INYONG KINATAWAN, INYONG BOSES AT UTUSAN

BILANG kinatawan ng mga OFW landbased sector sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, tungkulin ko na alamin mula sa mga OFW ang kanilang mga mungkahi, hinaing at iba pa na gusto nilang iparating sa pamunuan ng OWWA Board. Sa madaling salita, ako ang inyong boses at utusan. Simula nang ako ay maitalaga ng ating mahal na ­Pangulong ­Rodrigo Roa Duterte ay ­nakagawian ko na ang laging ­makipagkita o makipagpulong sa iba’t ibang grupo ng mga OFW at kanilang pamilya upang ­magsangguni o hingin mula sa kanila ang kanilang mungkahi…

Read More

PAGPAPADALI NG PROSESO PARA SA MGA NEGOSYO, PINAIGTING NG PAMAHALAAN

KAMAKAILAN ay naisabatas ang Republic Act 11571. Layunin ng nasabing batas ang pagpapabilis sa pagbibigay ng mga permit, lisensya, at sertipikasyon sa panahon ng emerhensiya gaya ng pandemyang COVID-19. Sa ilalim nito ay binibigyan si Pangulong Duterte ng ­kapangyarihang pabilisin ang proseso sa pamamagitan ng pagtanggal o pansamantalang pagsuspinde ng mga nabanggit na dokumento. Ang kinaganda ng nasabing batas ay nasasaklaw nito ang lahat ng industriya. Wala itong pinapaboran. Ito ay may kaugnayan sa Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act,…

Read More

HINDI RAMDAM ANG TULONG NG DA BACKYARD RAISER

NAKAGISNAN ko sa ­aming pamilya ang pagiging backyard hog raiser sa ­probinsya dahil malawak ang paligid at hindi siksikan ang mga tao tulad dito sa Metro Manila na dikit-dikit ang bahay. Noong mga bata pa kami, tuwing umaga ang assignment ko ay magtadtad ng gulay para ipakain sa mga alagang baboy na pangsuporta sa pagkain nilang darak mula sa ipinagiling na palay o kaya mais. Wala akong ideya kung kumikita ba ang mga magulang ko sa pag-aalaga ng baboy noon pero mukha naman dahil ayaw nilang tumigil sa pag-aalaga ng…

Read More

ANTI-RABIES ACT OF 2007 (R.A NO. 9482) NABABALEWALA

SA kabila ng mabigat na kaparusahan at malaking multa na nakapaloob sa Anti-Rabies Act of 2007 (Republic Act No.9482) ay mistulang hindi pinapansin ito ng mga may-ari ng mga aso. Bakit natin nasabi yan? Kasi hanggang sa ngayon ay marami pa ring mga aso na pagala-gala sa mga ­lansangan. Ito yung mga sinasabing AsKal o Asong Kalye. Mapanganib ang mga asong ito dahil ang rabies ng mga ito ay nakabubuwang at nakamamatay. Bukod sa kagat ng mga ito ay may dala ring sakit ang dumi ng mga ito. Base sa…

Read More

Olympic gold medal posibleng masungkit ni EJ Obiena – PATAFA

KUNG ang boksing ay mayroong Eumir Marcial na may pinakamataas na pagasa para mabigyan ang bansa ng Olympic medal sa darating na XXXIII Games sa Hulyo hanggang Agosto, pwedeng ­idagdag si pole vaulter Ernest John ­Obiena sa listahan ng mga posibleng makapaguwi ng ­inaasam na ginto mula sa Tokyo. Katunayan, kung paniniwalaan si Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico, hindi lamang basta Olympic medal ang kayang bitbitin ng 25-anyos na si Obiena sa pagbabalik niya sa Pilipinas mula Tokyo. “Kahit ang halos 100 taon nating…

Read More

OFW NA TAPOS NA KONTRATA AT MAY KARAMDAMAN AYAW PA RIN PAUWIIN

DUMULOG sa AKOOFW ang ating kabayani na si OFW Cielo Sabando upang humingi ng tulong na siya ay masaklolohan. Kasalukuyan na siya ay nasa Riyadh, Saudi Arabia at nakarating sa naturang bansa sa pamamagitan ng Hopewell Overseas Manpower Network, Inc. Sa kanyang mensahe na ipinarating sa akin ay sinabi niya na siya raw humihingi ng tulong sa kadahilanan na ang kanyang operasyon sa bituka ay muli na namang sumasakit at wala raw siyang kakayahan na magtungo sa doctor para magpagamot. Kasalukuyan na siya ay nasa loob mismo ng POLO Shelter…

Read More

ISAILALIM ANG BANSA SA MGCQ

PABOR ako sa kahilingan ng National Economic and Development ­Authority (NEDA) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay na ang buong bansa sa modified ­general community quarantine (MGCQ) simula sa Marso 1. Ang katwiran ng NEDA ay kailangang paluwagin na ang umiiral na GCQ upang sumulong at makabawi ang ekonomiya. Ganito rin ang posisyon ni Presidential Consultant for ­Entrepreneurship Joey Concepcion dahil kumbinsido siyang higit na mahihirapang makabangon ang ekonomiya ng bansa kung mananatili sa GCQ ang limitasyong ideneklara ni Duterte ilang buwan na ang nakalipas hanggang kasalukuyan. Naniniwala ako kina…

Read More

BUKSAN NA KUNG BUKSAN

BUKSAN na kung buksan ang ekonomiya. Huwag ng magpatumpik-tumpik pa dahil baka mamatay naman sa gutom ang mga tao dahil wala ng makain at kung may pagkain mang mabibili ay napakamahal naman at hindi kaya ng mga ordinaryong mamamayan. Inaamin na ng gobyerno na matindi na ang problema ng bansa at kailangang ibalanse ang isyu sa kalusugan at ekonomiya dahil kung isang isyu lang ang pagtutuunan ng pansin baka sa kangkungan na tayo pupulutin sa dulo ng tunnel. Mag-iisang taon na tayong nakatutok sa covid-19 pandemic dahil hindi ginawa ng…

Read More

MARCOS-GO NA SA 2022 PRESIDENTIAL ELECTION?

MAY mga umugong sa social media kamakailan na pwedeng magtandem sina dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. o si BBM kung tawagin ng malalapit niyang kaibigan at si Senador Christopher “Bong” Go sa 2022 Presidential Elections. Umugong ang isyung ito nang magtungo si Sen. Go sa Ilocos Norte upang buksan ang kaniyag Malasakit Center sa nasabing lalawigan. Ayon sa mga Netizens, malakas ang tandem ng dalawa kung hindi tutuloy sa pagtakbo si Presidential daughter Inday Sara Duterte. Matatandaan na kamakailan ay may lumabas na resulta ng survey na nangunguna sa…

Read More