MALAKING bahagi ng pwersa ng mga manggagawa na naninilbihan sa Metro Manila ay mga residente ng lalawigan ng Rizal. Sa bahagyang pagbubukas ng iba’t-ibang industriya at mga pagawaan sa Metro Manila noong nakaraang Lunes, dahil sa pagluwag ng mga patakarang nakaumang laban sa COVID-19, marami sa mga Rizaleño na namamasukan sa National Capital Region ang lumuwag ang paghinga dahil sa panibagong pagkakataon sa kabuhayan. Sa kabila nito, nandyan pa rin ang agam-agam ng marami sa kanila dahil sa banta ng virus na ito. Kaya tayo ay nananawagan sa kanilang mga…
Read MoreCategory: CONG. FIDEL NOGRALES
9 RIZAL TOWNS INAYUDAHAN NI CONG. NOGRALES
PATULOY sa pag-iikot sa mga lugar na sakop ng kanyang distrito sa lalawigan ng Rizal si Congressman Fidel Nograles upang mahatiran ng ayuda ang mga higit na nangangailangan. Sa kabila ng banta ng COVID-19 ay hindi huminto si Rizal 2nd District Rep. Nograles sa pagtupad sa kanyang tungkulin at personal na pinupuntahan ang mga bayan sa kanyang nasasakupan bitbit ang ipamamahaging relief packs at cash. Sa cellphone interview ng SAKSI Ngayon kay Nograles, isang Harvard-trained lawyer, sinabi niya na mas kailangan ngayon ng suporta ng kanyang mga kababayan dahil marami…
Read MoreCOMPUTERS SA MGA JAIL DARAGDAGAN NI REP. NOGRALES
NANGAKO si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles na daragdagan ang mga computer sa mga kulungan dahil idinadaan na sa video conference ang pagdinig ng mga korte sa kaso sa mga People Deprived with Liberty (PDLs). “Pipilitin po natin na madagdagan pa ang mga computer sa mga kulungan natin sa buong bansa para na rin magkaroon ng access ang mga PDL natin sa tulong legal,” pahayag ni Nograles. Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag matapos umabot sa 4,683 PDLs ang napalaya sa loob lang ng isang linggo o mula Abril…
Read MoreApela sa pulis, LGUs sa panghuhuli ng ECQ violators KARAHASAN SA KABATAAN, IWASAN – NOGRALES
SUPORTADO ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang panawagan ng children’s rights group sa mga pulis at local government units (LGUs) na huwag maging marahas sa kabataan na nahuhuli ng mga ito na lumalabag sa quarantine guidelines. Tulad ni Nograles, nagpahayag ng pagkabahala ang Save the Childrens Philipppines sa iba’t ibang karahasan na nararanasan umano ng mga kabataan na nahuling hindi sumusunod sa quarantine protocols. Inihalimbawa ng nasabing grupo ang kaso ng 13-anyos na binatilyo na pinagpapalo ng pulis sa Old Balara, Quezon City at maging ang tatlong kabataan…
Read MoreRep. Nograles sa mga bagong abogado SUMAMA SA PAGTATANGGOL SA FRONTLINERS
NANAWAGAN si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles sa mga bagong abogado na sumama sa pagtatanggol sa mga frontliner sa COVID-19 pandemic na nakararanas ng diskriminasyon sa pagganap sa kanilang tungkulin. Ginawa ni Nograles ang nasabing panawagan matapos ilabas ng Korte Suprema noong nakaraang linggo ang listahan ng mga abogadong nakapasa sa 2019 Bar Examination. “Of course, congratulations are in order. Pinaghirapan ng mga bagong abogado ang tagumpay nila ngayon. But as we always say, the hardest part starts now,” ayon kay Nograles. “Our new lawyers are welcomed into the…
Read MoreBAGONG SISTEMA SA PARDON AT EXECUTIVE CLEMENCY, IKINATUWA NI NOGRALES
IKINATUWA ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang inilabas na resolusyon ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa bagong patakaran upang mapadali ang aplikasyon para sa parole at executive clemency sa mga People Deprived of Liberty (PDL) lalo na sa mga senior citizen. Ito ay upang mapaluwag ang mga bilangguan bunsod ng COVID-19 pandemic. “We welcome the DOJ’s move, which speaks highly of their compassion and reassures us that the ears of our legal authorities are not deaf to our pleas for humanity,” ani Nograles na isang Harvard trained…
Read MoreIikot sa Montalban sa ika-49 anibersaryo ng bayan PAGKAIN IHAHATID NI CONG. NOGRALES
IIKOT sa iba’t ibang bahagi ng bayan ng Rodriguez sa lalawigan ng Rizal si 2nd District Rep. Fidel Nograles upang magbigay ng pagkain at iba pang ayuda sa kanyang mga kababayan. Ang aktibidad ng mambabatas ay isasabay sa paggunita sa ika-49 Araw ng Montalban ngayon. Walang gaganaping pagtitipon dahil sa umiiral na enhanced community quarantine ngunit nakaisip ng ibang ideya si Nograles upang maipagdiwang ang okasyon. Nakatakdang ilunsad ni Nograles ang Food and Nutrition program sa nasabing bayan bilang paggunita sa makasaysayang araw na ito at personal siyang bibisita sa…
Read MoreUtos ng SC na pagpapalaya sa PDLs ikinatuwa REP. NOGRALES PABOR SA PAGLUWAG NG MGA PIITAN
IKINATUWA ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang kautusan ng Supreme Court (SC) na palayain ang mga low risk People Deprived with Liberty (PDLs) upang mapaluwag ang mga piitan sa gitna ng coronavirus disease 2019 pandemic lalo na’t dumarami umano ang mga preso na tinamaan ng COVID-19. “While this is not yet the decision on the petition to release low-risk and vulnerable inmates, we welcome the SC’s move, which speaks highly of their compassion and reassures us that the ears of our highest legal authority are not deaf to…
Read MorePreso inilalapit sa kanilang pamilya kahit may ECQ E-DALAW INILUNSAD NI REP. NOGRALES
UPANG hindi mawalay sa kanilang mga mahal sa buhay ang mga People Deprived with Liberty (PDL) sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ), inilunsad ng Lakbay Hustisya Foundation ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang electronic dalaw sa mga bilangguan sa Metro Manila. “The lockdown should not be an obstacle to justice. Where there are barriers, we must use the tools available to transcend prison walls and reach out to our PDL,” ani Nograles, founder ng nasabing foundation. Dahil dito, nag-donate ng 25 sets ng computer ang mambabatas sa…
Read More