NAKATAKDANG tumestigo si dating Philippine National Police (PNP) chief Nicolas Torre III laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy. Magugunitang ang on-leave police general ang nanguna sa ilang araw na paghahanap at tuluyang pagdakip kay Quiboloy, sa isinagawang search and law enforcement operation sa compound ng KOJC sa Davao City. Si Torre ay naghain ng kanyang official leave noong Agosto 26 na magtatagal hanggang Oktubre 31, matapos siyang halinhan ni Acting PNP chief Melencio Nartatez. Sa panayam ng media, inihayag ni Torre na nakatakda sa susunod na linggo…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
P200-M KIKITAIN SA AUCTION SA LUXURY VEHICLES NG DISCAYA COUPLE
KINUMPIRMA ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang planong pagsusubasta sa luxury vehicles ng mag-asawang government contractor na sina Curlee at Sarah Discaya. Ayon sa Bureau of Customs (BOC), posibleng kumita ng hindi bababa sa P200 million kung isusubasta ang 13 luxury vehicles ng mag-asawang contractor. “Ang minimum na pwedeng kitain ng pamahalaan sa proceeds ng bidding ay should be a minimum of P200 to 220 million,” ani BOC commissioner Ariel Nepomuceno. Hawak ng Aduana ang 28 sasakyan nina Curlee at Sarah Discaya at binabalak na isubasta ang 13 sa…
Read MoreILI LOCKDOWN ITINANGGI NG DOH
ITINANGGI ng Department of Health nitong Biyernes ang ulat na nagpapatupad ng lockdown sa ilang lugar sa bansa sa gitna ng pagkalat ng influenza-like illnesses (ILI). Ayon kay Health secretary Ted Herbosa, walang planong lockdown –ang ulat ay isang fake news. Ginawa ni Herbosa ang pahayag dahil sa mga social media post na ilang lugar sa Luzon ang isinailalim sa lockdown dahil sa umano’y ILI outbreak. Muling inulit ni Herbosa na walang ILI outbreak o epidemic sa National Capital Region (NCR) at ang kasalukuyang bilang ng mga kaso ay inaasahan…
Read MoreDISCAYA COUPLE WALA PANG SENYALES NG PAG-ATRAS SA DOJ
SA kabila ng pag-atras ng mag-asawang Discaya na makipagtulungan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), sinabi ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, wala pang pahiwatig na hindi na rin sila makikipagtulungan sa Department of Justice (DOJ). Giit ni Fadullon, maaapektuhan ang kanilang aplikasyon bilang state witness dahil sa pag-atras nila sa pakikipag-ugnayan sa ICI. Wala rin aniya sa posisyon ang mga ito na diktahan ang DOJ kaugnay ng kanilang aplikasyon. “They’re applying for supposedly witness protection coverage. And we have our procedures to determine whether or not they will be…
Read MoreNakipagpulong si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Vigor Mendoza sa mga transport leaders, operators at iba pang cooperative groups nationwide na ginanap sa consultative assembly upang talakayin ang mga problemang bumabalot na nakaaapekto sa industriya ng transportasyon kahapon sa Quezon City. PHOTO BY: BENEDICT ABAYGAR, JR. 173
Read More3% PINOY LANG HINDI NANINIWALANG TALAMAK NAKAWAN SA GOBYERNO – SURVEY
TANGING 3% ng mga Pilipino ang hindi naniniwalang malaganap ang korupsyon sa gobyerno, ayon sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, habang 59% naman ang nagsabing “normal” na bahagi na ito ng pulitika sa bansa. Batay sa survey na isinagawa noong Setyembre 27–30, lumabas na 97% ng mga Pilipino ang naniniwalang talamak ang korapsyon — 78% dito ay nagsabing “napaka-malaganap,” habang 20% naman ang nagsabing “somewhat widespread.” Lumabas din sa pag-aaral na 85% ng mga respondents ang nakapansin ng paglala ng korapsyon sa nakalipas na taon. Pagdating sa mga imbestigasyon sa…
Read MoreIsinauli ng DILG: PNP MAY P500 MILLION INSERTIONS SA 2025 BUDGET
ISINAULI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang umano’y ₱500 milyon “insertion” sa intelligence funds ng Philippine National Police (PNP) para sa 2025, matapos igiit ni Secretary Jonvic Remulla na hindi naman nila ito hiniling. Sa 2026 DILG budget briefing kahapon, lumutang ang isyu nang tanungin ni Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Finance, kung bakit nabawasan ng ₱500 milyon ang intelligence fund ng ahensya—mula ₱1.3 bilyon noong 2025 ay naging ₱800 milyon na lang sa 2026. Ayon kay Remulla, natuklasan nilang ang naturang pondo…
Read MoreUsap-usapan sa social media DOH SEC HERBOSA NA-‘HULI CAM’
KUMALAT sa social media ang video clip na naglalarawan na na-‘huli cam’ si Department of Health Secretary (DOH) Ted Herbosa ng isang television network nang inspeksiyunin nito ang isang Super Health Center (SHC) sa Marikina City. Narinig sa live interview ng isang TV network si Herbosa na nagsalita ng “At least tayo ang nag-expose. It’s better na tayo nag-expose kaysa tayo ma-expose. Bahala na sila magpaliwanag.” Ang pahayag ni Herbosa ay ukol sa SHC ng Concepcion Dos na tinawag niyang non-operational. Subalit sinabi ng lokal na pamahalaan na nagpasya itong…
Read MoreDEPED PINURI SA PAGLULUNSAD NG EDUKASYON TUNGKOL SA WPS
PINURI ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng apat na makabayang organisasyon, ang plano ng Department of Education (DepEd) na isama sa kurikulum ng mga mag-aaral ang aralin hinggil sa West Philippine Sea (WPS), at tinawag itong “matalino at makabayang hakbang para palakasin ang kamalayang pambansa.” Ayon kay Goitia, ang pagtuturo tungkol sa WPS sa mga silid-aralan ay mahalaga upang mapalakas ang depensa ng bansa laban sa disimpormasyon at panlabas na banta. “Hindi mo maipagtatanggol ang isang bagay na hindi mo alam,” pahayag ni Goitia. “Kapag itinuro natin sa…
Read More