TUMAHIMIK KASI SALABIT?

ISA sa karaniwang ginagawa ng mga botante sa tuwing sasapit ang halalan ay ang pagkilatis sa mga kandidato – mula sa negosyo, trabaho, pamilya at maging ang madilim na yugto ng kanilang nakaraan. Sa isang banda, tama rin naman. Bakit ka nga naman maghahalal ng isang nagkukunwaring banal? O di naman kaya’y pasok sa kategorya ng mga hangal. Sa isang lungsod sa gawing hilaga ng Metro Manila ay ang Lungsod ng Caloocan kung saan isa sa mga kandidato sa posisyon ng alkalde ang nalalagay sa gitna ng kontrobersiya. Siya si…

Read More

MARAMI PANG DAPAT AYUSIN ANG COMELEC

SINABI ng Comelec na natapos na nila nitong nakaraang Sabado (Abril 2) ang pag-iimprenta ng 67.4 milyon balota na gagamitin sa darating na halalan ngayong Mayo 9. Sa totoo lang ay dapat papurihan ng publiko ang mga taga-Comelec dahil sa kabila ng napakaraming aberya na pinagdadaanan nila ay natapos pa rin sa oras ang pag-imprenta nila ng balota. Medyo mabilis din ang ­na­ging proseso ng pag-iimprenta na sinimulan noong Enero 23 ng taong kasalukuyan at ang deadline ay sa Abril 23 pa pero natapos nila ng Abril 2. Ibig sabihin…

Read More

BAKUNAHAN LUMAYLAY

PANSIN ko, lumaylay ang bakunahan sa ating bansa kaya hindi nakapagtatakang umabot pa sa 27 million anti-COVID-19 vaccines ang hindi pa naituturok at nakatakdang ma-expire sa Hulyo. Masyadong abala na ang local officials sa pangangampanya at wala na silang panahon na iorganisa ang bakunahan sa kanilang bayan at siyudad lalo na dun sa mga may kalaban ngayong eleksyon. Imposible nang maturukan ang lahat ng Pinoy ng bakuna hangga’t hindi tapos ang eleksyon dahil kailangan ng Department of Health (DOH) ang tulong ng local government units (LGUs). Hindi kaya ng DOH…

Read More

MOCHA USON, MANALAMIN KA MUNA!

SINO ba itong si Mocha Uson, bakit siya nagsasalita laban kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (BBM)? Malinis ba ito? Tatawid ka lang sa bakod ni Isko Moreno magsasalita ka pa laban kay BBM. Hindi lang si BBM ang ­iniinsulto mo kundi ang nakararaming Pinoy. Baka sa kangkungan ka pulutin niyan, Inday? Lalo na kung may ambisyon kang pumasok sa pulitika. Anong tingin mo sa mga supporter ni BBM, mga bobo? Parang sinabi mong bobo sina Atty. Larry Gadon at Mayor Inday Sara dahil sumama sila kay BBM. Nitong…

Read More

PERWISYONG KALAKIP NG KAMPANYA

HINDI pa man sumasapit ang kinapapanabikang araw ng halalan, inuulan na ng reklamo ang mga nangangampanya. Mabigat na daloy ng mga sasakyan, nakatutulig na ingay at basurang naiwan pagkatapos magdaos ng political rallies, caravan at motorcade ng mga kandidato at kanilang tagasuporta. TRAPIK. Sa Quezon City, kabi-kabila ang pagtuligsa sa isang kandidato sa pagka-kongresista sa ikalimang distrito. Dangan naman kasi, sinakop ang buong kalsada mula umaga hanggang sa matapos ang kanilang programa sukdulang magmukhang dambuhalang parking area ang malawak na daang inilaan bilang daanan ng mga pampublikong sa­sak­­yan. Gayundin sa…

Read More

TALENTO NG PROBINSYANO

HINDI kalayuan sa kabisera ay ang kanlungan ng mga tunay na alagad ng sining. Kung husay lang ang pagbabatayan, malayo ang kanilang ­mararating – ‘yan ay kung mayroon sa kanila ay aagapay. Ang totoo, mayroon namang mga ahensyang nagsusulong ng sining – ang National Commission for Culture and The Arts (NCCA) at ang Cultural Center of the Philippines (CCP) na kapwa itinaguyod para isulong ang malawak na saklaw ng sining. Mga artista sa entablado, pintor, manlililok, manunulat, makata, musikero, kompositor, mang-aawit, mananayaw at maging ang mga kabataang rap artists. Ilan…

Read More

DOLE NAGLUNSAD NG MOBILE SERVICE PROGRAM SA SAUDI ARABIA

Aksyon OFW

MAGANDANG araw, mga ka-Saksi at mga kabayani! Naglunsad ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mobile service program sa Al Khobar at iba pang lugar sa Eastern Region ng Saudi Arabia dahil sa patuloy na paglago ng pangangailangan ng overseas Filipino workers doon. Sa launching ng programa, sinabi ni Labor Attaché Hector Cruz, Jr. ng Philippine Overseas Labor Office sa Al Khobar, pinayagan ng Saudi authorities ang operasyon ng POLO-on-wheels para sa serbisyong consular, welfare at documentary requirements ng mga Pinoy sa nasabing rehiyon. Magandang balita dahil mismong ang…

Read More

IMBESTIGASYON NG PNP SA KASO NI INFANTA MAYOR AMERICA, MABABALEWALA

POSIBLENG mauwi sa wala ang investigation report ng binuong Special Investigation Task Group (SITG) ng Philippine National Police (PNP) na naatasang mag-imbestiga upang resolbahin ang bigong pagpatay kay Infanta, Quezon Mayor Filipina Grace America noong February 27, 2022. Ito’y sa kadahilanang hindi na nakipagtulungan sa SITG si Mayor America at sa halip ay direkta na itong nagsampa ng sariling reklamo laban sa kanyang mga inaakusahan na nasa likod ng bigong pagpatay sa kanya. Sa kanyang reklamo, sinam­pahan niya ng kasong frustrated murder ang kanyang mga katunggali sa pulitika na sina…

Read More

KARAPATANG IPINAGKAIT, MANDATONG PINIPILIPIT

NANG binalangkas ang batas na nagtataguyod ng Commission on Elections (Comelec), malinaw ang nakasaad na mandato ng ahensya – tiyakin na ­tanging ang tinig ng mas nakararami ang mananaig sa tuwing may halalan. Tampok din sa mandato ng Comelec ang kapangyarihang kumastigo sa mga pulitikong barubal sa batas at mga probisyong nakapaloob sa Omnibus Election Code – mga mandaraya, bumibili ng boto, labis ang gastos sa kampanya, mapanindak, nanggigipit at nananakot sa mga botanteng Pilipino. Pero sa halip na tugunan ang mga banta sa halalan, tila napagdiskitahan pa ang isang…

Read More