AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP LABIS-LABIS ang pag-aalala ng isang ina mula sa Tupi, South Cotabato dahil nakarating sa kanyang kaalaman ang tangkang pagpapakamatay ng kanyang anak na nasa Riyadh, Saudi Arabia. Ang kanyang anak na si Aisa Batatas ay nakarating sa Saudi Arabia noong Disyembre 19, 2018 sa pamamagitan ng Henson International Human Resources. Kamakailan ay nagpadala ng sumbong si Aisa sa kanyang ina at sinabi nito na gusto na niyang umuwi sa Pilipinas dahil sa kanyang dinaranas na pananakot ng kanyang kasama sa trabaho. Diumano ay…
Read MoreCategory: OPINYON
CMG, BILANG NA ANG MALILIGAYANG ARAW – CUSTOMS
RAPIDO Ni PATRICK TULFO BILANG na ang maliligayang araw ng cargo consolidator na CMG, ayon mismo kay Bureau of Customs Director Michael Fermin. Sa aming panayam sa aking programa na napapakinggan sa istasyong DZME 1530 khz, kay Dir. Fermin, napagkasunduan daw ng ahensya kasama na ang Department of Migrant Workers na pinangungunahan naman ni Sec. Susan “Toots”Ople, na gumawa ng mga hakbang upang maturuan ng leksyon ang mga negosyong gumagawa nito tulad ng CMG, ALL WIN at KABAYAN ISLAND EXPRESS CARGO. At bukod sa pagsasampa ng kaso na gagawin ng…
Read MoreMAS MATAAS ANG PRESYO NG KURYENTE SA LALAWIGAN KAYSA PRESYO NG MERALCO
MY POINT OF BREW Ni JERA SISON EH ano ang pinuputok ng butse ng mga militante at umano’y consumer groups na walang ginawa kundi batikusin ang Meralco na mataas daw ang kanilang singil sa kuryente? Aba’y ‘di hamak na mas mataas pala ang presyo ng kuryente sa ibang lalawigan kung ating ihahambing sa Metro Manila. Hindi lang ‘yan, mataas na nga ang singil sa kuryente sa lalawigan, panay pa ang brownout sa kanila! *** O, nasaan na ang Bayan Muna, Gabriela, NASECORE, Kuryente.Org, Power for People Coalition (P4P), Anak Pawis,…
Read MoreILANG NEWS AGENCIES BAYAD SA PANINIRA KAY ES RODRIGUEZ?
BISTADOR Ni RUDY SIM HABANG patuloy na pinupunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang marami pang bakanteng posisyon sa gobyerno ay walang humpay pa rin na nadadagdagan ang pangalan ng ilang aplikante sa mahabang karera kung sino ang masuwerteng makaka-abot sa finish line upang maging bahagi ng Marcos administration. Masusing hinihimay ang katauhan ng lahat ng mga nagnanais na magkaroon ng magandang puwesto sa pamahalaan kung saan ay isa sa mga pinagkatiwalaan ni PBBM ay si Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, upang pag-aralan ang kakayahan at hindi titingnan ang…
Read MoreNAUNSYAMING GANANSYA
SA kumpas ng pangulo, mistulang nabulilyaso ang bonggang ganansya ng mga mapagsamantala. Ayon sa Palasyo, ibinasura ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon ng isang mataas na opisyal sa gobyerno kaugnay ng isinusulong na pag-angkat ng 350,000 metriko toneladang asukal mula sa ibang bansa. Sa wakas! May nanindigang pangulo laban sa nakasanayang diskarteng pilipit ng mga negosyanteng mapagsamantala at ilang tiwali sa gobyerno! Ayon kay Sugar Regulatory Administration (SRA) chief Hermenegildo Serafica, inaprubahan ng pangulo ang pag-angkat ng asukal sa hangaring maibsan ang kapos ng supply sa bansa. Sa isang…
Read MoreNAGSASAYANG LANG NG PERA?
DPA Ni BERNARD TAGUINOD KUNG merong isang napakahalagang bagay na hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin ng national at local government ay ang patuloy na pagtaas ng lebel ng dagat na nagiging dahilan kung bakit hindi maresolba ang baha sa Metro Manila. Mukhang nagsasayang lang ng taxpayers money ang national at local government units (LGUs) dahil ang lagi nilang solusyon kapag may baha sa kanilang nasasakupang lugar ay itaas ang kalsada. Isang halimbawa na riyan ang Timog Avenue at karugtong na mga kalsada sa Quezon City na itinaas pero lubog pa…
Read MoreBAGONG LTO CHIEF PRO-POOR?
PUNA Ni JOEL AMONGO HINDI nagkamali sa pagpili si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kay Transportation Assistant Secretary Atty. Teofilo “Jojo” E. Guadiz III bilang bagong hepe ng Land Transportation Office (LTO). Sa pag-upo pa lamang ni Guadiz sa LTO ay agad siyang nagpahayag na marami siyang babaguhin sa opisinang kanyang pinamumunuan. Una, ay ang sobrang mahal ng bayad sa pagkuha ng lisensiya sa pagmamaneho. Sa pagkakaalam ko bilang may driver’s license rin, mula tatlong libong piso hanggang limang libong piso ang lahat-lahat ng gagastusin sa pagkuha ng lisensiya. Ayon…
Read MorePANAWAGAN NG DALAWANG OFW SA DAMMAM, SAUDI ARABIA
AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP DUMULOG sa AKO OFW ang isang kabayani na kasalukuyang nasa Jeddah, Saudi Arabia upang ipaalam sa Department of Migrant Workers lalo na sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang kanyang kasalukuyang kalagayan upang siya ay matulungan. Si Rita Dreo ay nakarating sa Dammam, Saudi Arabia sa pamamagitan ng kanyang ahensya na Manila Talentsphere Inc. noong Enero 14, 2021. Ngunit imbes na sa Dammam magtrabaho ay inilipat siya sa ibang amo sa Jeddah, Saudi Arabia ng kanyang ahensya roon na Eastern Sahl Recruitment Office.…
Read MoreGOOD CHOICE NG MARCOS ADMINISTRATION
PRO HAC VICE Ni BERT MOZO TAMA LANG! Good choice ika nga ang itinalagang chairman ng Commission on Election na si Atty. George Garcia. ‘Yan ay dahil sa expertise ni Chairman Garcia sa election law dahil porte niya ang election cases simula nang siya ay maging ganap na abogado noong 1990s. Si Chairman Garcia ay mahinahong magsalita, approachable sa lahat ng media entities, walang maraming kiyeme kapag tinatanong sa isyu ng halalan, higit sa lahat ay matalino at alam ang pasikot-sikot ng election laws. Nito lamang ilang araw matapos na…
Read More