PPA NAGKANSELA NG BIYAHE NG MGA BARKO

ILANG biyahe ng mga passenger vessel ang kinansela nitong Lunes dahil sa patuloy na pagsusungit ng panahon dulot ng Bagyong Tino na pinangangambahang umakyat pa sa Tropical Storm Warning Signal Number 4. Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), saklaw nito ang ilang mga pantalan sa Luzon, Visayas at Mindanao. Nitong Lunes ng umaga, kanselado ang mga biyahe ng Starlite Ferries patungong Caticlan, Sibuyan, at Roxas-Culasi, gayundin ang biyahe ng Montenegro Lines papuntang Odiongan, at ang Ocean Jet fastcraft papuntang Calapan. Tatlong biyahe ng Montenegro Shipping Lines sa Dapitan ang hindi…

Read More

97 INDIBIDWAL KINASUHAN SA SEPT 21 MANILA RIOT

KINASUHAN na sa Department of Justice (DOJ) ng Criminal Investigation and Detection Group ang 97 indibidwal kaugnay ng marahas na rally sa Mendiola noong Setyembre 21. Sa isinagawang press briefing nitong Lunes sa Camp Crame, sinabi ni CIDG acting director, MGen. Robert Alexander Morico III, sinampahan ng kaso ang mga ito sa Department of Justice noong Oktubre 28 dahil sa paglabag sa Article 142 (Inciting to Sedition), Article 136 (Conspiracy) at Article 139 (Sedition) ng Revised Penal Code. Ang mga kinasuhan ay kabilang sa mga lumahok sa violent assembly sa…

Read More

Para sa Trillion Peso March sa Nob. 30 SOCIAL MEDIA BINABANTAYAN NG PNP

TODO ang ginagawang online intelligence monitoring ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng paghahanda sa seguridad para sa November 30 “Trillion Peso March” sa Luneta, isang malawakang kilos-protesta laban sa multi-billion flood control scandal. Ayon sa PNP National Capital Region Police Office (NCRPO), kanila nang pinaigting ang social media surveillance dahil dito raw aktibong hinihikayat ang mga kabataan na lumahok sa naturang kilos-protesta. Mismong Malacañang ang nagpaalala sa mga awtoridad na bantayan ang mga agitator upang maiwasan ang karahasang tulad ng naganap noong September 21 rally sa Maynila. Tiniyak…

Read More

P25-B 2026 MANILA BUDGET APRUBADO NG CITY COUNCIL

APRUBADO na ng City Council ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pagpasa sa Ordinance No.8970 o ang paglalaan ng P25 bilyon para sa 2026 mula sa general fund ng Manila City Executive Budget. Pinangunahan ni Councilor Timothy Oliver Zarcal ang deliberasyon sa kanilang regular session para tiyakin ang maayos na pamamahala. Mga pangunahing pangangailangan ang binigyang prayoridad sa budget tulad ng pabahay, kalusugan, edukasyoh at trabaho kaagapay ang kaligtasan ng publiko at pagbangon sa ekonomiya. Ang 13th City Council ay naninindigan sa prinsipyo na “Where Manila goes, the country follows”.…

Read More

BABAE NATAGPUANG PATAY, NAKAGAPOS SA HOTEL SA MAYNILA

PATAY na nang matagpuan ang isang babae na nakagapos sa loob ng silid ng isang hotel sa Sta. Mesa, Maynila nitong Huwebes ng umaga, Oktubre 23, 2025. Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), ang biktima ay tinatayang 30 hanggang 35 anyos, may payat na pangangatawan, humigit-kumulang 5 talampakan ang taas, at nakasuot ng itim na t-shirt at black short pants nang matagpuan. Nakagapos ang kanyang mga kamay at wala nang buhay nang madiskubre. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ng hotel staff ang…

Read More

‘NO READ, NO WRITE’ NA PINOY DUMOBLE

NAGPAHAYAG ng matinding pagkabahala si Senador Sherwin Gatchalian matapos ilabas ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) ang ulat na dumoble ang bilang ng mga Pilipinong illiterate o hindi marunong bumasa at sumulat sa nakalipas na tatlong dekada. Batay sa 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey, tumaas sa 24.8 milyon ang bilang ng mga Pilipinong illiterate — kumpara sa 14.5 milyon noong 1993. “Hindi natin mareresolba ang krisis sa edukasyon kung milyon-milyon pa rin ang hindi marunong bumasa at sumulat. Dumoble na nga ito sa loob ng…

Read More

VOLUME NG TRUCK SA MAYNILA LUMIKHA NG TRAPIK

LUMIKHA ng pagsisikip ng trapiko ang paglobo ng bilang ng mga truck na pumupunta at lumalabas ng mga pantalan ngayong Undas sa Capulong Street, sa Tondo, Maynila partikular sa area ng Manila International Container Terminal (MICT) access roads, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA). Dahil dito, nakipagkoordinasyon ang PPA-MICT at International Container Terminal Services Inc. sa Manila Traffic and Parking Bureau at Metropolitan Manila Development Authority para magsagawa ng traffic management measures at tiyakin na isang lane lang ang ookupahin ng mga truck. “Affected truck drivers and other motorists are…

Read More

P482-M COUNTERFEIT APPARELS NASABAT NG BOC

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng kanilang Intellectual Property Rights Division, ang sari-saring pinekeng garments o counterfeit wearing apparel na nagkakahalaga ng P482 milyon, at may tatak ng mga kilalang international at local brands. Ang isinagawang operasyon ay kaugnay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mapaigting ang border security at protektahan ang consumers mula sa counterfeit at substandard goods. Ang shipment na dumating sa Port of Manila ay nagmula pa sa Bangladesh. Pero para iligaw at makaiwas sa profiling system ng Customs, ay idinaan…

Read More

BI FULL FORCE SA UNDAS

FULL force ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng paliparang internasyonal sa buong bansa ngayong Undas, dahil inaasahang libu-libong biyahero ang magtutungo sa iba’t ibang destinasyon upang samantalahin ang mahabang weekend. Sinabi ng BI, inaasahan nilang dadagsa ang mga pasahero sa mga pangunahing paliparan simula Biyernes hanggang sa susunod na linggo kasunod ng pagdedeklara sa Oktubre 31 bilang special non-working holiday. Tiniyak ng BI ang maayos na pagproseso ng dumarating at umaalis na mga pasahero. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, nagpadala na ang ahensya ng karagdagang mga…

Read More