MARIING ipinag-utos ni Commission on Audit (COA) Chairman Gamaliel A. Cordoba ang pagsasagawa ng special audit laban kay Minister Mohagher M. Iqbal ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kaugnay ng umano’y reklamo ng anomalya sa paggamit ng pera ng taong bayan. Sinabi sa ulat na ang special audit ay reaksyon sa dalawang natatanging complaints laban kay Iqbal hinggil sa umano’y maanomalyang disbursement na may kabuuang halaga na P2.2 bilyon. Sa kanyang sulat noong Agosto 11, 2025 kay BARMM Chief…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
Kahit may presensya ng Chinese vessels RORE MISSION SA AYUNGIN SHOAL, TULOY
ITO ang pagtiyak ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Navy Spokesman on West Philippine Sea. Ayon kay Rear Adm Trinidad, kahit lumaki pa ang presensiya ng mga Chinese vessel sa Ayungin Shoal (Second Thomas Shoal) sa West Philippine Sea (WPS), tuloy-tuloy ang gagawing rotation and resupply (RORE) missions para sa AFP contingent na nakatalaga sa BRP Sierra Madre (LS-57). “The rotation and reprovisioning of our forces is a moral obligation of the leadership of the Armed Forces, regardless of any threat, any coercive aggressive action, it will be conducted,” ani…
Read More3 DRUG PUSHERS TIKLO SA HIGIT P100K SHABU
TATLONG street-level drug personalities ang nadakip sa ikinasang buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati City Police sa lungsod noong Martes. Ang pagdakip sa tatlong suspek na sina alyas “Urmesh”, 50; “Vince”, 53; at “Jay”, 20, ay nagresulta sa pagkakakumpiska sa P139,400 halaga ng umano’y shabu. Ayon kay Makati CPS Officer-in-Charge Col. Reycon L. Garduque, sa gitna ng operasyon, nakumpiska ng SDEU operatives ang tinatayang 20.50 na gramo ng umano’y shabu, gray metallic Mitsubishi Xpander, cellular phone, at buy bust money. Inihahanda na ng mga awtoridad…
Read MoreP100K TINANGGAP NG 100 YEARS OLD LOLA SA TAGUIG
ISANG lola na 100 taong gulang ang nakatanggap ng cash gift na P100,000 mula sa Taguig City government. Personal na inihatid ni Mayor Lani Cayetano ang tseke kay Victoria Almazan sa kanyang tahanan sa Barangay Katuparan kasama sina Konsehal Raul Aquino at Edgar Baptista. “Maligayang ika-100 kaarawan, Nanay Victoria Almazan! Personal po nating binati si Nanay sa kanyang espesyal na araw at inabot ang kanyang P100,000 cheque mula sa Pamahalaang Lungsod. Taun-taon niya po itong matatanggap hangga’t siya ay nabubuhay,” isinulat ni Cayetano sa Facebook. Dagdag pa ni Cayetano, “Nanay…
Read MoreDOST NAGLABAS NG LA NIÑA WATCH MULA SEPT-DEC.
POSIBLENG magiging maulan ang mga susunod na buwan hanggang sa Disyembre ngayon taon. Kahapon ay inilabas ng Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) ang La Niña Watch matapos makita ang tumataas na posibilidad ng La Niña simula Setyembre hanggang Disyembre 2025. Ayon sa ahensya, mananatiling neutral ang kondisyon ng klima hanggang Agosto-Setyembre-Oktubre, ngunit may 55% o higit pang tsansa ng pag-usbong ng La Niña sa mga susunod na buwan. Ang La Niña ay karaniwang nagdudulot ng mas malamig na temperatura sa karagatan…
Read MoreTRIKE DRIVER TIMBOG SA BARIL
ISINELDA ng mga tauhan ng Sector 4 (Delta) ng Sampaloc Police Station ng Manila Police District, ang isang 30-anyos na tricycle driver makaraang inguso ng isang concerned citizen sa pagdadala ng baril nitong Martes ng umaga sa Matimyas Street, Barangay 525, Zone 52, Sampaloc, Manila. Kinilala ang suspek na si alyas “Romanuel”, residente ng Blumentritt, Sampaloc, Manila. Batay sa ulat nina Police Master Sergeant Carlo Jay Gonzales at Police Staff Sergeant Jeff Mark Joseph Cabasis ng Sector 4 (Delta) ng Police Station 4, habang nagsasagawa sila ng mobilized patrol bilang…
Read MoreONLINE SELLER NG BEEP CARDS INARESTO
ARESTADO ang isang babae na nagbebenta umano ng hindi awtorisadong Beep cards, sa isinagawang entrapment operation ng pinagsanib na pwersa ng Eastern District Anti-Cybercrime Team at Pasig City Police Station. Sa isinagawang joint press conference ng PNP-Anti Cybercrime Group at Department of Transportation, nabatid na inaresto ang babaeng suspek sa Ortigas Center sa Pasig City noong Agosto 15. Nakuha sa suspek ang 50 piraso ng Beep cards na ibinebenta sa iba’t ibang online platforms. Kamakailan ay nagkaroon ng “shortage” o kakulangan sa supply ng Beep cards sa mga istasyon ng…
Read MoreKLASE NGAYONG MARTES SA ILANG LUGAR, SINUSPINDE NG MALAKANYANG
INANUNSYO ng Malakanyang na walang pasok ngayong Martes, Agosto 26, 2025, sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan, gayundin sa mga tanggapan ng pamahalaan sa mga sumusunod na lugar dahil sa masamang panahon ayon sa PAGASA. Ang mga sumusunod lugar ayon sa PAGASA ay ang: • Metro Manila • Aurora • Quezon • Rizal • Laguna • Camarines Norte • Camarines Sur • Albay • Sorsogon • Catanduanes • Masbate • Northern Samar • Eastern Samar • Leyte • Southern Leyte Samantala, pinayuhan naman ng Presidential Communications Office…
Read MoreNAKARARAMING PINOY WALANG TIWALA SA CHINA
MAYORYA ng mga Pilipino ay walang tiwala sa Tsina at nakikita ang bansa bilang ‘greatest threat’ sa Pilipinas, ayon sa resulta ng pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, ipinalabas araw ng Lunes. “A great majority of adult Filipinos (85%) continue to distrust China, with only 15 percent saying the Philippines should trust the country,” ang sinabi ng OCTA. Ilang rehiyon gaya ng MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, at Caraga ang nag-ulat ng ‘full 100% distrust’ sa Tsina. Ang Cagayan Valley ang nakapagtala ng pinakamababang kawalan ng tiwala sa Tsina,…
Read More