LALONG lumalakas ang suporta ngayon ng mga tao kay Ako Bisaya Party-list Rep. Sonny Lagon. Ang dami kasing natutulungan ng mamang ito. Napakabait at walang pinipili kapag may lumalapit sa kanila para humingi ng tulong. Maraming isinusulong na panukalang batas ang party-list ni Lagon. Kabilang na nga riyan ang pagtataas ng cash gifts sa mga senior citizens. “Republic Act No. 10868, otherwise known as the Centenarians Act of 2016, embodies the Filipino’s trait of recognizing and honoring the Βvaluable contributions of elderly Filipinos to their families, communities and the society…
Read MoreCategory: OPINYON
WALASTIK KASI NGA PLASTIK
MALAYO sa kalibre ng kanyang ama ang isang reeleksyonista sa Senado. Bagama’t, kapwa sila kilala sa bansag na Plastic King, may salungat sa interpretasyon sa kani-kanilang katauhan. Ang matanda, kilala sa dedikasyon sa kanyang negosyong matiyagang itinaguyod at pinaunlad gamit ang husay at prinsipyo. Ang anak, bukod sa nakasandal lang sa amang bilyonaryo, hindi kainaman ang reputasyon bilang isang politiko. Bakit kamo? Kasi naman walang isang paninindigan. Ang sinamahang lupon biglang iniΒwanan. Ang totoo, hindi na bago ang plastik sa lipunan, pero ang batang Plastic King pinanindigan ang titulong minana…
Read MorePAMUMUHUNAN, UNANG HAKBANG SA MATATAG NA HEALTHCARE SYSTEM
WALANG nag-akala na ang COVID-19 ay magdudulot ng mas higit pang problema bukod sa kalusugan dahil nasaksihan natin ang pagsisikap ng bawat bansang naghikahos upang Βibangon ang kani-kanilang mga ekonomiya. Ang pagbagsak ng pandaigdigang ekonomiya β na bumaba sa 3.3 porsyento noong 2020 β ay nagdulot ng domino effect at nakaapekto sa maliliit na mga bansang katulad ng Pilipinas. Matatandaang noong 2020 na kasagsagan ng pandemya ay bumagsak sa 9.5 porsyento ang ekonomiya ng Pilipinas. Sa kabutihang palad, kaΒhit pa apektado rin ang napakaraming mga negosyo ay nanatiling bukas ang…
Read MoreBBM LILINISIN ANG BI
NANINIWALA ang karamihan sa mga empleyado ng Bureau of Immigration na kung sakaling palarin sa darating na May 9 national and local elections si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay pipiliin nito ang nararapat na mamumuno sa ahensya na mayroong malasakit sa mga empleyado, sa bansa at hindi pansariling bulsa lamang. Matatandaang sa kabila ng malalaking kontrobersya ng katiwalian na yumanig sa kasaysayan ng Bureau of Immigration sa pamumuno ni Commissioner Jaime Morente, ay naging matatag ito sa kanyang trono hanggang sa ilang buwan na lamang ay matatapos na…
Read MorePILIPINAS PARA SA MGA PILIPINO
ILANG buwan bago ang takdang petsa ng pagbaba sa pwesto, nangusap ang Pangulo. Aniya, kailangang tuparin ng gobyerno ang pangakong joint oil exploration sa karagatang sakop ng pinagtatalunang teritoryo sa gitna ng lumalalang krisis sa ating estado. Partikular niyang tinukoy ang proyektong ipinangako niya sa mga Tsino nang siya’y maupo bilang Pangulo sa isang bahurang mayaman sa langis na nakadeposito. Sa kanyang pahayag, marami ang diskumpiyado sa motibo ng Pangulong patapos na ang termino. Dangan naman kasi, tuluyan nang mawawala ang kontrol ng gobyerno sa likas-yamang mistulang kontrolado na ng…
Read MoreMAY PERA, AYAW LANG GASTUSIN
ISA sa natatandaan kong turo sa amin sa eskuwelahan ay hindi dapat Βmagtipid ang gobyerno pagdating sa serbisyo publiko para matulungan ang mga tao na umangat sa kanilang kalagayan. Kaya nakadidismayang malaman na may mga pondo ang gobyerno na hindi nagagamit ng mga ahensya para tulungan ang sektor na kanilang nasasakupan. Tulad na lamang nitong P4.99 billion na inilaan sa ilalim ng Bayanihan 2 na hindi pa nagagamit kahit nagsimulang umiral ang Bayanihan to Recover as One Act noong Setyembre 2020. Naglaan ang Kongreso ng P9.08 billion para ipaΒutang sa…
Read MoreCUSI INUTIL SA TAAS PRESYO NG PETROLYO?
AYAW sana maniwala ng PUNA na napapabayaan na ni Secretary Alfonso Cusi ang kanyang trabaho bilang kalihim ng Department of Energy (DOE), kaya lang mukhang wala siyang nagagawa sa paΒtuloy na pagsirit ng Βpresyo ng mga produktong Βpetrolyo sa bansa. Nitong nakaraang Linggo, nakita ng PUNA sa isang outlet ng Caltex sa Eastern Samar na sobrang mahal na ng kada litro ng mga produktong petrolyo. Base sa pagkakasunod-sunod, umabot na ng P69.50 ang kada litro ng kerosene/gaas, P73.25 sa diesel, P80.08 sa silver/unleaded, at P80.51 sa premium. Siyempre kasunod n’yan…
Read MoreNANGHIHINAYANG SA PAKINABANG
HINDI sapat ang salitang sukdulan para ilarawan ang kinasasadlakan ng mga pobreng mamamayan. Pagkatapos hambalusin ng pandemya, dinadagukan naman ng oil price hike na walang palya. Ang lahat umaaray, maliban sa mga nasa pwestong nakaririwasa ang pamumuhay. Bakit nga naman sila makikigulo kung ‘di naman nila ramdam ang epekto. ‘Yan mismo ang ipinamamalas ng Pangulo sa kanyang patuloy na pagdedma sa panawagang maglabas siya ng isang direktiba. Mandato ng isang pangulo ang protektahan ang interes ng mga Pilipino. Bilang punong ehekutibo, saklaw ng kanyang poder ang paglalabas ng isang executive…
Read MoreDROGANG BAHID NG KONGRESISTA
KONTING kembot pa, umpisa na ang legal na kampanya para sa lahat ng kandidatong puntirya ang pwestong gobernador, kongresista, alkalde at iba pang posisyon sa lokal na pamahalaan. Ang totoo, hindi ganun kahirap kumilatis ng mga aspirante sa lokal na posisyon lalo pa’t limitado ang saklaw ng teritoryong kalakip ng inaasintang pwesto. Hindi hamak na mas mabilis kumalat ang mga impormasyon kaugnay sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng lokal na opisyal. May sangkot sa katiwalian, Βpagiging babaero o kasapakat ng mga utak-sindikato. Sa madaling salita, alam agad ng mga nasasakupang residente…
Read More