Mayamang tradisyon ng Pilipinas sa volleyball

NOONG unang panahon, may isang isport dito sa bansa na kung tawagin ay volleyball. Minahal ito ng mga Pilipino at katunayan, noong una nating malasap na lumahok sa kompetisyong internasyonal, agad namayagpag ang ating mga kababayan na dinomina ang isport laban sa hamon ng mga bansang China at Japan, na noon pa man ay sports power na sa Asya at maging sa mundo. Unang natikman ng mga atletang Pilipino ang tamis na makipagtunggali laban sa mga kapwa nila Asyano sa unang edisyon ng Far Eastern Games, na tinulungan ng kanilang…

Read More

KAPWA OFW ANG NANG-AABUSO

MALIMIT tayong makabalita na may ilang mga OFW kapag nakakarating sa ibang bansa ay pilit nating hinahanap ang ating mga kababayan o kamag-anak. Kapag nakarating na sa bansang pagtatrabahuhan ang isang bagong OFW, lagi silang nagtatanong sa mga dinadatnan na kapuwa OFWs kung taga saang lugar ba sila nakatira at kung matiyempo na ito ay sa kaparehong bayan o lalawigan, halos hinahanapan nila ito ng pagkakaugnay sa kanilang angkan dahil baka ang kaniyang nakausap ay malayo pala niyang kamag-anak. Ginagawa nila ito upang magkaroon ng kakampi o makakausap sa oras…

Read More

KASANGGA NG PAMAHALAAN PARA SA KONSYUMER

KAISA ng Meralco ang pamahalaan, at ang buong bansa sa laban sa pandemyang COVID-19. Mula pa nang nagsimula ang pandemyang ­COVID-19 noong Marso 2020 ay siniguro ng ­Meralco na magpapatuloy ito sa pagbibigay ng mahusay at maaasahang serbisyo ng kuryente sa mga customer. Sa kabila ng aming mga ginagawa at mga inisyatiba upang masiguro ang patuloy na pagbibigay serbisyo sa aming mga customer, hindi maiiwasang mayroon pa ring mga batikos na ­ibinabato sa kumpanya. Sa isang liham na ipinadala ng aming Chief Commercial Officer and Head of Customer Retail Services…

Read More

NAPURNADANG NEGOSYO

MABUTI naman at ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa implementasyon ng child car seat at ang mandatory Motor Vehicle Inspection System (MVIS) na isinapribado ng Land Transportation Office (LTO). Mantakin mo, P22 billion ang kikitain ng mga pinagpalang grupo o indibiduwal na binigyan ng accredidation ng LTO para sumuri sa mga sasakyan kung depektibo o hindi bago mairehistro. Ang bilang ng mga rehistradong sasakyan sa Pilipinas ay umaabot sa mahigit 12,700,000 na kailangang dumaan sa pribadong Motor Vehicle Inspection Center (MVIC) bago mairehistro at magbabayad ng P1,800. Lolobo…

Read More

EDUKASYON SA PINAS PARA NGA BA SA LAHAT O SA IILAN LANG?

ITO ang katanungan ng mga magulang ngayon. Bakit daw may binabayaran pa ang mga estudyante ngayon mula elementarya, high school at maging sa kolehiyo? Ito ay sa kabila ng deklarasyon ng gobyerno na libre o free tuition na ngayon. Bago maapruban ang tinatawag na K-12 sa bansa ay matindi ang advertisement ng gobyerno noon (Aquino Admin) na sagot daw ng pamahalaan ang gastusin ng mga mag-aaral sa senior high school kahit na sa pribadong eskuwelahan sila pumasok. Pero bakit ngayon may binabayaran na parang tuition na rin? Pinadama nga lang…

Read More

PINALAKAS AT PINATAPANG ANG AMLA

MARAMI-RAMI na ring naipasang batas ang Ika-18 Kongreso. Kaya, hindi nakaiinis ang mga senador at kongresista kahit mayroong ilan sa kanila ang ikinabubuwisit ng mamamayang Filipino dahil sagad-saring taliwas sa interes at karaingan ng mamamayan ang kanilang isinusulong at ipinaglalaban sa dalawang kapulungan ng Kongreso. Isa sa mga ipinasa ng ­Kongreso ay ang inamiyendahang Anti-Money Laundering Act (AMLA). Ayon sa ilang senador, malakas at matapang ngayon ang AMLA. Malalaman natin sa mga susunod na araw, linggo, buwan at taon kung totoo ito. Ang layunin ng AMLA ay upang maparusahan ang…

Read More

HOTEL, PINAPATAGAL ANG QUARANTINE?

NAGSASAMANTALA nga ba ang mga hotels na ginagamit na quarantine facilities para sa mga paying ­customers? Ang mga OFWs ay libre ang bayad ng hotel maging ang kanilang pagkain at transportasyon pauwi sa kani-kanilang probinsiya. Kung dati-rati ay paglabas pa lamang ng eroplano ay kukunan na ang mga pasahero ng kanilang swabtest, sa bagong patakaran ng IATF ay ihahatid na muna sa mga hotel ang mga pasahero at makalipas ng 6 na araw ay saka pa lamang magsasagawa ng swab test. Ito ay dahil sa report mula sa WHO na…

Read More

AYAW KONG MANAKOT PERO…

BUKOD sa pandemyang kinakaharap natin dahil sa covid-19 na hindi pinigilan ng gobyerno na makapasok sa ating bansa dahil ayaw nilang saktan ang damdamin ng China, meron pa tayong problema na hindi na napapansin… ang sunod sunod na lindol. Nakakabahala ang mga may kalakasang lindol na malimit na nangyayari ngayon sa ating bansa, hindi lamang sa Davao region kundi sa iba’t ibang parte ng ating kapuluan. Bagama’t regular na raw ang paggalaw ng lupa araw-araw pero hindi natin nararamdaman, ay maraming natatakot, kasama na ako sa mga sunod-sunod na lindol…

Read More

PORK HOLIDAY NANGYARI NA!

NAGKATOTOO na ang banta  ng mga manininda ng karne na hindi sila magtitinda ng manok at baboy pag ipinagpilitan ng gobyerno ang kanilang ceiling price sa nasabing mga pagkain. Noong isang araw ay nagkaroon ng Pork Holiday o walang nagtinda ng mga baboy at manok sa karamihan mga palengke sa Metro Manila maging sa lugar namin ay walang nabiling baboy ang aking maybahay kamakalawa. Kaya ayon imbes na sahugan ng baboy o magluluto sana kami ng sinigang na baboy ay bumili na lang siya ng maliliit na isda at ginawang…

Read More