RAPE SUSPECT SA CALOOCAN, NABITAG SA MASBATE

MASBATE – Nadakip ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang isang lalaki na matagal nang wanted sa kasong panggagahasa sa Caloocan City, sa kanyang pinagtataguang lugar sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) ng NPD na nagtatago umano sa kanilang lugar sa Mobo, Masbate ang 25-anyos na tricycle driver na nakatala bilang no.7 most wanted person sa NPD. Sa koordinasyon sa iba pang mga unit, ikinasa ng mga tauhan ng DSOU-NPD ang joint operation na nagresulta sa…

Read More

GINANG INARESTO SA SHABU SA MAYNILA

ARESTADO sa bisa ng warrant of arrest ang isang 44-anyos na ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng ilegal na droga, sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Malate Police Station 9 ng Manila Police District, noong Lunes ng umaga sa Arellano Avenue malapit sa Augusto Francisco Street, Barangay 753, Malate, Manila. Kinilala ang suspek na si alyas “Obit”, jobless, residente ng Adriatico Street, Malate. Batay sa ulat Police Captain Armando Peñaflor Jr., hepe ng Warrant Section at ng Station Investigation Division Management Section (SIMDS), bandang alas-8:30 ng umaga nang…

Read More

Sa kabila ng ‘nakalibing’ na mga sabungero BFAR: TAWILIS SA TAAL LAKE LIGTAS PA RING KAININ

NILINAW ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, na ligtas pa ring kainin ang mga isda mula sa Taal Lake gaya ng tawilis at tilapia. Ito ay sa gitna ng panawagan sa gobyerno ng mga kaanak ng nawawalang mga sabungero na simulan na ang diving operations sa Taal Lake kung saan sinasabing itinapon ang bangkay ng mga sabungero. Magugunitang isiniwalat ng isang whistleblower kaugnay sa nawawalang mga sabungero, na itinapon ‘di umano ang kanilang bangkay sa nasabing lawa. Ayon kay BFAR Chief Information Officer Nazario Briguera, walang dapat…

Read More

MR NI MANILA REP. JOEY UY IBINASURA NG COMELEC

NANINDIGAN ang Commission on Elections (Comelec) na walang bisa ang pagkapanalo at proklamasyon kay Luis Joey Chua Uy na nanalo bilang kongresista sa ika-6 na distrito ng Maynila sa nakaraang halalan. Sa desisyon ng Comelec en Banc, ibinasura nito ang motion for reconsideration na inihain ni Uy kaugnay sa pagbawi sa kanyang pagkapanalo at proklamasyon. Giit ng en banc, nakabatay ang desisyon ng Comelec 2nd Division sa Section 6, Article 6 ng Konstitusyon na nagsasaad na hindi natural-born Filipino citizen ang respondent na si Uy kung kaya’t ang pagkapanalo niya…

Read More

ARRAIGNMENT KAY TEVES IPINAGPALIBAN

MULING ipinagpaliban ang nakatakdang arraignment nitong Hunyo 30, kay dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 12. Sa viber message ng kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio, naghain sila ng mosyon noong Biyernes dahil sa pananatili sa ospital ng kanyang kliyente na nakararanas pa rin ng ‘pain’ matapos sumailalim sa appendectomy o operasyon sa appendix kamakailan. Ang pagbasa ng sakdal kay Teves ay may kaugnayan sa kasong murder. Ipinagpaliban ni Judge Renato Enciso sa Hulyo 14, ganap na alas-8:30…

Read More

SA DAMI NG BASURA: STATE OF PUBLIC HEALTH EMERGENCY IDEDEKLARA SA MAYNILA

ISASAILALIM sa public health state of emergency ang buong lungsod ng Maynila sa gitna ng hindi pa nahahakot na tambak at namamahong mga basura sa lungsod. Ito ang inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa kanyang unang press conference sa kanyang pagbabalik bilang alkalde ng lungsod. Giit ni Domagoso, malaki ang naging epekto ng basura sa kalusugan ng mga Manilenyo kaya naman magdedeklara ng health state of emergency. Kaugnay nito, inanunsyo rin ni Domagoso na natanggap nila umaga nitong Lunes, ang liham mula sa service provider na Metro Waste…

Read More

BILANG NG NAGUGUTOM NA PINOY TUMAAS

BAHAGYANG tumaas ang bilang ng mga Filipino na nakaranas ng gutom o involuntary hunger, ayon sa ginawang pag aaral ng Social Weather Station nitong nakalipas na tatlong buwan kung saan lumilitaw na may 20 porsyento ng populasyon ay minsang naranasan na walang makain. Ayon sa SWS, sa pag-aaral na isinagawa nila hinggil sa kagutuman nitong huling linggo ng Abril 2025, tumaas ng 20 bahagdan ang bilang ng nagugutom na Pinoy, at 16.4 percent nito ang nagsasabing nakaranas sila ng moderate hunger, habang 3.6 percent ang dumanas ng labis ng kagutuman.…

Read More

SUMALISI SA BAHAY, KINUYOG NG TAMBAY

KINUYOG ng mga tambay ang isang 29-anyos na lalaki makaraang sumalisi sa isang bahay at tinangay ang isang cellphone noong Sabado ng madaling araw sa Zone 46, Barangay 497, Sampaloc, Manila. Kinilala ang suspek na si alyas “Joshua”, residente ng Sta. Cruz, Manila. Ayon sa ulat ng Sampaloc Police Station 4 ng Manila Police District, bandang alas-12:35 ng madaling araw nang humingi ng tulong ang biktimang si alyas “Daniel”, 28-anyos, sa mga barangay tanod dahil sa nawawalang cellphone sa kanyang bahay. Hanggang sa madiskubreng tinangay ng suspek ang cellphone. Bunsod…

Read More

1 SA TANDEM TIMBOG SA SNATCHING

NADAKIP ng mga tauhan ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District, ang angkas habang tuluyang nakatakas ang driver ng motorsiklo makaraang hablutin ang cellphone ng isang biktima noong Biyernes ng gabi sa panulukan ng Rizal Avenue at Tayuman Street, Sta. Cruz, Manila Kinilala ang nadakip na suspek na si alyas “Bernardo”, 23, residente ng Sta. Cruz, Manila habang tuluyang nakatakas ang kasabwat nito na si alyas “Kenneth”, ng Balut, Tondo Batay sa ulat nina Police Executive Master Sergeant Peter Joseph Villanueva ng Sector 2 ng Station 3,…

Read More