DILG: BIG FISH SA FLOOD BUDGET SCAM SUSUNOD NA; WALANG VIP JAIL

TINIYAK ng Department of Interior and Local Government (DILG) na susunod nang hihimas ng rehas ang mga ‘big fish’ sa multi-billion peso flood control scandal at wala umanong ‘La Catedral’ o VIP treatment sa bagong detention facilities ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). “Big fish are coming soon. Expect the Discayas, senators, congressman in the next five weeks sunod-sunod na sila. Walang La Catedral dito, i-treat sila kagaya ng karamihan,” babala ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla. Ayon sa kalihim, tatlo pang akusado sa Oriental Mindoro…

Read More

P7-B PROPERTIES NG FLOOD CONTROL SCAM SUSPECTS ISINAILALIM SA FREEZE ORDER

UMAABOT sa P7 bilyon na halaga ng web of accounts ng mga personalidad na isinasangkot sa anomalya sa mga flood control project ang isinailalim sa freeze order ng Anti-Money Laundering Council (AMLC). Kinumpirma ito ni Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian sa tanong ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson sa deliberasyon ng budget ng AMLC. Ayon kay Gatchalian, umaasa ang AMLC na makakarekober pa sila ng hanggang tatlong beses sa halaga ng na-freeze na. Ikinatuwa naman ni Lacson na nasimulan na ng AMLC ang pag-freeze ng web of…

Read More

32% PINOY LUMALA KALIDAD NG PAMUMUHAY

TINATAYANG 30% ng mga Filipino adult ang nagsabing mas mabuti ang kalidad ng kanilang buhay noong nakaraang taon, habang 32% naman ang nagsabing ito ay lumala. Sa third quarter survey report ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas noong Lunes, sinabi ng ahensya na 38% ang nagsabing nanatiling pareho ang kalidad ng kanilang buhay. Ayon sa SWS, ang Net Gainers score — ang diperensya sa porsyento ng “Gainers” at “Losers” — ay nasa -2, na kinlasipika bilang “fair” (0 to -9). “This is 14 points below the high +12 in…

Read More

DILG SA FLOOD CONTROL ACCUSED: SUMUKO NA KAYO

MATINDI ang panawagan nitong Lunes ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla para sa agarang pagsuko ng mga suspek na umiiwas na madakip kaugnay sa multi billion-peso flood control anomaly partikular sa Oriental Mindoro. Nagbabala rin si SILG Remulla sa coddlers o mga tumutulong sa wanted personalities. “Binabalaan po namin ang lahat ng tumutulong itago ang mga ito. May katumbas na kaparusahan sa kanilang ginagawa. Our best advice to all those who have outstanding Warrants of Arrest against them: surrender as soon as possible.” Ang…

Read More

IPUPUSLIT NA LIVE MILLIPEDES NASABAT

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang walong shipping container na naglalaman ng buhay na millipedes sa isang warehouse sa Pasay City. Ang containers ay patungo s\sa United Kingdom noong Nobyembre 19, na idineklarang “assorted consumer goods,” katulad ng powdered juice, face masks, instant noodles, delicacies, photo frames, at iba pa. Subalit sa X-ray screening, nakita ang iregularidad sa kargamento dahilan para isailalim pa ito sa mas malalim na pagsusuri. Dito na nga tumambad ang mga buhay na millipedes na agad na ipinag-utos na i-turnover sa Department of…

Read More

Babala ni Zaldy Co: Katotohanan ililibing P56-B KICKBACK PINAGHATIAN NINA PBBM, ROMUALDEZ?

UMAABOT umano sa P56 bilyon ang naideliber ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co kay dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez mula nang maupo si Co bilang chairman ng House committee on appropriations. Ito ang bagong akusasyon ni Co sa isang video statement na inilabas kahapon. Una niyang pinasalamatan ang mga aniya’y bukas ang isip na nakikinig sa kanyang panig at iginiit na hindi siya makakauwi sa bansa dahil umano sa banta sa kanyang buhay. “Ngayon naman ay meron kaming natanggap na balita. Papalabasin ng administrasyon na…

Read More

Magkakanlong sa FC suspects mananagot din: SUMUKO NA KAYO!

“SUMUKO na kayo ngayon!” Hamon ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga suspek na nananatiling at-large kabilang na si dating House Appropriations Committee chair at nagbitiw nang Ako Bicol Rep. Zaldy Co. Sa kanyang video message sa social media nitong Lunes, sinabi ng Pangulo na ilan sa 16 na suspek ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad. Dagdag pa niya: “To all the accused still at large, I advise you to surrender now. Don’t wait to be chased after… It’s better for your situation to surrender now so that…

Read More

GOITIA: ESTRATEHIYA NG AFP PATUNAY NA HINDI SUSUKO PILIPINAS SA TSINA

HABANG patuloy na umaarangkada ang agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea mula sa pag-ram, pag-shadow, paggamit ng military-grade lasers, hanggang sa pagpapakalat ng disinformation ay mas binibigyang lakas ng Pilipinas ang depensa nito. Bilang tugon, inilunsad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang iba’t ibang hakbang para protektahan ang soberanya, pangalagaan ang karapatang pandagat, at ipagtanggol ang rules-based international order. Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, malinaw ang mensahe: maninindigan ang Pilipinas — at hinding-hindi susuko. Patuloy ang AFP sa regular patrols at maritime presence bilang…

Read More

PASABOG NI ZALDY CO TINABLA NG PALASYO: FAKE NEWS PA RIN

NANANATILING “fake news” sa pananaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga pahayag ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, lalo na ang panibagong pasabog tungkol sa umano’y anomalya sa flood control projects. Aniya, basahin man ang kanyang mga pahayag online, “wala itong kuwenta” kung hindi niya haharapin ang kaso sa bansa. “Anyone can go online and make all kinds of claims… but it means nothing. For it to mean something, umuwi siya rito. Harapin niya yung mga kaso niya. Kung meron siyang gusto sabihin, sabihin niya. Malalaman naman…

Read More