PNP AT LOCAL EXECS DAPAT MAGKASANGGA

DPA Ni BERNARD TAGUINOD ISA sa ikinatutuwa ng publiko sa bagong administrasyon ay itutuloy ang giyera kontra ilegal na droga dahil hindi dapat bitawan ang giyerang ito dahil kung hindi ay babalik ang mga kriminal sa mga lansangan. Sabi ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, ibang approach nga lang ang giyera kontra ilegal na droga dahil i-involve ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para ugatin ang dahilan kung bakit maraming tao ang nalululong sa bisyong ito. Hindi natin maikakaila na noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, nalinis…

Read More

PIITANG ANGKOP PARA SA TAO

SA nakalipas na anim na taon, mistulang kontrapelo sa gobyerno ang Commission on Human Rights (CHR) na hayagang bumabatikos sa umano’y mga insidente ng pang-aabuso sa hanay ng mga unipormado at taong gobyerno. Ang totoo, angkop lang namang isulong ng CHR ang karapatang pantao lalo pa’t iyon mismo ang buod ng kanilang mandato. Pero teka, bakit parang tikom ang CHR sa abang estado ng mga bilanggo? Ayon mismo sa pagsusuri ng Commission on Audit (COA), ang mga bilanggo na pansamantalang namamahay sa 337 sa 474 piitang pinangangasiwaan ng Bureau of…

Read More

PITMASTER FOUNDATION NAG-DONATE NG COVID-19 VACCINES SA ILANG LGUs

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG MARAMI ang nanghihinayang sa pagkakatigil ng operasyon ng online o e-sabong sa bansa. Maliban kasi sa marami itong nabigyan ng trabaho, bumubuhos din ang donasyon mula rito, partikular ang mula sa Lucky 8 Star Quest Inc. Isa ang Lucky 8 Star sa mga pinakamalaking taxpayers sa bansa. Aba’y namahagi pa ito ng tinatayang P1 bilyong halaga ng mga donasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang programa noong kasagsagan ng pandemya. Nakapagbigay ito sa gobyerno ng P2.6 bilyon sa pamamagitan ng buwis (P985 milyon) at…

Read More

AMO NAGBAKASYON, KASAMBAHAY INIWAN NAKAKULONG SA KWARTO

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP SUNOD-SUNOD na tawag sa ­telepono ang aking natanggap kahapon mula sa kapatid ng isang OFW na nasa Saudi Arabia. Ayon sa pinakahuling sumbong ni OFW Vina Cabahaga sa kanyang pamilya, nagbakasyon sa ibang lugar ang kanyang amo. Hindi lamang basta ito iniwan sa tahanan, bagkus ay ikinulong sa kwarto at hindi iniwanan ng pagkain. Ayon sa sumbong ng nakatatandang kapatid nito na si Leonardo, hindi na rin nila natatawagan ang kanyang kapatid. Labis itong nag-aalala dahil halos apat na araw na itong hindi…

Read More

SOJ REMULLA AT ANG 2022 BAR EXAM

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO NAKATUTUWA naman kapag ganyan ka-dedicated sa trabaho ang itinalagang opisyal ng Marcos administration sa Department of Justice (DOJ). Ang sinasabi ko po ay si Secretary Jesus Crispin Remulla ng DOJ na naka-work from home status, makaraang magpositibo ito sa nakamamatay na COVID-19. Ayon sa tagapagsalita ng DOJ na si Atty. Mico Clavano, malakas naman ang kalihim at mild lamang ang tumamang virus dito subalit kailangan aniyang sundin ang health protocol na mandatory 7-days quarantine kung nahawaan ka ng naturang sakit. Paliwanag pa ni Atty.…

Read More

MGA INABANDONANG PADALA NG ALL WIN AT CMG, IRE-RELEASE NA NG BOC

RAPIDO Ni PATRICK TULFO SA pagpapatuloy ng aming pagtugaygay sa reklamo ng ating mga kababayang OFWs (overseas Filipino workers) sa United Arab Emirates laban sa dalawang cargo firms na All Win at CMG, naki­pag-ugnayan naman ang aming programa sa Bureau of Customs (BOC) upang malaman ang estado ng mga kargamento na nasa pangangalaga ng naturang ahensya ng gobyerno. Ayon kay BOC Asst. Commissioner Atty. Vincent Maronilla, ilang containers daw na ipinadala ng All Win at CMG ang nakatambak sa kanilang tanggapan dahil ito raw ay inabandona ng dalawang Dubai based…

Read More

SABLAY SA EXPANDED DISCOUNT PARA SA SENIOR CITIZENS, PWDs

MATAGAL nang naisabatas ang garantiyang diskwento sa senior citizens at mga taong may kapansanan, subalit tila kapos pa rin ang saklaw ng mga naturang batas – partikular ang Republic Act 9994 (Expanded Senior Citizen Act) at RA 7277 (Magna Carta for Disabled Persons). Kamakailan lang nang pagtibayin ng Kamara ang resolusyong nag-aatas sa mga ahensya ng gobyerno na agarang maglabas ng guidelines kaugnay sa pagbibigay ng diskwento sa online transactions ng senior citizens at persons with disability (PWD). Sa unang tingin, maski sinong senior citizen o PWD ay malulugod sa…

Read More

KAILANGAN ANG MASUSING PAG-AARAL

OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO HINDI maitatanggi na nakakaalarma ang ilang kaganapan sa public health system front partikular ang patuloy na pagtaas ng kaso ng ­COVID-19 sa bansa na isa nga sa pinakahuling tinamaan ay walang iba kundi si Pangulong Bongbong Marcos mismo. Mabuti naman at hindi malubha o severe ang naging kondisyon ni PBBM at kailangan lamang niyang sumailalim sa one-week isolation, kung saan ay patuloy naman niyang nagagampanan ang kanyang mga tungkulin bilang pangulo at ama ng bansa. Inaabangan na rin ng mamamayan kung sino ang magiging bagong…

Read More

HINDI NAMAN BIG TIME

DPA Ni BERNARD TAGUINOD HINDI maituturing na big time ang rollback na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ngayong araw, Martes, nasa P80 level pa rin ang presyo ng mga produktong petrolyo. Mahigit anim na piso lang ang ibababa ng presyo ng bawat litro ng diesel, gasolina at gaas at marami nga ang natatakot na pagkatapos ng price rollback na ito ay muling magtataas ng mas malaki ang mga kumpanya ng langis. Ilang buwan na ang nakararaan, nagbaba ang oil ­companies ng mahigit P5 sa presyo ng kanilang mga pro­duktong…

Read More