MALIGAYANG Pasko at manigong Bagong Taon sa lahat! Kahapon, isang araw matapos ang araw ng Pasko, ay Kapistahan ng Banal na Pamilya. Araw ng paggunita kung paano si San Jose, ang Mahal na Birheng Maria at ating kapatid na si Jesukristo ay tinuruan tayo kung paano ang kaugnayan ng pamilya sa buhay ng sangkatauhan. May kasabihang “Home is where our heart is.” Sa tahanan naroon ang ating puso. Sa tahanan, pagkapanganak sa atin, una nating natutuhan ang mga salitang Daddy, Mommy, Tatay, Inay, Kuya at Ate. Indeed, there’s no place…
Read MoreCategory: OPINYON
BAGONG TAON, BAGONG PAG-ASA
HALOS pare-pareho ang kahilingan ng bawat Pilipino ng matapos na ang nararanasang krisis ng buong mundo. Buong taon nang 2020 ay sadyang nasadlak sa hirap ang nakararaming mga Pilipino. Marami ang may mga kamag-anak na namatayan ng dahil sa COVID-19 virus. Marami rin ang nasawi sanhi ng ibang karamdaman ngunit hindi nakapag-pagamot ng dahil sa pandemya. Sangkaterbang kumpanya at pabrika ang nagsara o huminto ang operasyon dahil sa pagbulusok ng merkado. Kung kaya napakaraming mamamayan din ang nawalan ng trabaho. Hindi nakaligtas sa krisis na ito ang napaka raming mga…
Read MoreISPORTS, KASIYAHAN NG MGA PILIPINO SA PANAHON NG PANDEMYA
NANG dumating ang COVID-19 sa ating bansa, pansamantalang huminto ang takbo ng lahat. Lahat ay nangapa kung paano magpapatuloy sa buhay sa kabila ng pandemya. Ang ating kagustuhang makaiwas sa virus at mapigilan ang pagkalat nito ang naging sanhi ng pagkakaroon ng tinatawag na ‘new normal’. Hindi lamang sa pinansyal na aspeto ng buhay naapektuhan ang karamihan sa atin kundi pati na rin sikolohikal. Napakalaking tulong ng isports sa pagpapanatili ng katinuan ng marami sa atin. Ang muling panunumbalik ng mga torneyo na maaaring subaybayan ng mga tagahanga nito ay…
Read MoreTULOY NA TULOY PA RIN ANG PASKO
SADYANG hindi maganda ang pasok ng taong 2020 sa ating bansa. Halos lahat na yata ng unos ay naranasan natin. Kabilang na rito ang pagputok ng bulkan Taal, COVID 19 pandemic, lindol at ang sunod sunod na bagyo na nagpalubog sa maraming lalawigan sa Bicol Region at sa Cagayan Valley. Halos bawat pamilya na aking kakilala ay naapektuhan at ang iba pa nga ay namatayan ng kani-kanilang kamag-anak. Katulad na lamang sa aming pamilya ay may pumanaw din dahil sa COVID 19 ang aking nakatatandang kapatid na si Barangay Pio…
Read MoreLADY MUSLIM JUDGE NAPILI BILANG ISA SA TATLONG BAGONG MAHISTRADO NG CA
MISTULANG nabigyan ng pamasko ng Malakanyang ang kauna-unahang babaeng Muslim Judge mula sa Iligan City Regional Trial Court nang ito ay maitalaga bilang mahistrado ng Court of Appeals. Sa isang pahinang transmittal letter mula sa Malakanyang na naka-address sa Office of the Chief Justice (OCJ) ng Korte Suprema na pirmado ni Pangulong Mayor Rodrigo Roa Duterte kung saan nakasaad ang pagtatalaga kay Iligan City RTC Judge Anisah Amanodin-Umpa bilang mahistrado ng CA. Si Judge Umpa ay naging hukom sa Iligan City simula pa noong taong 2001 bilang MTC Judge sa…
Read MoreANG LUPIT MO 2020
SIYAM na araw na lang magpapaalam na ang taong 2020. Lahat tayo ay nagsasabi na “ang lupit mo 2020” dahil buong taon tayong nagdusa dahil sa covid-19 pandemic na hindi pa alam kung kailan matatapos kahit meron nang bakuna. Simula noong ikatlong linggo ng Marso 2020, nagdusa na tayo at patuloy tayong nagdudusa dahil limitado pa rin ang galaw ng mga tao hanggang ngayon. At kahit pa siguro magkaroon ng bakuna sa ating bansa sa lalong madaling panahon ay hindi pa rin magbabago ang ating sitwasyon dahil hindi naman lahat…
Read MoreWALANG AWANG PAGPATAY NG PULIS SA MAG-INA SA TARLAC
MULI na namang nabalot ng kontrobersya ang buong pambansang pulisya dahil sa pamamaril ng isa nilang kasama sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac. Viral ngayon ang video ng ginawang pamamaril ni PSMS Jonel Nuezca y Montales, 46-anyos, residente ng Purok 2, Brgy. Cabayaoasan, Paniqui, Tarlac, at nakatalaga sa Paranaque City Police Crime Laboratory sa walang kalaban-laban na mag-ina. Kitang-kitang sa video na kahit may mga nakaharap na tao ay walang habas na pinagbabaril ni Nuezca ang mga biktimang sina Sonya Gregorio y Rufino, 52-anyos, may-asawa at anak nitong si Frank…
Read MoreMATINDING LABAN SA 2021
ASAHAN nating lahat na napakaraming magaganap sa ating bansa sa 2021. Tiyak, maraming magsusulputang pangyayari at senaryong gagawin ang mga opisyal ng pamahalaan, lalo na si Pangulong Rodrigo Duterte, at mga politiko. Syempre, hindi pahuhuli ang mga politikong tatakbo sa halalang 2022, lalo na ang gustong pumalit kay Duterte. Sa huling kwarter sa susunod na taon hanggang unang kwarter ng 2022 ay maghahain ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) ang napakaraming politiko. Tulad ng mga nangyari sa mga nakalipas na taon, siguradong magpapapogi at magyayabang na sa publiko ang mga…
Read MoreWALANG HINTONG PAGTUTULUNGAN HANGGANG SA PAGTATAPOS NG 2020
SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA ILANG lingo na lang ang nalalabi bago tayo tuluyang magpaalam sa taong 2020. Ang taong 2020 na siguro ang maituturing na pinakamahirap na taon sa buhay nating lahat dahil sa tindi ng mga hamon na dala nito hindi lamang para sa ating bansa, kundi pati sa buong mundo. Bukod sa epekto ng pandemyang COVID-19 ay hinarap din ng mga Pilipino ang epekto ng mga kalamidad ngayong taon gaya ng pagputok ng bulkan, paglindol, at pananalanta ng malalakas na bagyo. Sa kabila ng mga pinagdaanan ng…
Read More