BAKIT NGAYON LANG?

HINDI na bago sa Department of Health (DOH) ang pagsagupa laban sa nakamamatay na ­karamdamang kalakip ng pagpasok ng tag-ulan – leptospirosis, malaria at maging ang dengue. Sa nakalipas na mga panahon, karaniwang ­naghahanda ang kagawaran bago pa man ­dumating ang takdang pagsapit ng tag-ulan. Pero dahil sa halalan, tila nakaligtaan ang nakaambang peligrong dala ng mga karamdamang sumusulpot pagkatapos ng tag-araw. Ayon kay Health Undersecretary ­Rosario ­Vergeire na tumatayong officer-in-charge, ­tinitingnan na nila ang posibilidad ng muling ­paglulunsad ng isang malawakang pagbabakuna kontra-dengue. Maliban sa Dengvaxia na una nang…

Read More

SCAMMER SINUPALPAL NG RAPIDO

RAPIDO NI PATRICK TULFO NABUKO namin ang ilang mga oportunista na gustong magsamantala sa reklamong hawak namin na may kinalaman sa mga hindi pa naihahatid na mga padala galing sa Dubai, UAE. Isa rito ay ang nagpakilalang empleyado raw Oceanwide Logistics (OL) na nakabase raw sa Dubai. Ayon sa mga pinadalang email sa amin ng complainants, may mga nagpadala raw sa kanila ng mensahe at nagsabing matutulungan nila ang mga ito na mailabas sa Bureau of Customs (BOC) ang natengga nilang mga kargamento sa naturang ahensiya. Pinapalabas ng mga ito…

Read More

PANUKALANG BATAS NI TEVES, WRONG TIMING

BISTADOR Ni RUDY SIM UMANI ng iba’t ibang reaksyon sa social media mula sa netizens ang panukalang batas sa 19th Congress ni Negros ­Oriental, 3rd district Representative Arnolfo Teves Jr. na mas nararapat umanong ipangalan ang ating paliparan kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Marami sa mga netizen ang pabor na palitan ang ­kasalukuyang pangalan ng pambansang paliparan ng bansa ngunit mayroon ding mga ­tumutol dito kabilang sina ­Senador Risa Hontiveros at ang anak ng ­talunang kandidato na si Atty. Leni Robredo…

Read More

CITY MAYOR JEANNIE SANDOVAL, KALIWA’T KANAN ANG TULONG SA MGA APEKTADO NG PAGBAHA SA MALABON

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG WALA na yatang mas sasaya pa sa panahon na hindi pinababayaan ng mga namumuno ang kanilang nasasakupan. Ganyan ang nararamdaman ng mga taga-Malabon City dahil sa walang kapagod-pagod na paghahatid-serbisyo sa kanila ni Mayor Jeannie Sandoval. Si Sandoval ang nanalo sa local elections noong Mayo. Ngunit nahaharap sa matinding pagsubok ang lungsod dahil sa malawakang pagbaha sa kanilang lugar nitong mga nakaraang linggo. Masaya namang ibinalita ni Sandoval na matagumpay nang nailagay ang kabuuang floodgate (upper and lower fixed part) ng North Muzon…

Read More

TRATONG ALIPIN ANG NARARANASAN NI EDNA SA AMO AT SA AHENSYA

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP DUMULOG ang 39-anyos na OFW na si Edna Ostilano, sa ating programa sa radio na UP, UP Pilipinas na napakikinggan sa DWDD 1134 KHz AM. Ayon kay Edna, maraming beses siyang nagkasakit at katunayan ay nagpabalik-balik na siya sa ospital. Kwento pa ni Edna, noong minsan na siya ay dumulog sa kanyang amo dahil sa kanyang masamang pakiramdam, imbes na dalhin agad sa ospital ay sinabihan pa siya ng kanyang amo na magbigay siya ng pera para pambayad sa doctor. Dahil hindi naman…

Read More

ASAHAN NA TATAMAAN TAYO NG INFLATION

MY POINT OF BREW Ni JERA SISON UMABOT na sa 9.1% ang inflation rate sa US. Ito na ang pinakamataas na porsyento ng inflation sa nasabing bansa sa loob ng 40 taon. Kaugnay nito, ang ating Monetary Board ay nagpasya na taasan ang interest rate ng 75 basis points sa 3.5% epektibo kahapon. *** Ayon kay bagong Bangko Sentral Governor Felipe M. Medalla, ginawa nila itong paghigpit ng monetary policy dahil sa nakikita nilang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa ating bansa na dulot ng pandaigdigang inflation. ***…

Read More

SUPER HEALTH CENTER

PAGKATAPOS ng bangungot na dulot ng lintek na pandemya, ­panahon na para palakasin ang local government units (LGUs) at isulong ang mekanismong magbibigay daan para magkaroon ng Super Health ­Centers ang mga liblib na lugar at mga lokalidad na mayroong pinakamataas na populasyon ng maralita. Sa nakalipas na dalawang taon, naranasan ng mga Pilipino ang pumila sa mga pagamutan. Nasaksihan din natin ang pagpanaw ng ilan nang hindi man lang nalapatan ng lunas ang kanilang karamdaman. Hindi rin ­maiwawaksi ang katotohanang hindi lahat ay may kakayahang bumayad sa mga ospital…

Read More

SABLAY ANG POLYMER BANK NOTES NG BSP!

OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO NABALOT ng kontrobersya ang bagong labas na mga perang gawa sa polymer matapos na mag-viral ang post ng isang netizen kaugnay sa buong P1,000 plastic banknote na ibinayad niya na hindi umano tinanggap sa SM dahil lamang sa nakatupi ito. Kahit sino ay mapapakamot ang ulo dahil kakaiba naman talaga ang kasong ito. Dangan kasi saan ka ba naman nakakita na ang perang pinaghirapan mong kitain at itinupi mo lang nang konti ay hindi naman pala tatanggapin sa mga tindahan sa kabila na legal tender…

Read More

HNHS 25TH FOUNDING ANNIVERSARY

INSIGHT Ni DR BERNIE R. ANABO, JR. JULY 10 nang ipagdiwang ng Hilabaan National High School ang 25th Founding Anniversary, kung saan ang inyong lingkod ay pinaunlakan para maging panauhing pandangal. Bukod sa pagiging panauhing pandangal, isa rin po ang inyong lingkod sa tumanggap ng parangal bilang isa sa Most Outstanding Alumni at Stakeholder, dahil sa ating tagumpay at naitulong sa nasabing eskwelahan. Napakasaya po natin, dahil kinilala ng ating eskwelahan ang ating tagumpay, naiambag sa HNHS na wala sa hinagap ko na tatanggap ako ng parangal, at magbibigay ng…

Read More