NAG-DRAMA BA O HINDI ANG SEKYU NA NASAGASAAN?

ITO ANG TOTOO Ni VIC V. VIZCOCHO, JR. HINDI nagtatapos ang pagmamay-ari ng sasakyan sa pagmamantine at alaga nito. Ito Ang Totoo: napakalawak at walang katapusan ang lansangan, mapa-konkreto, aspalto, graba o lupa-lupa lang, basta madadaanan. Kaya naman ang responsibilidad at obligasyon, kapwa sa sarili at ibang tao, ay talagang seryoso. Sa aspeto ng kaligtasan, dapat tinitiyak na nasa ­kondisyon ang sasakyan, ang sarili at umaakma sa kalagayan ng lansangan at panahon. Kapag wala sa kondisyon ang sasakyan o ang nagmamaneho kasama na ang kakulangan ng konsiderasyon sa kalagayan ng…

Read More

PATAS NA JUSTICE SYSTEM ASAHAN KINA GUEVARRA AT REMULLA

BISTADOR Ni RUDY SIM ISANG matalinong desisyon ang ginagawang pagpili ni President-elect Ferdinand “Bong­bong” Marcos Jr. ng mga miyembro ng kanyang gabinete at opisyales na ilalagay sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa tulong din ni Incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez na nagpapatunay lamang na walang palakasan at para sa kapakanan ng sambayanan upang isakatuparan ang mga naipangako nito sa sambayanan noong panahon ng kampanya. Marami ang humanga sa naging desisyon ni PBBM na maglingkod sa kanyang administrasyon si Outgoing 59th Justice Secretary Menardo “Boy” Ilasco Guevarra bilang Solicitor…

Read More

TURISMO PALALAKASIN SA ILALIM NI BBM

SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA NAGING malaking hamon sa turismo ang pagsasara ng maraming negosyo at industriya bunsod ng pagpapatupad ng mga lockdown upang puksain ang pandemyang dulot ng COVID-19. Dahil dito nagkaroon ng malaking kakulangan sa kita ang pribadong sektor na nagresulta sa mas mababang buwis para sa pamahalaan. Kasama na rito ang kawalan ng trabaho sa ating bansa at maging sa OFWs na nawalan din ng hanapbuhay. Dahil sa restrictions na dulot ng pandemya, ang mga airport, airline, hotel, at tourist spots ay napilitang magsara nang halos…

Read More

UMAMIN DIN SA WAKAS

SA mga nakalipas ng linggo, pilit ikinukubli ng Department of Health (DOH) ang nakaambang peligrong dala ng muling pagdami ng mga kumpirmadong kaso ng nakamamatay na COVID-19. Pero nitong nakaraang Sabado, biglang umamin ang departamento! Anila, posibleng pumalo sa 1,200 ang arawang tala ng mga bagong COVID-19 cases bago matapos ang buwan ng Hunyo – ‘yan ay kung magpapatuloy aniya ang paglaganap ng mikrobyo. Susmarya! Ang totoo, laganap na ang hawaan sa iba’t ibang panig ng bansa, Gayunpaman, pinakamataas ang antas ng mga kumpirmadong kaso sa National Capital Region (NCR)…

Read More

SADLAK-DUSANG DULOT NG KAPALPAKAN NI CUSI

SAKSI NGAYON INSIDER Ni FERNAN ANGELES HINDI sapat ang katagang palpak para ilarawan si Energy Secretary Al Cusi, na siyang itinuturong dahilan sa likod ng mabigat na dagok ng krisis sa enerhiya. Ang totoo, lahat naman apektado sa hidwaan ng dalawang oil-exporting countries – ang Ukraine at Russia. Pero hindi sana ganun kabigat ang pasakit sa publiko kung hindi pinalampas ang isang pambihirang pagkakataong nagsalba sa atin ngayon. Taong 2017 nang tablahin ni Cusi ang alok na bilateral trade agreement ng Russia, kasunod ng pagbisita ni Pangulong ­Rodrigo Duterte sa…

Read More

ZERO COVID IMPOSIBLE NA

DPA Ni BERNARD TAGUINOD KAILANGAN na nating tanggapin na kasama na natin sa ating buhay ang coronavirus diseases 2019 o COVID-19 at huwag na tayong gumaya sa China na nagpapatupad ng Zero-COVID policy dahil sa kanilang ambisyon na walang kahit isang COVID case sa kanilang bansa. Lahat tayo ay nagkakaroon ng flu taon-taon. Wala pa akong kilalang tao na hindi nagkaroon ng trangkaso kahit isang beses sa isang taon na naihahawa sa mga close contact. Meron ding mga namamatay sa trangkaso na mga bata kapag hindi naagapan at mga matatanda…

Read More

PNP MAY KINIKILINGAN NGA BA?

PUNA Ni JOEL AMONGO VIRAL sa social media ang isinagawang press conference sa Camp Crame, Quezon City ­kamakailan kaugnay sa pagsuko ng driver na nanagasa sa guwardiya sa Mandaluyong City. Si Jose Antonio San Vicente, driver ng RAV4 Plate No. NCO 3781, ang nanagasa kay Christian Floralde, security guard ng isang mall na nagmamando ng trapiko sa Julio Vargas St., Mandaluyong City. Kitang-kitang sa video kung paanong binundol ng sasakyan na minamaneho ni San Vicente at nang bumagsak sa kalsada sa halip na tulungan niya ang kanyang biktima ay tuluyan…

Read More

WFH MUNA ULIT

MULING lumutang ang mga panawagan para sa pagbabalik ng work-from-home set-up para sa mga empleyado ng mga pribadong tanggapan sa dalawang dahilan – para makatipid at makaiwas sa panibagong banta ng pandemya. Sa gitna ng dinaranas na krisis, normal lang naman ang maghigpit ng sinturon lalo pa’t aminado ang National Economic and Development Authority (NEDA) na sadyang mahirap pagkasyahin ang kakarampot na kita ng mga manggagawa, sa kabila pa ng mga umentong itinakda ng regional wage boards sa iba’t ibang panig ng bansa. May mga bentaheng kalakip sa ilalim ng…

Read More

NAIPIT SA AMONG NAG-AAWAY NAPAUWI NG AKOOFW AT OWWA

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP NAIPIT sa nag-uumpugang bato ang naging kalagayan ni Kimberly Duclayan dahil sa “away mag-asawa” na humantong sa paghihiwalay ng kanyang mga amo. Ayon sa sumbong na ipina­dala ni Kimberly sa AKOOFW, nakara­ting siya sa bansang Kuwait sa pamamagitan ng Naptron International Manpower Agency noong Setyembre taong 2017. Tapos na ang kanyang kontrata noon pang Setyembre 2021 kaya kung tutuusin ay mahigit na siyang 4 na taon naninilbihan sa kanyang amo na walang uwian o bakasyon. Sa loob ng panahon na iyon ay hindi…

Read More