Hinimok ng iba’t ibang grupo ng mga abogado mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang administrasyong Duterte na protektahan ang mga Filipinong abogado laban sa dumaraming kaso ng pag-atake na may kaugnayan sa giyera kontra droga ng gobyerno. Pitumpo’t anim (76) na international lawyers’ groups at 76 na abogado mula sa 49 bansa ang nananawagan sa kasalukuyang administrasyon na gumawa ng mga kinakailangang hakbang upang matigil na ang pagpatay sa mga abogado sa Pilipinas. Bilang vice chair ng House Committee on Justice sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, hinihikayat natin…
Read MoreCategory: CONG. FIDEL NOGRALES
DEATH PENALTY VS. HEINOUS CRIMES AT ILLEGAL DRUGS DAPAT IBALIK
Sa kabila ng mas pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad at ilegal na droga, may naitatala pa ring brutal na pagpatay, panggagahasa at paglabag sa paggamit at pagbebenta ng illegal drugs. Aminado ang mga awtoridad na lalong lumala ang operasyon ng ilegal na droga sa Pilipinas sa kabila ng kanilang pagsisikap na labanan at sugpuin ang paglaganap nito. Naniniwala tayong hindi tumitigil sa pag-aksyon ang PDEA at hanay ng PNP upang sugpuin ang krimen at operasyon ng ilegal na droga sa bansa, subalit mukhang hindi ito sapat upang…
Read MoreROTC NAGLALAYONG HUBUGIN ANG MGA KABATAAN AT MAKATULONG SA DISASTER OPS
Kumpiyansa ang pamahalaan na malaki ang maitutulong ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga kabataan upang maipagtanggol ang kanilang sarili gayundin ang soberanya ng bansa at pagbibigay ng kakayahan sa kabataang tumugon sa panahon ng sakuna gaya ng rescue at relief operations. Inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA ang pagbuhay sa two-year mandatory basic ROTC na ibinasura noong 2001. Sa panukalang batas, isasailalim sa ROTC ang mga estudyanteng nasa Grade 11 at 12 sa lahat ng paaralan sa buong bansa ngunit nilinaw ng pangulo na ang…
Read MoreBATAYAN SA PAGPAPALAYA SA MGA BILANGGO, DAPAT REPASUHIN
Dapat repasuhin ang batayan sa pagpapalaya sa mga bilanggo o ang Republic Act 10592 na mas kilala sa tawag na good conduct time allowance (GCTA). Nitong nakaraang linggo ay umani ng batikos mula sa netizens sa social media at naging mainit na usapin ang napabalitang paglaya umano ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez sa New Bilibid Prison. Kung pagbabatayan ang naging kaso ng dating alkalde, malinaw na hindi siya kwalipikado sa GCTA Law kaya hindi siya dapat mapabilang sa 11,000 na mapalalayang bilanggo ngayong taon. Dahil na rin sa…
Read MoreTEENAGE PREGNANCY, ISANG SERYOSONG ISYUNG PANLIPUNAN
Bilang mambabatas ay malaki ang tungkulin natin na mabigyan ng karampatang kaalaman ang mga kabataan upang magkaroon sila ng kapasidad na magdesisyon nang maayos para sa kanilang kinabukasan. Ang teenage pregnancy ay isang isyung panlipunan na dapat mapag-aralang mabuti ang kasalukuyang kalagayan at makahanap ng mabisang paraan upang masolusyunan ito. Mismong sa pangulo nanggaling ang kautusan na magsama-sama ang mga ahensya ng pamahalaan at tipunin ang lahat ng stakeholders upang talakayin ang isyung ito. Bilang pagtalima sa panawagang ito ng pangulo, ang DepEd at DOH ay nag-organisa ng dayalogo sa…
Read MoreSOLON SA HOG FARMERS: MAKIPAGTULUNGAN SA DA
(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY CJ CASTILLO) UMAPELA si Rizal Rep. Fidel Filipe Nograles sa mga hog farmers sa Montalban, Rizal na makipagtulungan na lang sa otoridad upang hindi lumala ang problema sa kanilang kabuhayan. Ginawa ni Nograles ang pahayag sa gitna ng mga pangambang nagkaroon ng swine flu dahil sa pagkamatay ng dalawang baboy kaya isinailalim sa Department of Agriculture (DA) protocol ang tatlong barangay sa Montalban na kinabibilangan ng Macabud, San Isidro at San Jose. “While the DA has yet to confirm the cause of these deaths, it is in…
Read MoreSWINE FLUE DAPAT SUGPUIN – NOGRALES
Dapat magkaisa sa pagsugpo ng swine flu ang lahat ng nagmamay-ari ng babuyan at nag-aalaga ng baboy sa Montalban (Rodriguez) upang matiyak na hindi kakalat ang swine disease bagamat kinukumpirma pa lamang ang ulat. Sinuportahan ni Congressman Juan Fidel Nograles, kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Rizal ang pagkilos ng Bureau of Animal Industry (BAI) ng Department of Agriculture (DA), sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lokal at iba pang ahensiya na naatasang i-monitor at gumawa ng kaukulang aksiyon upang mabilis na masugpo ang banta ng posibleng sakit sa baboy. “Habang hindi pa…
Read MorePOLICE VISIBILITY SA MGA UNIBERSIDAD AT KOLEHIYO, MASUSING PAG-ARALAN
Magandang edukasyon at proteksyon laban sa krimen ang kailangan ng mga estudyante mula sa ating pamahalaan; huwag silang ituring na kalaban ng estado. Ang planong paglalagay o pagdaragdag ng police visibility sa mga unibersidad at kolehiyo sa buong bansa ay hindi makatutulong at manapa’y makagagambala sa pagkatuto ng mga kabataan. Ang mandato ng PNP ay labanan ang kriminalidad at tugisin ang mga gumagawa ng krimen na wala naman sa mga unibersidad at mga kolehiyo kaya hangga’t hindi lumalaban ang mga estudyante sa gobyerno gamit ang armas ay hindi ito maituturing…
Read MoreHUWAG MAGPADALA SA MATATAMIS ANG DILA
Napakarami nang naglalabasang balita tungkol sa pyramiding scam pero marami pa ring kababayan natin ang nabibilog ang ulo ng mga mapagsamantalang tao sa ating paligid. Hindi naman kaila sa atin na isa lang sa mga dahilan kung bakit ang ilan nating mga kababayan ay nabibiktima ng scam ay dahil sa kahirapan. Nais ng marami na kumita ng pera sa mabilis na paraan. Ang ganitong pag-iisip ang kadalasang sinasamantala ng mga dorobo upang makapanggantso sa kanilang kapwa. Isa-isa po nating hihimayin kung paano ba maiiwasan ang mabiktima ng mga estapador at…
Read More