2025 CHRISTMAS STAMPS INILUNSAD NG PHLPOST

INILUNSAD ng Philippine Postal Corporation (PHLPost), sa pangunguna ni Postmaster General Maximo Sta. Maria III, kasama sina Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at Vice Mayor Chie Atienza, ang 2025 Christmas Stamps, tampok ang “The Nativity”—isang makulay na paglalarawan ng kapanganakan ni Jesus Christ na inspirado sa mga minamahal na tradisyon ng Pasko ng Pilipino. Ginanap ang paglulunsad ng selyo kasabay ng seremonya ng “Pailaw ng Pasko sa Kartilya ng Katipunan” (City Hall Park) noong Biyernes, Disyembre 5. Isang “Pagkilala sa Pananampalataya at Tradisyon ng Pilipino”, ang tampok na likhang-sining…

Read More

BOC, NBI NAGTULUNGAN PARA SA RECOVERY NG UNDELIVERED BALIKBAYAN BOXES

UPANG mabigyan ng pag-asa ang nasa 12,000 overseas Filipino workers (OFW) na makuha ang undelivered balikbayan boxes ng recipients nationwide, nagbigay ng suporta ang ahensiya ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Balikbayan and OFW Action Center (BOAC), sa pagsasampa ng kaso laban sa Makati Express Cargo, Inc. (MECI) sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Disyembre 4, 2025. Nabatid na itinatag ang BOAC bilang bahagi ng kampanya ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno upang pangalagaan ang interes ng mga OFW at palakasin ang mga sistema na magarantiyahan…

Read More

3 HVIs TIMBOG SA P600K KUSH SA TAYTAY, RIZAL

RIZAL – Tatlong hinihinalang high-value drug personalities ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Rizal Provincial Office at PNP Regional Intelligence Unit 4A–Provincial Intelligence Team sa Barangay San Isidro, sa bayan ng Taytay sa lalawigan noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang mga suspek na sina “Gabriel”, 30, residente ng Brgy. San Isidro, Taytay; “Rionna Marie”, 28, mula Balayan, Batangas; at “Ayaboy”, 37, residente ng Brgy. San Roque, Antipolo City. Nalambat ang grupo matapos umano nilang bentahan ng kush ang isang operatibang nagpanggap na buyer. Sa…

Read More

MAPANG-ASAR NA SEKYU BINARIL NG KABARO

CAVITE – Kritikal ang kalagayan ng isang 53-anyos na security guard nang barilin ng kabaro na nagalit dahil sa madalas niyang pang-aasar sa Munisipyo ng Kawit nitong Linggo ng madaling araw. Isinugod sa San Pedro Calungsod Hospital ang biktimang si alyas “Delvin” ng Brgy. Legaspi, Kawit, Cavite, nasa kritikal na kalagayan dahil sa tama ng bala sa kaliwang sentido. Naaresto naman ang suspek na si alyas “Nino”, 28, ng Brgy. Tabon l, Kawit, Cavite. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa munisipyo ng Kawit sa Brgy. Bating Dalig, Kawit, Cavite…

Read More

100 IMAGES NG BIRHEN, DADAGSA SA GRAND MARIAN PROCESSION SA INTRAMUROS

INAASAHANG mahigit 100 imahe ng Mahal na Birheng Maria mula sa iba’t ibang parokya at koleksiyon ng mga pamilya ang kalahok sa 44th Grand Marian Procession (GMP) ngayong Linggo, Disyembre 7, sa Intramuros, Maynila. Taunang idinaraos ang tradisyunal na prusisyon tuwing unang Linggo ng Disyembre sa Plaza de Roma, sa harap mismo ng Manila Cathedral, bilang pagdiriwang ng Pista ng Immaculate Conception. Magsisimula ang grand parade bandang 4:00 p.m., matapos ang banal na misa sa Cathedral. Tampok sa prusisyon ang kilalang Marian images tulad ng #LaNavaldeManila, #OurLadyofPortaVaga ng Cavite City,…

Read More

PAGCOR pinarangalan ng GCG sa performance, sustainability

Tinanggap ng mga opisyal ng PAGCOR na pinangungunahan ni President and COO Wilma Eisma (ikalima mula sa kaliwa) ang plaque of recognition mula sa Governance Commission for GOCCs (GCG) bilang isa sa top-performing GOCCs batay sa 2024 Performance Evaluation Scorecard. Kasama rin sa larawan sina GCG Chairperson Atty. Marius P. Corpus (ika-anim mula sa kaliwa), dating Senador Franklin Drilon, at iba pang opisyal ng GCG. Nakatanggap ng dalawang parangal ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) mula sa Governance Commission for GOCCs (GCG) sa GCG Awards Ceremony na ginanap noong…

Read More

TARGET NG BI: UBUSIN NATITIRANG POGO OPS SA BANSA

TINIYAK ng Bureau of Immigration (BI) na hindi na muling makapagtatatag ng illegal online gaming activities ang dalawang Chinese nationals na naaresto ng Fugitive Search Unit sa Parañaque. Kinilala ang mga ito bilang sina Wu Huifu at Li Yong. Ayon sa BI, may mga warrant of arrest ang dalawa mula sa Chinese authorities dahil sa pagpapatakbo ng ilegal na online gambling platforms. Sangkot si Wu sa operasyon ng maraming overseas gambling websites na umabot sa kalahating milyong biktima at nakalikom ng higit 8.6 milyong Chinese yuan mula sa manipulasyon ng…

Read More

6 NA TAON KULONG SA ABUSADONG EMPLOYERS

HINDI lang multa ang kakaharapin ng mga mapang-abusong amo ng online workers kundi makukulong pa nang hanggang anim na taon kapag naipasa ang panukalang Protektadong Online Workers, Employees, Riders, at Raketera o POWERR Bill sa Mababang Kapulungan. Ito’y nakasaad sa House Bill 6572 na inihain nina Akbayan party-list Reps. Chel Diokno, Perci Cendana, Dadah Ismula, kasama si Dinagat Islands Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao. Ayon sa mga mambabatas, dumarami ang kabataan at kababayan na kumikita bilang online workers, entrepreneurs, riders at iba pang “raketera,” pero hindi sapat ang proteksiyong natatanggap nila…

Read More

MARCOS JR. SA MEDIA: TUMULONG PALAGANAPIN ANG LABAN SA FAKE NEWS

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa media na tulungan ang publiko na maunawaan ang mga reporma ng gobyerno, na aniya’y mahirap ipaliwanag sa karaniwang mamamayan na hindi nakatuon sa mga istruktural na usapin. Nagpasalamat ang Pangulo sa mga mamamahayag, lalo na sa Malacañang Press Corps (MPC), sa kanilang papel sa pagpapaliwanag ng mga komplikadong polisiya sa nakalipas na tatlo’t kalahating taon. Binigyang-diin niya na mahalaga ang media bilang katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay-kaalaman sa publiko. “So I thank all the members of the Malacañang Press Corps, because you…

Read More