HINDI rin sang-ayon ang PUNA sa panukala ng ibang opisyal ng gobyerno na magkaroon na ng face to face classes. Sang-ayon tayo sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ay mayroon munang bakuna bago ang face to face na pagpasok ng mga bata sa eskwela. Mahirap na baka sa halip na makabuti ay makasama pa at biglang dumami ang may Covid-19. Lalo na ngayon na may UK variant na tinatawag. Madali pa man din itong makapanghawa. Mas nakakasiguro tayo na ligtas ang ating mga anak kung magkaroon muna ng…
Read MoreCategory: OPINYON
HINDI MATAPUS-TAPOS ANG KORAPSYON SA BI
MAHIGIT isang taon na lang matatapos na ang panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Magwawakas na rin ang pagiging komisyoner ni Jaime Morante sa Bureau of Immigration (BI) dahil sabay sina Duterte at Morente na aalis mula sa kani-kanilang puwesto sa Hunyo 30, 2022. Si Morente ay retiradong heneral mula sa Philippine National Police (PNP) kung saan nanilbihan siya sa Davao. Kaya, masasabing ‘bata’ siya ni Duterte. Pinagkakatiwalaan siya ni Duterte. Katunayan, ipinuwesto ni Duterte si Morente sa BI upang lutasin ang suliranin hinggil sa talamak na katiwalian at korapsyon…
Read MoreINTERNET SPEED SA PINAS MAY PAG-ASA PA
ISANG magandang development ang ating nabalitaan na bumibilis na raw ang internet connection sa bansa. Bagay na positibong balita sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa ngayon kasi, negatibo ang naririnig at nababasa natin patungkol sa kaniyang administrasyon. Una na dito ay yung walang katiyakan kung kailan ba ang rollout ng bakuna sa covid-19. Napag-iwanan na tayo ng iba at ang masaklap ay mukhang wala pang kasiguruhan kung kailan ba ito tuluyang darating sa bansa. Bukod diyan ay mataas pa rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin habang namamalagi ang…
Read MoreTRABAHONG KALABAW NA NGA, GINUGUTOM PA
NATANGGAP ko ang liham ukol sa paghingi ng saklolo ng isang OFW na nagngangalang Noraisa Adal Pinguiam na sa kasalukuyan ay nasa Makkah, Saudi Arabia. Siya ay nakarating sa nasabing bansa sa pamamagitan ng Adnan Manpower Agency noong August 10, 2019. Pilit niya raw tinitiis ang kanyang pinagdaraanang hirap sa kanyang amo. Pilit din niyang pinagbuti ang kanyang trabaho at talagang nagpakitang gilas siya sa kasipagan dahil umaasa siya na baka magbago ang pagtrato sa kanya ng kanyang employer. Pero sa mahigit na isang taon nang kaniyang pagtitiis ay imbes…
Read MoreAlamat Ni Manny Pacquiao (Ika 8 Bahagi) MAS MASAKIT NA PAGKATALO KAY BRADLEY
WALONG taon makaraang mabigong mahubaran ng korona si Juan Manuel Marquez sa kanilang una sa apat na pagtutuos, napagkaitan na naman ng panalo ang idolo ng mga Pilipinong si Manny Pacquiao nang siya ay mapatalsik bilang kampeon ng WBO welterweight, muli dahil sa maling hatol ng mga huwes. Noong tablahan siya ni Marquez sa una nilang sagupaan, mas higit ang pagkabigla ni Pacquiao at libo-libong nasa loob ng MGM Grand Arena sa Las Vegas at milyon pang nanood sa telebisyon nang ang kamay ng Amerikanong si Timothy Bradley ang itinaas…
Read MoreBAON SA UTANG
KAPAG ang isang pamllya ay baon sa utang, ang kasunod nun ay paghihirap dahil tiyak na iilitin ng bangko na kanilang pinagkakautangan ang kanilang mga ari-arian para sila makabayad kahit konti. Kaya kinakabahan ako sa pagkakabaon natin sa utang dahil tinatayang aabot sa mahigit P13.7 Trillion ang iiwanang utang ng Duterte administration na sasaluhin ng sinumang mananalong Pangulo sa 2022. Ngayong taon ay tinatayang aabot sa P11.98 Trillion ang utang ng Pilipinas at magiging P13.7 Trillion sa 2022 kaya kung may 110 Million ang populasyon ng Pilipinas, nangangahulugan na ang…
Read MorePINAKAMATATAG NA TAO SA MUNDO AY PILIPINO
BAGAMAT nasa 62% daw ng mga Pinoy ang naghirap dahil sa pandemyang dulot ng Covid-19 sa buong mundo, nananatili pa ring matibay ang paniniwala ng marami na lilipas din ang matinding pagsubok na ito sa ating buhay. Sa resulta ng survey ng Social Weather Station o SWS, halos 70% daw kasi na mga Pilipino ang may paniniwala na malalagpasan natin ang kahirapang dulot ng Covid-19. Sa nabanggit din na survey na isinagawa kamakailan, pito sa sampung mga Pilipino ang naniniwalang tapos na ang pinakamalalang yugto na naranasan na krisis dulot…
Read MorePAANO BA TALAGA NAGKAKAROON NG COVID-19 ANG ISANG TAO?
MALAPIT nang mag-isang taon mula nang maging pangunahing suliranin ng pamahalaan at ng mamamayang Filipino ang coronavirus disease 2019 (COVID-19). Kaya, malapit na rin ang isang taong anibersaryo ng community quarantine (CQ) sa Pilipinas. Nagsimula sa enhanced community quarantine (ECQ), naging general community quarantine (GCQ) hanggang nanganak pa ng dalawang kategorya ng CQ. Pokaragat na ‘yan! Sa kasalukuyan, pangunahing paksa ang pagsasailalim ng buong bansa sa modified GCQ, kabilang na ang National Capital Region (NCR) na kabisera ng Pilipinas, sa nakaiskedyul sa Marso 1. Ipinarating na ng National Economic and…
Read MoreHUMAN TRAFFICKING SA MACTAN AIRPORT, PATULOY?
MULING nabulabog ang Bureau of Immigration main office sa Intramuros, Manila noong nakaraang linggo makaraang isang liaison officer ng law firm ang inaresto ng mga ahente ng NBI. Nakuha sa kanya ang marked money na nagkakahalaga ng P900K at ilang bulto ng passports ng Chinese nationals sa loob ng tanggapan ng isang Atty. Maminta. Ngunit iginiit ng opisyal na hindi niya kilala ito at wala siya noon sa kanyang tanggapan nang mangyari ang entrapment operation. Agad naman itong pinaimbestigahan ng magaling na BI Admin Chief na si Mary Ann Caranto…
Read More