PANUKALANG 2026 BUDGET, LUSOT NA SA SENADO

APPROVED na sa third and final reading ang panukalang P6.793 trillion 2026 national budget. Sa botong 17 senador na pumabor, walang tumutol at walang nag-abstain, inaprubahan na ng Senado ang House Bill 4058 o ang General Appropriations Bill. Tulad ng mga naunang deklarasyon ang sektor ng edukasyon ang may pinakamalaking alokasyon sa panukalang pambansang pondo. Samantala, tiniyak ni Senate President Vicente Tito Sotto III na hindi sila papayag na hindi matuloy ang livestream ng proseso ng bicameral conference committee meeting sa panukalang budget. Sinabi ni Sotto na malinaw ang napag-usapan…

Read More

Inunahan ang arrest warrant SARAH DISCAYA KUSANG SUMULPOT SA NBI

KUSANG sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes ang contractor na si Sarah Discaya, ilang oras matapos ihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakatakdang lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng maanomalyang flood control projects. Dumating si Discaya sa NBI headquarters sa Pasay City bandang alas-diyes ng umaga, matapos makipag-ugnayan umano sa ahensya hinggil sa kanyang pagsuko. Sa isang video message, sinabi ni Marcos na inaasahang lalabas ngayong linggo ang warrant laban kay Discaya at hindi na raw magtatagal bago siya maaresto. “Hindi…

Read More

KASONG KIDNAPPING AT HOMICIDE LABAN KAY ATONG ANG, 25 PA INIREKOMENDA NG DOJ

INIREKOMENDA ng Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kaso ang 26 na indibidwal, kabilang si Charlie Atong Ang, negosyante at kilalang gaming tycoon. Ayon sa DOJ, may prima facie evidence na pwedeng itindig ang kaso sa korte. Kabilang sa mga inirekomendang kaso ang 10 counts ng kidnapping at homicide laban kina Ang at 25 pang indibidwal, karamihan ay mga pulis. Bukod dito, 16 counts ng kidnapping with serious illegal detention ang inirekomenda rin laban kina Ang at 9 pang indibidwal. Ipinabatid ng DOJ na ibinasura ang mga reklamo laban…

Read More

80 Taon sa Bilangguan: RECLUSION PERPETUA KAY JANET NAPOLES SA PORK BARREL SCAM

POSIBLENG sa loob na ng bilangguan tumanda ang tinaguriang “Pork Barrel Queen” na si Janet Lim Napoles matapos patawan ng Sandiganbayan Special 3rd Division ng parusang reclusion perpetua o hanggang 80 taong pagkabilanggo. Ang hatol ay may kaugnayan sa dalawang (2) counts ng malversation of public funds na nag-ugat sa ilegal at maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF). Sa 165-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Ronald Moreno, napatunayang nagkasala si Napoles at iba pang akusado sa malversation ng pondong nagkakahalaga ng P19 milyon mula sa alokasyon ng…

Read More

TOP BOMB EXPERT NG DAWLAH ISLAMIYAH PATAY SA ARMY RAID

NAPATAY ng Philippine Army ang itinuturing na pinakamataas na bomb expert at lider ng Dawlah Islamiyah–Hassan Group (DI-HG) sa operasyon sa Brgy. Satan, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur. Kinilala ng militar ang napatay na si Ustadz Muhammad Usman Solaiman, alias Amir ng DI-HG, kapatid ng teroristang si Ustadz Kamaru Usman at pamangkin ng kilalang bomber na si Basit Usman. Si Solaiman ay sangkot sa serye ng pambobomba sa mga bus sa Mindanao mula 2022 hanggang 2023, kabilang ang Rural Bus at Yellow Bus Line attacks, pati sa pagpaslang sa tatlong…

Read More

BAGONG MINIMUM WAGE SA E. VISAYAS EPEKTIBO NA

INANUNSYO ng Department of Labor and Employment (DOLE) na epektibo simula nitong Lunes, Disyembre 8, ang taas-sahod ng mga minimum wage earner sa Eastern Visayas. Ayon sa DOLE, maglalaro na sa P422 hanggang P452 ang bagong minimum na arawang sahod sa rehiyon. Susundan ito ng ikalawang bugso ng umento sa unang araw ng Hunyo 2026. Aabot na sa P440 hanggang P470 ang magiging bagong minimum wage sa Region 8. Samantala, aprubado na rin ang dagdag sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa rehiyon na naglalaro naman sa P5,800 hanggang P6,400.…

Read More

PALASYO SA LILIKHAING IPC: BAKA KOPYA LANG NG OMBUDSMAN, DOJ

POSIBLENG magdulot ng “redundancy” o pag-uulit ng tungkulin ang panukalang Independent People’s Commission (IPC) kung itutulak ito ng Kongreso, ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro. Sabi ni Castro, papasok sa gawain ng Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ) ang IPC dahil hindi lamang flood control projects ang saklaw nito kundi pati iba pang infrastructure projects. “Kung gagawa sila ng batas para mag-create ng Independent People’s Commission, sana ‘yung constitutionality nito ay hindi makuwestiyon dahil baka magkaroon ng redundancy,” pahayag ni Castro sa isang panayam. Aniya,…

Read More

Commuters lawyers sa impounding ng sasakyan ng mga raliyista UTOS NG MALAKANYANG O TRIP NG LTO ENFORCERS?

HUMIHINGI ng paliwanag ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) kay Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Marcus Lacanilao kaugnay ng umano’y pag-impound ng mga sasakyan ng mga lumahok sa isang protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan. Tanong nila, kaninong direktiba ang nasabing aksyon o kung iyon ba ay ‘trip’ lang ng mga enforcer ng ahensya. Ayon sa LCSP, limang jeep at isang van ang hinuli at inimpound ng LTO–NCR enforcers noong Nobyembre 30, 2025 bandang alas-9 ng umaga. Sakay umano ng mga naturang sasakyan ang mga miyembro ng…

Read More

Sangkot sa Davao ghost projects PNP NAGKASA NG TRACKER TEAM VS DISCAYA AT IBA PA

NAGSIMULA nang kumilos ang mga itinalagang tracker team ng Philippine National para tuntunin ang kinaroonan ni Sarah Discaya, may-ari ng St. Timothy Construction, at iba pang inaakusahang sangkot sa “ghost” flood control project sa Davao Occidental. Inihayag kahapon ni PNP chief Jose Melencio Nartatez, Jr., na nakapaloob sa kanilang isinasagawang paghahanda sa inaasahang paglalabas ng arrest warrant laban kina Discaya at iba pang dawit sa multimillion ghost project sa Davao Occidental. Ayon kay Gen Nartatez, bukod sa tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa iba pang concerned security agencies ng gobyerno ay inalerto…

Read More