MAY PULITIKA SA PANGGIGIPIT KAY PASTOR ACQ – VP SARA

PARA kay Vice President Sara Duterte, ang panggigipit ngayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy ay konektado sa pagiging kaalyado nito ng mga Duterte. Hindi lamang aniya si Quiboloy ang hina-harass ngayon ng administrasyon kundi magong ang SMNI. “Si Pastor Quiboloy kasi he suffers from… Ano bang tawag diyan? sabihin na natin na 2 poison arrows, unang-una ally siya ni former President Rodrigo Duterte, tumulong din siya sa kampanya ko noong ako ay tumakbong Vice President so merong anggulo diyan na pulitika tapos meron din gusto siyang kunin ng US government,…

Read More

PNP mistulang private army ng Marcos admin

Samantala, binatikos ng isang supporter ang Philippine National Police (PNP) na tila umano isang private army na ng administrasyong Marcos Jr. Ayon sa commentator na si EB Jugalbot, taliwas sa mottong ‘To Serve and Protect’ ang ginagawa ngayon ng PNP dahil naghahasik ito ng takot at pangamba partikular sa mga taga-Davao City. Nagbago na aniya ang prayoridad ng mga pulis sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kaugnay ito sa sunod-sunod na pag-atake ng mga elite force ng PNP sa mga religious compound ng KOJC noong June 10,…

Read More

RAID SA KOJC COMPOUND ‘MORO-MORO’ DAPAT IMBESTIGAHAN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) DAPAT imbestigahan ang isinagawang raid ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) kamakailan. Inulan ng batikos ang pagsalakay ng grupo ni NBI Region 11 Director Archie Albao kaugnay ng monitoring nito sa mga aktibidad ng pinuno ng KOJC na si Apollo Quiboloy dahil nagdulot umano ito ng pagdududa sa integridad ng mga aksyon ng ahensya. Mismong ang dating pastoral ng KOJC na si Arlene Stone at pangunahing complainant sa kaso laban kay Quiboloy, ay kinondena ang…

Read More

P10K TEACHING ALLOWANCE SURE NA SA SUSUNOD NA TAON

WALA nang makapipigil sa implementasyon ng Kabalikat sa Pagtuturo Act na naglalayong itaas sa P10,000 ang teaching supplies allowance ng bawat pampublikong guro. Ito ay sa gitna ng pagpapalabas ng Implementing Rules and Regulation ng batas na ayon sa pangunahing may-akda na si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ay pagtatapos ng mahabang proseso na pinagdaanan ng panukalang layung tulungan ang mga guro sa gastusin sa kanilang pagtuturo. Sinabi ni Revilla na matagal man ang naging laban, naipanalo pa rin ito para sa kapakanan ng mga guro. Ang pag-apruba ng IRR…

Read More

BUDGET NI VP SARA KUKUYUGIN SA KAMARA

MATAPOS kastiguhin ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na umano’y mapanlinlang, bubusisiin na nang husto ang budget ni Vice President Sara Duterte sa susunod na taon na naghahalaga ng P2.003 billion, mas mataas ng 8% kumpara sa P1.8 billion ngayong 2024. Kasabay nito, mistulang nagkaisa naman ang administration congressmen sa pagkastigo kay Duterte na hanggang ngayon ay hindi pa nito naipapaliwanag sa taumbayan kung saan ginastos ang P125 million intelligence and confidential funds noong 2022. “When the OVP budget is tackled soon at the House, she should no…

Read More

LIBANAN-EVARDONE TANDEM ITINULAK NG EASTERN SAMAR OFFICIALS

MISMONG ang local officials na sa Eastern Samar ang nagtulak para magsama sa 2025 mid-term election sa kanilang lalawigan sina House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan at Gov. Ben Evardone. Personal na humarap kay Speaker Martin Romualdez sa Kamara ang 58 Eastern Samar Officials para idaan ang kanilang kahilingan sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na si Libanan ang patakbuhing kongresista sa Lone District ng kanilang lalawigan habang si Evardone bilang Governor. Kabilang sa mga delegado sina Eastern Samar Vice Governor Maricar Goteesan, 13 provincial board members, 19…

Read More

MTRCB pagpapaliwanagin PANG-AABUSO SA FILM INDUSTRY HIHIMAYIN

PAGPAPALIWANAGIN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) hinggil sa nabunyag sa pagsasamantala sa mga actor at actress sa film industry. Ito ang nabatid kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas matapos maalarma sa magkasunod na nabunyag na pagsasamantala sa mga actor at actress sa entertainment industry partikular na sa actress na si Angeli Khang. “We are concerned over the recent revelations made by actress Angeli Khang regarding her experiences in the film industry. Her admission of feeling “taken advantage of” while filming for…

Read More

POGO MONEY GINAMIT SA WAR ON DRUGS

MULA sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ang perang ipinambayad umano sa mga pulis na makakapatay na isang Pilipino na inaakusahang sangkot sa ilegal na droga noong panahon ng war-on-drugs ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang isiniwalat ni House committee on human rights chairman at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., sa press conference kahapon, kasama ang apat na mambabatas na bumubuo sa Quad-Committee na mag-iimbestiga sa organisadong sindikato na kumikilos sa Pilipinas. Ang Quad-Com ay binubuo ng House committee on dangerous drugs, committee on public order and safety, committee…

Read More

DBM TODO DEPENSA SA P4.5-B SPY FUNDS NI BBM

DINEPENSAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang mahigit sa P4.5-bilyong alokasyon ng confidential and intelligence funds (CIF) sa ilalim ng panukalang P6.352-trillion 2025 national budget para sa Office of the President (OP). Sa isang kalatas, sinabi ng DBM na binigyang-katwiran ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang CIF allocation para sa OP para sa susunod na taon, sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Appropriations para sa Fiscal Year 2025 proposed National Expenditure Program (NEP). “He is the President, commander-in-chief, and the overall architect of national security and foreign…

Read More