NAPAKALAKI ng epekto ng pandemya sa mga negosyo dahil sa pabalik-balik na pagpapatupad ng lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Ngunit sa kabila nito, ang mga kumpanya ay hindi nagdalawang-isip na unahin ang pagtulong sa mga taong higit na nangangailangan. Kabilang dito ang Manila Electric Company (Meralco) na tiniyak ang kapakanan ng mga konsyumer, at naging pruweba rito ang mga produkto at serbisyo, at pagsasagawa ng iba’t ibang paraan upang mapababa ang power rates, gayung ang naturang industriya ay isa sa mga malaking salik sa inflation rate. Ngayong Mayo,…
Read MoreCategory: OPINYON
AKSAYA LANG SA ORAS
KUNG pagbabatayan ang Konstitusyon, malinaw sa mga kalakip na probisyon ang mekanismong halalang garantiya ng demokrasyang naninindigan sa tinig ng mas nakararami. Sa ginanap na halalan nito lamang nakaraang Mayo 9, hindi bababa sa 31 milyong rehistradong botante ang nagpahiwatig ng kumpyansang uunlad ang bansa sa kamay ng kanilang taong ibinoto. Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang may umeksena sa kabila ng milya-milyang agwat sa isa pang kandidatong nakakuha lang ng 14.8 milyong boto. Giit sa petisyong inihain sa Korte Suprema, idiskwalipika ang nanalong kandidatong si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Hay…
Read MoreCONSUMER DEHADO SA BATANG ARROYO
SA napipintong pag-upo bilang Energy Secretary ng artistahing anak ng isang dating pangulo, marami ang nagtaas ng kilay. Dangan naman kasi, tila may mali. Ayon sa progresibong consumer group na United Filipino Consumers and Commuters, dapat pag-isipang mabuti ni incoming President Ferdinand Marcos Jr. ang paghirang kay Mikey Arroyo sa Department of Energy (DOE), lalo pa’t may pagdududa sa kanilang motibo sa pwesto. Para kay Rodolfo “RJ” Javellana na tumatayong pangulo ng UFCC, “bad news” kung itatalaga ang batang Arroyo sa departamentong mandato’y protektahan at isulong ang kapakanan ng mga…
Read MoreWAR ON DRUGS NI DUTERTE APRUB SA PINOY
MAAALALA si outgoing President Rodrigo Duterte sa kanyang war on drugs na kanyang legasiya kahit ilang dekada pa ang lilipas sa kasaysayan ng ating mahal na bayan. Ang giyerang ito ang nagpanatili sa kanyang popularidad dahil niyakap at aprubado ito ng sambayanang Filipino dahil tumahimik kahit papaano ang ating bansa sa kriminalidad. Bago naging Pangulo si Digong, maraming nagkalat na kriminal sa kalsada na karamihan ay bangag sa ilegal na droga at walang takot na gumawa ng krimen at ang mga biktima ay karaniwang tao. Nawala ang snatching, holdap, bihira…
Read MorePAGBIHAG NG PASYENTE
SA gawing silangan ng Metro Manila matatagpuan ang isang nakabibighaning bayan na higit na kilala sa magagandang tanawin, luntiang pamayanan at tahanan ng pinakamahusay na mga alagad ng sining kabilang sina Maestro Lucio San Pedro at Jose Blanco. Ito marahil ang dahilan kung bakit dinarayo ang baybaying bayan ng Angono sa lalawigan ng Rizal. Maging ako mismo napahanga sa pagpupursigi ng lokal na pamahalaan na panatilihin ang kagandahan, kalinisan at kulturang nakagisnan mula pa sa pagkabata. Ang nakalulungkot, tila masisira lang ang magandang imahe ng nasabing bayan dahil lang sa…
Read MorePERWISYONG DOBOL B TUWING TAG-ULAN
SA hudyat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nangangasiwa sa larangan ng pagtataya ng panahon sa humigit kumulang 7,100 isla ng Pilipinas, ganap nang nag-umpisa ang panahon ng tag-ulan. Ayon sa mga dalubhasa sa pagtataya ng lagay ng panahon, daranas tayo ng higit pa sa karaniwang buhos ng ulan dulot ng tinatawag na La Niña phenomenon. Sa madaling salita, mas mabigat ang buhos ng ulan na kalakip ng higit na maraming bagyong papasok sa ating bansa. Ang totoo, kailangan natin ang ulan lalo pa’t ang Pilipinas…
Read MoreTIGILAN NA PAGHAHASIK NG POOT, MAHALIN NATIN ANG PILIPINAS
DALAWANG linggo na ang nakalilipas matapos ang nakakapagod na kampanya at eleksyon. Marami ang nagdiwang dahil sa kanilang tagumpay at siyempre mas marami rin ang masama ang loob at malungkot dahil hindi nanalo. Pero ganyan talaga ang pulitika, may nananalo at may natatalo. Sa katotohanan ay hindi naman talaga madaling tanggapin ang pagkatalo lalo na kung alam mo na lumaban ka nang parehas at nagpakasipag ka sa kampanya. Idagdag pa sa nakasasama ng kalooban ay ‘yung madidiskubre mo na ang mga taong pinagkatiwalaan mo at inaasahan mo ang suporta, sa…
Read MoreBBM PAUPUIN MUNA
INCOMING President Bongbong Marcos, ‘di pa nga nakakapanumpa binabatikos na ng mga kritiko nito! Paupuin ninyo muna saka na ninyo hanapan ng butas. May kumalat pa sa social media na di-umano ay magkakaroon ng victory celebration si BBM sa Amanpulo sa Palawan. Ito ay isang malaking fake news, ayon mismo sa tagapagsalita nito na si Atty. Vic Rodriguez dahil ultimo ang pamunuan ng resort sa nasabing isla ay nagsabi na wala silang natanggap na reservation para sa bagong halal na pangulo. Ang Amanpulo ay kilala sa buong mundo dahil sa…
Read MoreBI EMPLOYEES NANAWAGAN KAY BBM
NANANAWAGAN ang ilang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) kay presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maging maingat sa pagpili sa maaaring i-endorso ng ilang grupo na mga opisyales na ilalagay sa matataas na puwesto sa BI kabilang ang Port Operations Division na siyang naging kontrobersyal kamakailan dahil sa Pastillas scheme kung saan isinangkot ang ilang mga tauhan ng ahensya, na maaaring makasira umano sa magandang hangarin ng pamahalaang Marcos na pagbabago sa pamahalaan. Naging usap-usapan sa BI ang umano’y posibleng pagtatalaga ng Department of Justice (DOJ) kay…
Read More