PAUWIIN NA SA PILIPINAS

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP DUMULOG sa AKO OFW ng Saksi Ngayon ang dalawang OFW na nasa Riyadh, Saudi Arabia para makauwi na sa ating bansa. Isa rito ay si Leslie Jhon Soria na nakikiusap na tulungan siya sa kanyang panawagan na makauwi na sa Pilipinas sa lalong madaling panahon. Si Leslie Jhon ay isang skilled worker na nagtatrabaho bilang electrician. Nakarating siya sa Riyadh, Saudi Arabia noong Hunyo 22, 2016 sa pamamagitan ng Rite Merit ­International Manpower Corporation. Ayon sa mensahe ni Leslie Jhon na ipinarating sa…

Read More

KABATAAN PARTY-LIST REP. MANUEL, ‘DI NAIINTINDIHAN ANG KANYANG TRABAHO

RAPIDO Ni PATRICK TULFO DAPAT talaga tuwing halalan ay pinag-iisipan natin kung sino ang mga iluluklok sa pwesto para hindi masayang ang boto. Halimbawa na lang itong si Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel na hindi yata alam ang ­kanyang ­trabaho bilang isang kongresista. Sa pagdinig na isinasagawa ngayon sa House Committee on Appropriations sa 2023-24 budget, na hini­hingi ng Department of Foreign Affairs, tinanong ng batang-batang kongresistang si DFA Usec. ­Eduardo Dela Vega na ­natatakot daw ba ang ­kagawaran sa founder at head ng Kingdom of Jesus Christ na si…

Read More

BI COMM APPOINTMENT ORDER PINEKE

BISTADOR Ni RUDY SIM NOONG nakaraang Linggo ay kumalat ang balitang itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dating Dean ng College of Law ng New Era College na si Atty. Abraham ­Espejo bilang bagong commissioner ng Bureau of Immigration (BI) kasunod ang pagkalat ng isang kopya ng appointment ­order nito na may logo ng Malacañang at pirma ni PBBM. Matapos na makarating ito sa Palasyo ay agad na nagsiyasat at napag-alaman mula sa Presidential Management Staff, Office of the Executive Secretary at Office of the President na walang…

Read More

SUPORTADO NI PBBM ANG MALAYANG PAMAMAHAYAG

OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO NITONG Martes, Agosto 30, ay ipinagdiwang ng bansa ang kauna-unahang National Press Freedom Day. Siyempre gaya ng inaasahan ay pinangunahan ng National Press Club sa pamumuno nina Pangulong Lydia Bueno, VP Tina Maralit, dating Pangulo at ngayon ay Kalihim Paul Gutierrez, Auditor Boying Abasola at mga director ng samahan, ang selebrasyon nito. Kasabay sa pagdiriwang ang pagpapasinaya sa bust ni Marcelo H. Del Pilar na kilala rin sa taguring “Plaridel” na kinikilala natin bilang Ama ng Pamamahayag sa bansa. Ang okasyon ay dinaluhan ng mga…

Read More

SAYANG ANG PONDO

DPA Ni BERNARD TAGUINOD BAWAT ahensya ng gobyerno ay nagrerekomenda ng budget na karaniwang ginagawa sa first quarter ng taon para sa kanilang mga programa at proyekto ng susunod na taon. Kung pagbibigyan lahat ang proposed budget ng bawat ­ahensya baka hindi lang limang (5) trilyong piso ang ­kakailanganing pambansang pondo kundi baka abutin pa ng sampung (10) trilyong piso. Pero ang Department of Budget and Management (DBM) ang magpapasya kung magkano lang ang pondo na dapat aprubahan mula sa inirekomenda ng isang ahensya na siya naman nilang isinusumite sa…

Read More

SI BGEN. ESTOMO AT SI MAYOR MALAPITAN NG CALOOCAN

PUNA Ni JOEL AMONGO MARAMING naniniwala na sa pamamagitan ni BGen. Jonnel ­Estomo, bilang bagong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ay gaganda ang seguridad sa Metro Manila na ­kanyang nasasakupan. Ang National Capital Region (NCR) ay nasasakupan ng ­labing-pitong Local Government Units (LGUs) na binubuo ng labing-anim (16) na lungsod at isang munisipalidad. Ang mga ito ay ang Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Marikina, Pasig, Taguig, Makati, Manila, Mandaluyong, San Juan, Pasay, ­Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Quezon City at ang nag-iisang ­munisipalidad sa rehiyon ang Pateros. Balikan po…

Read More

DSWD, PITMASTER FOUNDATION MAGKATUWANG SA PAGTULONG

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG TULOY-TULOY sa pamamahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Nabatid na tumanggap na ng educational assistance ang 153,315 mag-aaral sa una at ikalawang Sabado. Sinasabing may kabuuang P387.9 milyon na ang naipamahagi ng DSWD sa buong bansa para sa nasabing ayuda. Nitong Agosto 27 na ikalawang Sabado ay 79,747 beneficiaries nationwide ang nabigyan ng ayuda o P199.6 milyong halaga ng cash aid. Ang pinakamalaking pondo ay napunta sa 26,704 college/vocational beneficiaries na may halagang P106.6 milyon. Nasa P33.9 milyon…

Read More

OWWA HELPLINES EPEKTIBO SA MABILIS NA AKSYON

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP KAMAKAILAN ay may ­dumulog sa AKO OFW na isang OFW na nasa Kuwait na itago na lamang natin sa pangalang “Cheng” na ­diumano ay minolestiya ng kanyang employer. Si Cheng ay nakarating sa ­bansang Kuwait sa pamamagitan ng Prince Global Manpower noong Enero 27, 2022. Narito ang kanyang kumpletong sumbong na ating natanggap : “Ako po si “Cheng”, kasalukuyang nasa bansang Kuwait bilang domestic worker, ako po ay dumating dito noong January 27, 2022 at binalik sa agency noong July 18, 2022. Ako…

Read More

CMG BINANATAN NA NAMAN NG CUSTOMS AT DDCAP!

RAPIDO Ni PATRICK TULFO NATAPOS na sa wakas ang auction sa tatlong containers na inabandona ng Kabayan Island Express Cargo, ang ibig sabihin ito ay mailalabas na sa Manila International Container Port (MICP) Compound, halos isang taon matapos na duma­ting ito sa bansa. Personal na tumawag sa inyong lingkod ang presidente ng Door-to-Door Consolidators Association of the Philippines (DDCAP) na si Mr. Joel Longares upang magtanong kung ano ang nalalaman namin sa Kabayan Island. Dahil sa tagal nitong ­nakaimbak sa MICP compound, wala na raw makuhang background ukol sa mga…

Read More