MARIING itinanggi ng Manila Electric Company (Meralco) ang anila’y walang basehang pahayag ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez na ang distribution utility ay nag-overcharge sa kanilang customers simula noong 2012. Pinabulaanan ni Meralco First Vice President and Regulatory Management Head Atty. Jose Ronald Valles ang alegasyon ng overcharging, iginiit na ang rates ay sumailalim sa review and confirmation process upang matiyak na ito ay fair and reasonable, katulad ng ibang distributors. Binigyang-diin ng Meralco na wala itong ‘power to unilaterally set its own rates’. Ang lahat anila ng rates…
Read MoreCategory: NASYUNAL
‘PLAN A’ NI ROMUALDEZ VS VP INDAY SUMABLAY
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SABLAY ang kampo ni House Speaker Martin Romualdez dahil hindi umubra ang pinalutang na impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Ganito ang reaksyon ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa matabang na impeachment na umugong sa Kamara. Para sa naging tagapagsalita ni dating pangulong Rodrigo Duterte, bagaman itinatanggi ni Romualdez na siya ang nasa likod ng mga pag-atake laban kay VP Duterte, hindi mapasusubalian ang impluwensya nito sa mga kapwa kongresista. “Galing po ako dyan sa House, wala pong demokrasya dyan. What the speaker says,…
Read MorePUV MODERNIZATION ISA PANG ‘BUDOL’ NG BBM ADMIN
INIHALINTULAD ng isang mambabatas sa Kamara sa Maharlika Investment Fund (MIF) ang modernisasyon ng jeepney na sapilitang isinusubo sa mga tsuper at operator. “Tulad ng Maharlika Investment Scam, isa na naman itong budol ng administrasyong Marcos Jr. para tiyakin ang kita ng mga kasosyo nitong dayuhang kapitalista na nakahandang itambak sa napakamahal na presyo ang kanilang mga “modern” jeep di umano,” ayon kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel. Sa sandaling maisakatuparan ang Public Utility Vehicle Modernization Program, hindi na ang mga tradisyunal na pampasaherong jeep ang magiging ‘hari ng kalsada’…
Read MoreHamon sa mga tutol sa pagpasok ng ICC DRUG WAR NI DUTERTE PAIMBESTIGAHAN SA DOJ
HINAMON ng Makabayan bloc ang mga tutol na pumasok ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas para mag-imbestiga sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na atasan ang Department of Justice (DOJ) na mag-imbestiga at magsampa ng kaso hindi lamang sa mga pulis kundi sa mga pasimuno nito. Ginawa ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang hamon matapos palagan ng anak ni Duterte na si Vice President Sara Duterte ang dinidinig na resolusyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para payagan ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa war…
Read MorePETISYON KONTRA GUANZON DIRINGGIN NG SC SA MARTES
MULING itinakda ng Supreme Court ang oral argument kaugnay sa petisyon ng Duterte party-list group na huwag payagan makaupo sa Kongreso si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon bilang kinatawan ng isang party-list. Sa abiso ng Korte Suprema, isasagawa ang pangalawang oral argument sa bukas, November 28, alas-2 ng hapon. Magugunitang kinuwestiyon ng Duty to Energize the Republic Through the Enlightenment of the Youth o Duterte Youth party-list ang Comelec kung bakit pinayagan si Guanzon bilang substitute nominee para sa (P3PWD) Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities. Iginiit nito…
Read MoreROMUALDEZ SAPUL KAY VP INDAY
BINANATAN ni Vice President Sara Duterte ang grupo ni Speaker Martin Romualdez sa Kamara na nanghihikayat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makipagtulungan ang Pilipinas sa ginagawang imbestigasyon ng International Criminal Court sa anti-drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi ng batang Duterte na mismong si Pangulong Marcos na ang nagsabi noon na tapos na ang pakikipag-usap sa ICC nang kumalas ang Pilipinas noong Marso 2019. Sabi ni Duterte, dapat igalang ng mga mambabatas ang pahayag ni Pangulong Marcos na aniya’y chief…
Read MoreKahit bumuntot sa US ship CHINA DEDMA SA PHL-US JOINT MARITIME PATROL SA WPS
OKEY lang umano sa China ang isinagawang joint maritime patrol ng Pilipinas at ng Estados Unidos sa bahagi ng West Philippine Sea basta hindi masasaling ang kanilang soberanya at pansariling interes. Ito ang inihayag ni Mao Ning, Deputy Director of Information ng Ministry of Foreign Affairs of China, hinggil sa katatapos na joint aerial and maritime patrol ng US at Pilipinas. Ayon kay Mao Ning, ang tagapagsalita ng China Foreign Ministry, “China has stated its position to the Philippines and the US. The joint patrol must not hurt China’s territorial…
Read MoreMARCOS ADMIN DAPAT MAGPAKATOTOO SA NUCLEAR POWER PLANT
(BERNARD TAGUINOD) IGINIIT ng isang mambabatas sa gobyerno at maging sa kanyang mga kasamahan sa Kamara na huwag magsinungaling hinggil sa problemang idudulot ng pagkakaroon ng Nuclear Power Plant sa bansa. Sa paliwanag ni Bataan Rep. Albert Garcia sa botong “no” sa House Bill (HB) 9293 na naglalayong itatag ang Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (PhilATOM), hiniling nito sa gobyerno na sabihin ang katotohanan sa mga problemang kahaharapin ng bansa kapag nagkaroon ng nuclear plant. “Magpakatotoo po tayo. Kung may panganib, ‘wag nating sabihin na ligtas. Kung walang solusyon sa…
Read MoreGOBYERNO NAKATUTOK SA KALIGTASAN NG 17 PINOY SEAFARERS
GINAGAWA ng gobyernong Marcos para maiuwi nang ligtas ang 17 Filipino seafarers mula sa pagkakabihag ng Yemen’s Houthis sa Red Sea. Sa isang kalatas, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na prayoridad ng gobyerno ang kaligtasan ng mga bihag na Pinoy. “Our seafarers are not alone. The government is doing everything in our power to bring them safely home,” aniya pa rin. Tinuran pa ng Pangulo na nakikipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa counterpart nito sa Iran, Oman, Qatar, at Saudi Arabia para humingi ng updates sa nagaganap…
Read More