PAGSAPIT ng impunto alas-12:00 ng tanghali sa Huwebes, ganap nang isasalin kay incoming President Ferdinand Marcos Jr. ang baton na siyang hudyat ng panunungkulan ng bagong liderato. Subalit sa halip na pagdiriwang, mas angkop yatang kataga ang problemado para ilarawan ang matinding hamon sa susunod na pangulo. Bakit kamo? Bukod sa tumataginting na P12.7-trilyong pagkakautang ng bansa, simot-sarap na rin ang kaban ng bayan. Sumabay pa ang lintek na pagdami ng kumpirmadong kaso ng mga positibo sa COVID-19, ang walang puknat na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, manipis na supply…
Read MoreCategory: OPINYON
ILANG LOCAL OFFICIALS NANUMPA NA SA HARAP NI GOVERNOR-ELECT DOKTORA HELEN TAN
NANUMPA na sa harap ni incoming Gov. Doktora Helen Tan ang ilang local officials na nanalo sa nakalipas na May 9 polls sa lalawigan ng Quezon. Nabatid na isinagawa ang oath-taking ceremony ng mga nahalal na opisyal sa bayan ng Macalelon nitong Hunyo 23. Ang panunumpa ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan at maging ng mga hinirang na bagong alkalde at bise-alkalde ng macalelon, Mayor Artemio Mamburao at Vice Mayor Carmen Vidal, ay pinangunahan ni Gov. Tan. Ayon sa nakalap nating impormasyon, bago raw ang panunumpa ng mga opisyal, nagbigay…
Read MorePancho Villa: Greatest Filipino Fighter of All-Time
NAGDIWANG ang buong bansa Hunyo 18, 1923 sa balitang pinatulog ng Pilipinong boksingero na si Pancho Villa si Jimmy Wilde ng Wales upang makuha ang pandaigdig na kampeonato at maging kauna-unahang Pilipino, at Asyano na naging world champion. Sumipol ang mga barko at lahat ng planta ay sumirena para ipahayag sa apat na sulok ng Pilipinas ang pagsulpot ng isang bagong kampeon na hindi Amerikano o European. Ubos lahat ang ekstrang edisyon ng mga pahayagan sa Kamaynilaan. Kaliwa’t kanan din ang panayam sa maybahay ni Pancho, si Gliceria y Concepcion…
Read MorePAG-UPA NG PHIL. NAVY NG P1-B KADA TAON SA DATING HANJIN SHIPYARD, BUSISIIN
PALAISIPAN sa mga nag-iisip kung bakit kailangang umupa ng isang bilyong piso (P1-B) kada taon ang Philippine Navy sa dating Hanjin Shipyard sa Subic na ngayon ay tinatawag ng Agila Shipyard. Ito Ang Totoo: Isang daang (100) hektarya ang uupahan ng Philippine Navy at ang natitirang dalawang-daang (200) hektarya ay uupahan naman ng Vectrus, Inc., isang Defense Contractor ng Estados Unidos (US). Dati kasi sa ilalim ng Hanjin, may 30,000 manggagawa ang na-empleyo sa paggawa ng mga dambuhalang barko, pero sa Vectrus, Inc., hindi pa masabi kung gaano karami at…
Read MoreBI AT BOC COMMISSIONER SEAT, INAABANGAN
MAKAPIGIL hiningang ina-abangan ngayon na dinaig pa ang eksena sa walang kamatayang telenobela, ng mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Immigration (BI) na bago ang inagurasyon sa darating na June 30 ay posibleng ilalabas na kung sino sa mga aplikante sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mapalad na mapipiling commissioner ng ahensya na pagkakatiwalaan nina PBBM at incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez. Halos makumpleto na ang mga miyembro ng gabinete ni PBBM ngunit naiwan na lang sa masusing pinag-aaralang ang ilalagay sa…
Read MoreMGA BARANGAY NAGBUNYI SA PAGKAKATALAGA KAY ES RODRIGUEZ
LUBHANG ikinagalak ng mga barangay official ang pagkakatalaga bilang executive secretary ni Atty. Vic Rodriguez dahil sa inisyatibo ng administrasyon na palakasin lalo ang mga lokal na pamahalaan. Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, nais ng administrasyong Marcos na isailalim sa capacity-building training ang nasa 42,046 na mga barangay captain sa bansa upang higit nilang mapagsilbihan at mapamahalaan ang kanilang mga nasasakupan. Gayundin, nais ng susunod na administrasyon na dagdagan ang kanilang pondo upang mas mapabuti ang kanilang serbisyo para sa mga mamamayang Pilipino, lalong-lalo na sa panahon ng sakuna. “I…
Read MoreHINDI LANG BASTA KAALYADO
KASABAY ng pagbaba sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30 ng kasalukuyang taon ang hudyat ng bagong liderato sa kumpas ni incoming President Ferdinand Marcos Jr. sa bisa ng 31 milyong boto nitong nakaraang 2022 presidential election. Bagamat nakapagtalaga na si Marcos J. ng mga miyembro ng kanyang gabinete, mayroon pa rin namang mga tanggapang bakante. Sa 22 departamento, anim pa ang wala pang nominado – ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Health (DOH), Department of Science and Technology (DOST), Department of Environment and Natural Resources…
Read MoreUSAPANG SOP SA DEPED
SAKSI NGAYON INSIDER Ni FERNAN ANGELES HINDI na bago ang usapang SOP sa mga proyektong nakukuha ng mga kontratista sa pamahalaan. Kung ilang porsyento, depende sa halaga ng proyekto – o ‘di naman kaya’y sa takaw ng kausap na taong gobyerno. Pero sa Department of Education (DepEd), iba ang kostumbre ng isang sindikatong nagpapakilalang “pasok” kay incoming Vice President Sara Duterte na itinalaga para pamunuan ang naturang departamento. Ayon sa isang impormanteng tulad kong probinsyano, kakaiba ang tikas ng nasabing grupo. Magarang manamit, matamis mangusap at maagap pagdating sa pera.…
Read MoreGOODBYE, DIGONG
DPA Ni BERNARD TAGUINOD MULA sa araw na ito, Sabado, anim na araw na lang lilisanin na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Palasyo ng Malacañang na kanyang naging tirahan sa nakaraang anim na taon. Noong 2016, napuno ng pag-asa ang mga Filipino nang mahalal si Digong bilang ika-16 na pangulo ng bansang ito dahil sa kanyang political will at pangako na sa loob lang ng 3 hanggang anim na buwan ay reresolbahin nito ang mga problema ng mga Pinoy. Kabilang na dyan ang ilegal na droga kaya bago pa man…
Read More