BAKIT ba ang ilang Senador at kampo ni Vice President Leni Robredo ay mainit sa pagpapaturok ng smuggled COVID-19 vaccine ng PSG?? DIBA dapat maging masaya na lang sila sa katapangang ipinamalas ng Presidential Security Group (PSG) na handang sumalo ng kahit ano basta masiguro lang ang kaligtasan ng kanilang binabantayang Pangulo ng bansa. Hindi ko talaga maintindihan ang motibo ng pag-iingay ng ilang senador at ni VP Robredo kaugnay sa napaulat na pagbabakuna ng PSG. “NAMUMULITIKA NA BA SILA??” Paalala lang! Malayo-layo pa po ang eleksyon, ni hindi pa…
Read MoreCategory: OPINYON
SMBeer coach Leo Austria: ‘Babangon kami!’
SPORTS FEATURE Ni EDDIE ALINEA NAGKAROON ng reputasyon ang San Miguel Beermen na nakababalik sa tuwing sila’y malulugmok sa pagkatalo mula pa noong 45 taon na ang nakalilipas, nang sumama ang koponan sa walong prangkisang humiwalay sa ranggo ng amatyur at nagtayo ng PBA, ang kauna-unahang liga propesyonal sa bansa at sa Asya. Ito ang pagkilalang inaasahan ni coach Leo Austria na magdadala sa Beermen para muling makabangon sa pagkawala nila sa trono ng PBA Philippine Cup na limang taon nilang tinamasa mula noong 2014. Ang Beermen, sa katunayan ay…
Read MorePAHIRAP NA PASALUBONG NG SSS, PHILHEALTH
IMBES na ginhawa ang isalubong sa atin ng gobyerno lalo na ang Social Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ngayong 2021 ay pahirap. Parang nagpapakamanhid ang mga ahensyang ito sa kalagayan ngayon ng sambayanang Filipino dahil sa COVID-19 pandemic na hindi nila nakontrol dahil sa takot nilang masaktan ang China. Alam nila na naghihirap pa ang mga tao dahil sa pandemya mula noong Marso 2020 at hanggang ngayon pero ang isasalubong sa ating lahat ngayong taon ay dagdag ng kontribusyon. Nabawasan ng 50% ang income ng mga…
Read MoreBAGONG TAON, BAGONG PAGKAKATAON
BACK to work na naman tayong mga Pinoy ngayong Bagong Taon (2021) mula sa mahabang pahinga nitong nakalipas na holiday season. Ika nga ‘Bagong Taon, Bagong Pagkakataon’ para sa ating lahat ang pagpapasok ng 2021. Para sa mga naniniwala sa Chinese Horoscope ang 2021 ay Year of the Metal Ox. Ang taong ito raw ay lucky at perfect para sa mga nag-iibigan maging magkasintahan o kahit pa mismo sa mga mag-asawa na. Ibig sabihin nito maiiwasan ang sinasabing hiwalay ang puti sa dekolor na mga magkasintahan at mag-asawa dahil magiging…
Read MoreNARARAPAT IPATIGIL NI DUTERTE ANG DAGDAG – HULOG SA SSS AT PHILHEALTH
HINDI dapat pagtalunan ang ligalidad ng pagtaas sa buwanang hulog sa Social Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng mga kasapi ng dalawang ahensiyang ito dahil parehong nakabatay sa batas ang nasabing umento. Ang isang porsiyentong umento (magiging 13 porsiyento ang primyum (4.5% hulog ng manggagawa at 8.5% hulog ng negosyante) mula sa umiiral na 12% (4% hulog ng manggagawa at 8% (ng negosyante) ay nakasaad sa Republic Act 11199, samantalang ang pagtaas naman sa buwanang bayad sa PhilHealth na tatlong porsisyentong primyum mula sa umiiral na…
Read MoreLA Tenorio: Tenyente na, Iron Man pa!
UNANG dapat malaman tungkol kay LA Tenorio ay kung talaga bang may nilalang na tulad niya. Nilikha si ‘Tenyente’ ng Panginoon na may taas na 5-talampakan at 9 na pulgada, tumitimbang ng 152 libra, may limang daliri sa bawat kamay, ganoon din sa bawat paa at may kaayaayang ngiti. Mortal at pinagkalooban ng sapat na metal na kailangan ng katawan gaya nating lahat bagamat nakahihigit siya ng bahagya sa atin. Kapag nabanggit ang pangalang Tenyente LA Tenorio, marami ang inaasahang dapat mangyari, ayon sa maraming miyembro ng komunidad ng basketbol.…
Read MoreSULIT NA BAYAD SA ABOGADONG TAGAPAGTANGGOL NG PILIPINONG MINALTRATO SA KUWAIT
MATINDI ang dagok na naganap sa taong 2020. Kabilang na rito ang pandemya na nagpabagsak ng maraming negosyo at pagkawala ng trabaho ng maraming mamayan sa buong mundo lalo na ng mga OFW. Maaga pa nga lamang ay naghahanda na ang mga Filipino para sa pagpasok ng bagong taong 2021 dahil umaasa sila na sa pagpasok nito ay malamang na may bago ng pag-asa na maasahan katulad ng pagdating ng bakuna para sa Anti COVID-19. Pero bago pa man matapos ang taong 2020, ay biglang umeksena ang magandang balita na…
Read MoreKAHILINGAN PARA SA BAYAN NGAYONG 2021
NAPAKATINDI ng pagbabagong idinulot ng taong 2020 sa takbo ng buhay sa buong mundo bunsod ng pandemyang COVID-19. Ngayong taong 2021, isa lamang ang sigurado. Hindi pa tapos ang ating laban! Kasama pa rin natin ang COVID-19 sa pagsalubong ng bagong taon lalo na ngayong napabalita ang pagkalat sa ibang bansa ng bagong uri nito na nagmula sa United Kingdom. Bunsod nito ay nanganganib na naman ang turismo sa ating bansa dahil sa pagpapatupad ng pansamantalang travel ban para sa mga bansang mayroong iniulat na kaso ng bagong uri ng…
Read MoreBAYAN MUNA AT MSK, MGA KONTRABIDA SA INDUSTRIYA NG KURYENTE
WALANG masama kung batikusin ang pamahalaan sa mga kapalpakan nito sa mamamayan. Karapatan naman ng bawat Filipino ito alinsunod sa itinakda ng Saligang – Batas. Kaso, mayroong mga samahan na mayroong ‘regular’ na binabanatang sektor at kumpanya. Dito ako nagtataka. Ang tinutukoy ko ay ang Bayan Muna party – list na pinamumunuan nina Atty. Neri Colmenares at Representative Carlos Isagani Zarate, at ang Matuwid na Singil sa Kuryente Consumer Alliance, Inc. (MSK) na pinamumunuan naman ni David Celestre Tan. Napapansin ko na mistulang nagkakasundo at nagkakaisa sina Colmenares, Zarate at…
Read More