NAG-REQUEST na ang gobyerno ng Pilipinas sa International Criminal Police Organization (Interpol) na magpalabas ng red notice laban kay dating presidential spokesperson Harry Roque kaugnay ng di umano’y qualified human trafficking. Ayon kay Winston Casio, tagapagsalita ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), naisumite na ang kahilingan para sa isang international arrest warrant. “Mahirap lang kasi nagpo-project siya na siya diumano ay biktima ng political persecution… Wala namang ganun. Lahat nakadepende sa ebidensiya,” ani Casio sa isang panayam. Noong Mayo, ipinalabas ang mga warrants of arrest laban kina Roque, Lucky South…
Read MoreCategory: NASYUNAL
‘KAIN LOAD’ NG ISPs TUTULDUKAN NG KAMARA
HINDI na dapat mawala ang binayarang data ng subscribers — ito ang malinaw na mensahe ng Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos aprubahan sa committee level ang panukalang Roll-over Internet Data Act, na magbabawal sa Internet Service Providers (ISPs) na i-forfeit ang mga hindi nagamit na data ng kanilang customers. Ayon kay House information and communications technology (ICT) committee chairman Rep. Migz Villafuerte, naghihintay na lamang ang panukala na maisalang sa plenaryo para sa ikalawa at pinal na pagbasa. Giit ni Villafuerte, panahon nang tapusin ang gawain ng ISPs na pinapabura…
Read MoreTAUMBAYAN PINASASAMA SA PAGTUGIS SA MGA CORRUPT
IGINIIT ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na totohanin na ang pagsasapubliko sa kanilang pagdinig sa anomalya sa flood control at iba pang proyekto ng gobyerno. Ginawa ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima ang pahayag matapos kumpirmahin ni ICI spokesman Atty. Brian Hosaka na isasapubliko na ang susunod na pagdinig ng komisyon. “Pending the passage of our proposed ICAIC bill, which the President must now certify as urgent, the ICI should honor its commitment to livestream its proceedings,” ani…
Read MoreGOVERNMENT RESET NA MAG-UUPO KAY ANG, TABLADO
MALINAW na military junta ang lumutang na government reset kung saan itatalaga umano ang business tycoon na si Ramos S. Ang bilang caretaker ng gobyerno habang hindi pa nahahalal ang bagong pangulo at pangalawang pangulo. Ito ang pahayag ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio na ang grupo ay nagsusulong naman ng “transition council” kung saan ang Senate President o Speaker of the House ang pansamantalang mamumuno sa gobyerno sa loob ng 60-araw. “Narinig namin yung government reset. Yan po ay (military) junta. Malinaw na military junta yan,” deklara ni…
Read MoreAFP, PNP PINAIGTING MONITORING SA POSIBLENG FOREIGN-FUNDED PROTESTS
IPINAGKATIWALA ng Malakanyang sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mahigpit na koordinasyon sa Philippine National Police (PNP) kaugnay sa ulat na posibleng may pondo mula sa ibang bansa ang ilang kamakailang protesta laban sa pamahalaan. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, kung mapatunayan na may foreign funding ang mga rally, itinuturing itong “pagtataksil sa bayan.” Binigyang-diin niya na hindi nararapat na pinanghihimasukan ang lokal na pulitika ng Pilipinas ng dayuhan. Nilinaw naman ng AFP, sa pahayag ni acting AFP Spokesperson…
Read MoreSa pagdami ng bomb threats PRESENSYA NG PNP SA SCHOOLS AT KOMUNIDAD PINAIGTING
PAIIGTINGIN ng pulisya ang presensya sa mga paaralan at matataong lugar matapos ang sunod-sunod na bomb threats sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ayon kay Acting PNP Chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., pinalalakas na ang security operations bilang tugon sa magkakaugnay na pekeng banta na nagresulta sa suspensyon ng klase sa ilang eskwelahan. Inatasan niya ang lahat ng police units sa field na magdagdag ng visibility at magpatupad ng pro-active response measures upang mapawi ang pangamba ng publiko. Noong November 17, walo ang eskwelahan na nakatanggap ng…
Read More‘POWERFUL FRIEND’ NAGPA-RESIGN KAY BERSAMIN
HINDI masabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang dahilan sa likod ng pagtanggal sa puwesto kay dating Executive Secretary Lucas Bersamin, gayundin kung sino ang nagpatupad ng hakbang, matapos itong idawit ni Bicol party-list Rep. Elizaldy Co sa kontrobersyal na flood control scam. “Hindi ko po masasabi kung sino po ang nagpatanggal sa kanya,” tugon ni Castro sa press briefing sa Malacañang nang tanungin kung bakit natanggal si Bersamin at sino ang nasa likod ng pagpapatanggal. Si Castro rin ang nag-anunsyo ng pagbibitiw ni…
Read MoreZALDY CO NAMAYAGPAG PANAHON PA NI GMA
SIKAT na sa mga kontrata ng gobyerno si resigned Congressman Zaldy Co mula pa noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. At ngayong nasa gitna siya ng kontrobersiya, nagkakaisa na ang iba’t ibang political party sa Kamara kabilang ang Minority bloc ni Minority Leader Marcelino Libanan sa panawagan na umuwi na si Co at personal na patotohanan ang kanyang mga alegasyon laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez. Sa privilege speech ni Caloocan Rep. Edgar Erice, sinabi niyang hindi basta isinasantabi ang mga…
Read MoreTRONO NI ZALDY CO BILANG BIGGEST ‘CONG-TRACTOR’ NAAGAW NA NI GARDIOLA
NANG magbitiw si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, umangat bilang pinakamalaking kontraktor sa Kamara si Construction Workers Solidarity (CWS) party-list Rep. Edwin Gardiola. Sa isang press conference kahapon, inilahad ni Batangas Rep. Leandro Legarda-Leviste ang umano’y higit P100 bilyong halaga ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakuha ng mga kumpanyang konektado kay Gardiola mula 2016 hanggang 2025. “Today I will discuss how Congressman Edwin Gardiola is the top contractor in Congress today,” pahayag ni Legarda, na nagsabing nakuha ni Gardiola ang titulo…
Read More