IKINAGIMBAL ng maraming peryodista ang hindi kainamang inasal ni Philippine National Police (PNP) OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr. kaugnay ng kontrobersyang bumabalot sa diumano’y VIP treatment na inilapat sa suspek sa likod ng viral video ng aktwal na pananagasa ng isang yayamaning conyo sa guwardiya ng isang establisimyento sa Mandaluyong City. Dangan naman kasi, pinuntirya sa social media ang pambansang hepe ng pulisya. Sa isang pahayag na inilabas ng mga peryodistang nakabase sa Kampo Crame sa Quezon City, partikular na tinumbok ang ‘di kainamang inasal ng heneral nang humiling…
Read MoreCategory: OPINYON
OFW SA KUWAIT GINUGUTOM NG MADAMOT NA AMO
AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP PALIHIM na ipinaabot ng isang OFW ang kanyang sumbong sa pamamagitan ng isang kapwa OFW na kanyang nakasabay sa ospital sa Kuwait habang ito ay nagpapakonsulta sa doktor. Ayon sa sumbong na ipinarating ni OFW Cindy Gallardo, siya ay namamasukan bilang kasambahay sa isang tahanan sa Jaber Ali, sa bansang Kuwait. Halos isang buwan pa lamang siya sa kanyang amo, pero sa simula pa lamang ay naranasan na n’ya ang hindi magandang pagtrato ng kanyang amo. Kung dati ay nababasa lamang nito sa…
Read MorePNP OIC GEN. DANAO, GALIT DAW SA MEDIA!
RAPIDO Ni PATRICK TULFO NAGMURA daw si PNP OIC Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr. nang hilingin ng isang kasamahan sa media na siya ay ma-interview. Sinisisi raw ni Gen. Danao ang media sa pag-viral ng kanyang larawan kung saan nagmano sa kanya ang ina ni Jose Antonio San Vicente na nakasagasa sa security guard. Hindi kasi naging maganda ang reaksyon ng madla sa nasabing larawan at pinaghinalaan si Gen. Danao bilang protektor umano ng batang San Vicente. Sakaling totoo ngang nagmura si Gen. Danao sa media, hindi naman dapat…
Read MoreALING KAUTUSAN BA ANG DAPAT MANGIBABAW? LOCAL O NATIONAL?
PRO HAC VICE Ni BERT MOZO ALING kautusan nga ba ang mas mananaig sa paglaban sa COVID-19, ang kautusan ng local executive o ng national executive? Bakit nga ba nagiging problema pa ngayon ‘yan ng mga Cebuano? Nalilito tuloy sila kung sino ang susundin! Eh kasi naman nagpalabas ng kautusan ang kanilang Governor’s Office na optional na lang daw ang pagamit ng face mask sa kanilang lalawigan na mariin namang tinutulan ng national government o ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Ang ‘di ko lang maintindihan ay…
Read MorePAGKAIN MUNA
SA gitna ng nagbabadyang gutom, pinakamainam ang naging desisyon ni incoming President Ferdinand Marcos Jr. Aniya, sa tindi ng problemang kinakaharap ng bansa, siya na muna ang kukumpas sa Department of Agriculture. Babala ng international institutions kabilang ang World Trade Organization at Food and Agricultural Organization ng United Nations, isang food crisis ang nakaamba bunsod nang patuloy na banta ng pandemya at umiinit na hidwaan sa pagitan ng Ukraine at Russia – lalo na sa mga bansang umaasa sa inaangkat na pagkain. Ang totoo, higit na apektado ang mga maralita…
Read MoreRAPPLER PINAKAHINDI PINAGKAKATIWALAANG MEDIA OUTFIT SA PILIPINAS
OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO MULING napatunayan na matatalino talaga ang mamamayang Pilipino. Dahil alam nila ang pagkakaiba sa mga tunay na naghahatid ng mga makatotohanang mga balita at iyong mga nagpapalaganap lamang ng kasinungalingan at mapanirang lathalain na nagsusulong ng kanilang mga sariling political agenda. Ito ay sa kabila ng patuloy na pangungutya ng mga pa-intelektwal tulad ng mga kampon ng pinklawan na bobo raw ang mga mayorya ng mga Pilipino, lalo na iyong mga sumuporta sa kandidatura ni incoming President ‘Bongbong’ Marcos noong nakaraang halalan. Pero nasoplak na…
Read MoreNAGTATAMPO SA PNP
DPA Ni BERNARD TAGUINOD HINDI ko masisisi ang mga tao na magtampo sa Philippine National Police (PNP) dahil malayong-malayo ang trato sa mga maimpluwensya at mayayaman kaysa mahihirap na nagkakasala sa batas. Kahit sino ang tanungin mong tao, ang tingin talaga nila sa hustisya sa bansa ay para lang sa mayayaman at maimpluwensya dahil ibang-iba ang trato sa mga pobre kapag sila ang nagkasala. Isa sa mga ipinagtatampo ng mga tao sa PNP ay ang ibinigay na media mileage sa bumundol at nanagasa pa sa mall guard sa Mandaluyong City…
Read MoreKWF CHAIRMAN ‘DI NIRERESPETO NG 3 COMMISSIONERS?
PUNA Ni JOEL AMONGO HINDI lang ordinaryong pambu-bully, kundi kawalang respeto ang ginagawa ng ilan sa mga commissioner sa kanilang chairman sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Tinutukoy po sa Affidavit-Complaint ni KWF Chairman Casanova ay ang mga respondent na sina Benjamin Mendillo, Jr., Carmelita Abdurahman at Hope Yu. Ang KWF ay may 11 commissioners, 2 full time commissioners at 8 part-time commissioners at 3 part-time commissioners ang bakante. Sina Mendillo at Adburahman ay pawang full time commissioners ng KWF at part-time naman si Yu. Si Casanova ay in-appoint ni…
Read MorePAGHARAP SA REALIDAD
SA nakalipas na tatlong dekada ay nasaksihan ang mabilis na pagnipis ng mga lupang agrikultura. Ang mga dating sakahan, napalitan ng mga golf course, residential subdivisions, condominium, resort at iba pa. Ang karagatan, sinakop na rin ng mga banyaga. Ang resulta – bumaba ang produksyon ng pagkain, na siyang hudyat sa pag-angkat ng agri-products na dati-rating tayo ang nag-e-export sa ibang bansa. Sa loob ng mahabang panahon, umasa ang Pilipinas sa mga pagkaing supply mula sa ibang bansa. Kalaunan, naramdaman ang negatibong epekto sa mamamayang Pilipino. Hindi na halos kayanin…
Read More