LIGTAS NA PABAHAY

KUNG hindi pa sa lawak ng pinsalang dulot ng bagyong Odette, hindi pa marahil maiisip ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng batas na nagtatakda ng 40 metrong “easement” mula sa baybaying dagat. Ayon mismo sa Pangulo, pwersahan na nilang paaalisin ang mga pamilyang nawalan ng tahanan sa mga baybaying bahagi ng mga lalawigang sinalanta kamakailan ng hagupit ng delubyong kumitil ng hindi bababa sa 748 katao, bukod pa sa nawindang na ekonomiya, nawasak na mga tahanan at imprastraktura, pagbagsak ng mga linya ng kuryente, tubig at komunikasyon, at pinsala…

Read More

FILIPINO RESILIENCY

ISA sa mga hinahangaan ng ibang bansa sa Pinoy ay ang katatagan sa lahat ng pagsubok o ‘yung tinatawag sa ingles na “Filipino resiliency”. Walang pagsubok na hindi nalalagpasan, na hindi kailangan ang lahat ng tulong mula sa gobyerno dahil alam nila na limitado ang naibibigay ng pamahalaan sa panahon ng kanilang paghihirap. Kapag panahon ng ­kalamidad tulad ng naranasan ng mga kababayan natin sa Visayas at Mindanao dahil sa bagyong Odette, nandyan ­naman ang ­gobyerno… ­medyo mabagal na nga lang… sa pagbibigay ng ayuda. Pero may limitasyon ang tulong…

Read More

BENTAHE NG ISANG KAALYADO

WALANG bahid alinlangan, daig ng kapitalistang si Dennis Uy ang bagsik ng bagyong Odette na ­sumalanta sa maraming lalawigan kamakailan. Kung lakas din lang ang pag-uusapan, si Uy na marahil ang number one. Bukod sa yamang kanyang tinamasa sa mga kabi-kabilang negosyong naipunla, pati asunto sa husgado, matik – burado. Katunayan, tuluyan nang ibinasura ang kasong smuggling na isinampa ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Customs (BOC) laban sa kilalang kaalyado at kaibigan ng Pangulo. Sa 36-pahinang ­desisyon, tuluyan nang nakalusot ang negosyanteng si Dennis Uy kaugnay ng…

Read More

MASAMANG DULOT NG HATERS

VIRAL ngayon sa social media ang isang pari sa kanyang magandang mensahe sa kanyang misa. Naging sentro ng kanyang misa ay kaugnay sa haters o kaaway natin. Ang mensaheng ito ni Fr. Jowel Jomarsus Gatus ay tugma sa nangyayari ngayong panahon ng eleksyon sa bansa. Ayon sa kanya, ang haters ay nagdudulot ng karamdaman at pagkaparalisa sa tao kung ito ay bibigyan natin ng pansin. Kahit anong gawin nating mabuti sa haters ay balewala sa kanila dahil sarado ang kanilang isip. Kaya sabi ni Fr. Gatus, mas makabubuti na mag-focus…

Read More

MAS MAHABANG PERWISYO

MAKARAAN ang halos dalawang linggo, nananatiling problema sa mga lalawigang hinagupit ng bagyong Odette ang kawalan ng tubig at kuryente. Bagama’t may mga pagsasaayos nang isinasagawa sa ilang lalawigan, mukhang magtatagal pa ang perwisyo sa mamamayang sinalanta ng delubyo – bagay na tila tanggap ng mga residenteng pinili na lamang manawagan ng donasyong generator sets kesa hintayin ang pagtugon ng gobyerno. Ayon mismo sa Armed Forces of the Philippines (AFP), kakapiraso pa lamang sa kabuuang tinamaan ng perwisyo ang nakikitaan ng liwanag. Kabilang sa mga lalawigang problemado ang Bohol kung…

Read More

PAGTULONG SA ODETTE VICTIMS, TINOTODO NA NG PITMASTER

TINOTODO na ng Pitmaster Foundation ang pagtulong sa mga apektado ng kalamidad sa iba’t ibang panig ng bansa. Sinasabing dahil pahirapan ang paghatid ng tulong sa mga biktima ng bagyong Odette sa Mindanao at Visayas Region, minabuti ng Pitmaster na makipag-ugnayan sa Philippine Marines 72nd Marangal Battalion. Sa ganitong paraan nga naman, mabilis na maihahatid ang mga kinakailangang ayuda sa mga biktima. Sa isang panayam, sinabi ni Pitmaster Foundation ­Executive Director Caroline Cruz na personal nilang sinilip ang mga dinaanan ni Odette at marami talagang mga kalsada ang sira o…

Read More

DASAL SA MGA BIKTIMA NI ODETTE

RAMDAM natin ang pinagdadaanang pagsubok ng mga biktima ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao dahil wala siguro sa atin, maliban sa taga-Metro Manila, ang nakaranas ng matinding hagupit ng bagyo. Sa Cagayan Valley na probinsya namin, maraming malalakas na bagyo ang sumubok sa amin tulad ng bagyong Lawin noong Oktubre 2016; Ompong noong 2018 at Ulys­ses noong November 2020. Maliban sa Ulysses na nagpalubog sa halos buong lalawigan ng Cagayan, ang Lawin at Ompong ang pinaka­mapaminsala na talagang ininda ng Cagayanos dahil hindi lamang ang kanilang ari-arian ang nasira…

Read More

SUGALAN SA VIKING PERYA, MENOR DE EDAD ANG PARUKYANO?

TILA walang pakialam ang may-ari ng peryahan ng Viking na matatagpuan sa tabi ng Caloocan City Complex sa Brgy. 171 Bagumbong, sa mga menor de edad na nagsusugal sa kanila ng tinatawag na “color game”. Sinasamantala ng may-ari nito ang kasabikan ng mga bata na matagal na hindi nakalabas sa loob ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic. Ngayon dahil muli na namang nagluwag ang gobyerno sa kanilang ipinatutupad na quarantine protocols matapos humupa na nang paunti-unti ang mga nahahawaan ng veerus, ay muli namang namamayagpag ang mga sugal sa…

Read More

BALIK-SINDIKATO

WALANG masama sa paalala ng ibayong pag-iingat sa gitna ng panibagong banta ng mutated virus strain, bagay na ginawa naman ng punong tagapagpaganap ng pamahalaan. Ang masama ay ang kalakip na rekomendasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pwersahang pagpapatupad ng muling paggamit ng face shields na tila pahiwatig nang muling pamamayagpag ng mga tiwali at kasapakat na sindikato sa likod ng kartel na nagsusuplay ng medical logistics sa pamahalaan. Ayon sa Pangulo, dagdag proteksyon ang paggamit ng face shields sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19. Malaki rin…

Read More