Batang Maynila, negosyante, lahat ay excited na sa pagbabalik ni Isko

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ISA sa matinding pagsubok sa liderato ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso noon ay hagupit ng pandemyang COVID-19 — na alam na alam ng katunggali niya na ngayon ay city mayor — na ang mga propagandista ay nagkakalat ng paninira, wagas sa kasinungalingan. Ibinaon daw ni Yorme Isko sa utang ang gobyerno ng Maynila noong pandemya! Teka, ang kalagayan ng lungsod, at ang buong bansa noon ay bagsak ang ekonomiya, marami ang walang trabaho at ikabubuhay pero kailangan na patuloy na mabuhay…

Read More

AWAY-AWAY SA AYUDA?

MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT MAY natanggap akong impormasyon na nagiging dahilan daw ng tampuhan at away ng mga tao sa mga barangay sa mga probinsya ang iba’t ibang ayuda program ng gobyerno dahil hindi lahat ay nabibigyan ng tulong pinansyal na ito. Ganito raw ang nangyari, halos isang tao lang ang namimili ng beneficiaries na inuutusan ng politiko na kumuha ng mga pangalan na bibigyan ng ayuda tulad ng AICS, TUPAD, AKAP at kung ano-ano pa. Ang problema, pare-parehong mga tao ang binibigyan ng ayuda at ‘yung mga walang koneksyon,…

Read More

PAALALA KAY ANGELU

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAINIT ang pangalan nitong si Pasig City Councilor at actress Angelu de Leon dahil sa pambabatikos sa kanilang mga kalaban sa pulitika sa lungsod. Nakisakay kasi ang konsehala sa trending na isyu ng isang congressional candidate na nagbiro sa mga babaeng solo parent. Pero ang puna sa kanya, sana raw ay bago siya bumatikos sa kapitbahay, iyon munang nasa loob ng kanyang bakuran. Sabi ni Angelu, bawal ang bastos sa Pasig. Hindi natin sinasabi na matuwid ang pagbibiro ng may halong kabastusan pero kung bawal ang…

Read More

KALIGTASAN NG MEDIA NGAYONG MAY 2025 MIDTERM ELECTION

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS SANG-AYON ang “At Your Service” sa isasagawang paglulunsad ng Media Security Vanguard bilang paghahanda sa nalalapit na May 2025 Midterm Election para matiyak ang kaligtasan ng mga kasapi ng media. Ito ay pagtugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamahayag na may malaking papel na ginagampanan ngayong panahon ng eleksyon. Ayon kay Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Jose A. Torres Jr., pormal nilang ilulunsad muli ang Media Security Vanguard sa…

Read More

KALIGTASAN NG BAWAT PILIPINO, HANGAD NG ABP PARTY-LIST

PUNA ni JOEL O. AMONGO IPINARAMDAM ng mga residente ng Pagsanjan, Laguna ang mainit na pagtanggap sa isinagawang proclamation rally ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP #134) Party-list sa nasabing lugar, kasama si dating Governor ER Ejercito kamakailan. Hindi akalain ng mga taga ABP Party-list ang mainit na pagtanggap sa kanila ng mga taga-Pagsanjan. Siksikan ang mga tao, todo ang sigaw, at solid ang suporta ng mga taga-Pagsanjan sa isinagawang motorcade sa nasabing bayan kasama si Ka-ABP Gov. Ejercito. Patuloy rin ang pagdami ng mga tumatanggap sa ABP sa iba…

Read More

PAGGAMIT SA SOCIAL MEDIA PARA SA MABUTING PAGBABAGO

 THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO HINDI naman na bago na madaling kumalat ang mga istorya sa social media, at madalas, mga negatibo o hindi magagandang pangyayari ang nagte-trending. Parang dumarami pa nga ito. Nariyan ang hindi matapos-tapos na mga insidente ng karahasan sa mga hayop na talaga namang pumupukaw sa atensyon at emosyon ng mga tao. Tapos nagkaroon pa ng sunod-sunod na road rage incidents, na itong isa nga kamakailan umabot sa pagpapaputok ng baril na kalaunan, nagdulot ng pagkamatay ng isa sa mga tinamaan. Mayroon ding mga usaping may…

Read More

MAGKAPATID NA VARGAS IKINAKABIT NA NAMAN SA KONTROBERSYA SA TUPAD

CLICKBAIT ni JO BARLIZO TOTOO nga ba ang malapit sa kalan ang unang nauulingan? Baka nga. Pero iba na kasabihan ngayon: ang pinakikinabangan ay mabibiyayaan at makikinabang. Gawin nating sampol ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program. Kapag TUPAD ang pinag-uusapan ay maraming kuwentong ‘di kanais-nais. Kesyo, ‘yung malapit sa naglilista o sa opisyal ang nakakasama gayung hindi kwalipikado. Diyan sa Quezon City ay may isyu rin ang TUPAD. Eto, ayon sa ilang benepisyaryo, binibiyak-biyak daw ng magkapatid na QC District 5 Congressman PM Vargas at…

Read More

MGA RIVERA SA CABIAO, MARAMI NANG NAGAWA AT MARAMI PANG MAGAGAWA

TARGET ni KA REX CAYANONG SA bawat bayan, may mga lider na hindi lang basta nanungkulan—bagkus, tunay na nag-iwan ng bakas ng pagbabago. Sa Cabiao, Nueva Ecija, isa sa mga halimbawang ito ay ang pamilya Rivera, partikular si Mayor Ramil “RBR” Rivera, na nakatatlong termino na at ngayon, ang kanyang anak na si Konsehal Rav “Kevin” Rivera ang napagkaisahan ng karamihan—mga miyembro ng konseho at mga kapitan—na siyang tumakbong susunod na alkalde. Hindi maikakaila ang bunga ng kanilang pamumuno. Ang Cabiao na dati’y limitado ang pag-unlad, ngayo’y tinatamasa ang makabuluhang…

Read More

UPDATE SA TAG CARGO CONTAINERS NA NASA MICP AT DAVAO PORT PA

RAPIDO ni PATRICK TULFO KATATAPOS ko lang pong makausap ang isang opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) upang humingi ng update sa containers na naglalaman ng Tag Cargo balikbayan boxes na nasa Manila International Container Port at Davao Port. Hindi ko muna po papangalanan ang naturang opisyal dahil nasabi na niya dati na hindi siya awtorisado na magsalita ukol dito. Ayon sa naturang opisyal, ang Deed of Donation and Acceptance (DODA) ng containers sa Davao Port ay hawak na nila. Samantalang kasalukuyang inaayos pa rin daw ang mga dokumento…

Read More