos. Ito ayon kay Atty. Harry Roque ay dahil may personal knowledge si Binag sa ipinupukol na akusasyon. “Itong Cathy Binag po kakilala ko ‘yan dahil kasama ko talaga noong 17th Congress ‘yung dati niyang partner na si Congressman Tony Boy Floirendo at siyempre ‘yung mga panahon noon ay very close sila ni Speaker Pantaleon Alvarez,” ayon kay Roque. Ginulat ang publiko sa paglabas ni…
Read More