MAY bagong sistema na sa recruitment ng Philippine National Police (PNP) dahil lahat ng mga aplikante ay meron nang QR code para maiwasan ang palakasan sa pagpasok sa pambansang pulisya. Hindi tulad noon na kapag may kakilalang mataas na opisyal kahit hindi kuwalipikado ay nakapapasok sa PNP, kaya magandang hakbang ito para maibalik ang tiwala ng publiko sa mga pulis. Ang problema lang ngayon ng Pambansang Pulisya ay ‘yung mga naunang nakapasok na hindi kuwalipikado kaya marami pa ring bugok sa kanilang organisasyon at ‘yun ang nagpapahirap sa public relation…
Read MoreCategory: OPINYON
‘MARSO’ TANDEM LUMUTANG?
ISANG buwan na lang bago idaos ang May 9 national and local elections ay muli na namang may lumutang na bagong tandem, ito ay ang tambalang Marcos-Sotto o tinawag nilang “MarSo.” Sinasabi ng ilang grupo na ang MarSo tandem ay “perfect combination” o dili kaya ay “Combo Panalo.” Parang pagkain lang ha. Ito ngayon ang umuugong sa social media na tambalang MarSo o pinagsamang apelyidong Marcos at Sotto mula sa grupo na kumakatawan sa iba’t ibang sektor. Walang ibang nangunguna sa presidential race kundi si dating Sen. Bongbong Marcos (BBM)…
Read MoreSAKLOLO, SAKLOLO MAY PULIS!
SA dami ng suliraning kinakaharap ng bansa dulot ng lugmok na kabuhayang iniwan ng pandemya at krisis sa ekonomiya, nakalulungkot isiping laganap ang mga pag-abuso ng institusyong dapat sana’y pinoprotektahan ang mamamayan. Nang balangkasin at isinabatas ang Republic Act 6975 of 1990, tuluyang nilansag ang Philippine Constabulary (PC) at Integrated National Police (INP) dahil sa laganap na pag-abuso at ipinalit ang Philippine National Police (PNP) sa hangaring iwasto ang mga maling kalakaran sa hanay ng unipormado. Subalit taliwas sa inaasahan, naipasa lang ang kultura ng pag-abuso na tila pangalan lang…
Read MorePAANO MAGPARAMI NG DOKTOR AT NARS
KUNG hindi pa dahil sa pandemya, hindi marahil napagtanto ng pamahalaan ang mabilis na pagnipis ng hanay ng mga doktor, nars at iba pang healthcare workers na mas pinipili na lamang makipagsapalaran sa ibang bansa kung saan mas malaki ang kita bukod pa sa pagpapahalaga sa kanila. Kung hihimayin ang konstitusyon, nakasaad sa ilalim ng kategoryang “Bill of Rights” ang probisyong nagsusulong ng kalusugan – ke-sehodang may pera o maralita. Ang masaklap, hindi naman ganun ang nangyayari sa reyalidad. Dangan naman kasi, lamang sa lahat ang may pera. Sa mahal…
Read MorePOEA NABIKTIMA NG FAKE NEWS
MAGANDANG araw mga ka-Saksi at mga kabayani! Nabiktima ng “fake news” ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) matapos kumalat sa social media ang diumano’y lifting ng suspensyon sa deployment ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia. Nilagdaan diumano ni POEA administrator Bernard Olalia ang Advisory No. 69, series of 2022 na may petsang April 4, 2022. Nakasaad sa diumano’y POEA advisory ang pag-alis ng suspensyon sa deployment ng OFWs kasunod ng clarification at assurance ng gobyerno ng Saudi Arabia thru the Royal Embassy of Kingdom of Saudi…
Read MoreIMMIGRATION AIRPORT CHIEF POSITION, PINAG-AAGAWAN
MATAPOS ang kontrobersya ng umano’y katiwalian sa Bureau of Immigration kaugnay sa Pastillas Scheme ay tila hinahabol ng ilang tauhan ng ahensya ang natitirang panahon ng administrasyon upang makuha ang permanent position bilang hepe ng Port Operations Division. Ang POD na isang departamento ng BI na may kapangyarihan sa lahat ng mga airport sa bansa, ang isa sa mga pangarap na posisyon at ngayon ay pinag-aagawan ng ilang aplikante habang hinihintay ang magiging desisyon ni DOJ Secretary Menardo Guevarra kung sino ang masuwerteng makakukuha ng plantilla. Ayon sa impormasyon na…
Read MoreBAHAY-BAHAY NA BAKUNAHAN
SA isang pamahalaang nagkukumahog mangalap ng pondo, isang malaking kasalanan sa hikahos na mamamayan ang napipintong pagkasayang ng hindi bababa sa 27 milyong doses ng bakuna kontra sa nakamamatay na COVID-19. Magkano nga ba ang halaga ng masasayang na bakuna? Sa P600 per dose, lumalabas na P16.2 bilyon ang napunta lang sa wala bunsod marahil ng matamlay na information drive ng Department of Health (DOH) na siyang nangangasiwa sa malawakang pagbabakuna. Ang masasayang na pondo, sapat para bigyan ng tig-isang kaban (50 kilo) ng bigas ang 8.1 milyong Pilipino na…
Read MorePITMASTER FOUNDATION, WALANG TIGIL SA PAMAMAHAGI NG DONASYON
NAPAKALAWAK ng kasaysayan ng sabong. Kahit pa noong antigong panahon, may ganyang libangan na. Pagdating sa cockfighting, pagalingan talaga ng alaga. Sa ibang bansa, tulad ng Thailand ay isang tourist attraction ang cockboxing. Inihahalintulad ito sa kickboxing o Muay Thai ng mga mamamayan nila. Kung sila ang tatanungin, mas katanggap-tanggap ito. Hindi raw kasi namamatay ang mga manok. Walang tari ang mga manok na sumasabak dito. Anuman ang sandata, kung sino ang magwawagi ay ibinabase sa resulta ng laban. Ganyan sa sabong. Ang nananalo ay idedeklarang panalo. Tunay na nakapagdudulot…
Read MoreGinebra fans umuwing luhaan
PINIGA ng Meralco Bolts ang talento at pasensiya ng katunggaling Barangay Ginebra Kings sa Game 1 ng Governors’ Cup best-of-seven final series noong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum. Wagi ang tropa ni Meralco coach Norman Black laban sa koponan ni Ginebra coach Tim Cone, 104-91, sa una nilang pagtatagpo sa season-ending conference ng 2021 PBA season. Dahil sa pagkatalo ng Gin Kings, luhaang umuwi ang mayorya ng 12,457 fans na nanood sa Big Dome upang mag-cheer para sa crowd-favorite at 2019 defending champ Barangay Ginebra. Samantala, nabuhayan naman ng loob…
Read More