SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA NANGAKO ang nahalal na pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC), Cong. Abraham “Bambol” Tolentino na ituloy ang matagumpay na kampanya ng Pilipinas, na pangkalahatang nag-kampeon sa 30th Southeast Asian Games na idinaos dito sa bansa noong nakaraang taon. Si Tolentino, pangulo rin ng Philippine Cycling Federation, ay nabigyan ng apat na taong panunungkulan sa katatapos lang na eleksiyon ng POC. Bago ito, halos dalawang taon niyang pinamahalaan ang pinakamataas na posisyon sa organisasyon kapalit ng nagbitiw na si Ricky Vargas ng…
Read MoreCategory: OPINYON
MALUNGKOT ANG BAWAL NA PAG-IBIG SA IBANG BANSA
AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP KASABIHAN na nga sa hanay ng mga OFW na kapag ang isang mag-aabroad na may asawa ay aalis sa Pilipinas, tiyak na makalipas ang ilang buwan ay magiging single na ito. Bagaman hindi naman lahat ng nagiging OFW ay ganito ang ginagawa, ngunit marami pa rin akong nababalitaan na lalake at babae na bigla na lamang nagiging single sa ibang bansa at nakikipag-relasyon sa kapwa pinoy at minsan pa nga ay sa ibang lahi. Marami na nga akong napanood sa programa ni Raffy Tulfo na…
Read MorePANANAW NG SAGAD-SARING TRADISYUNAL NA POLITIKO
BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA HINDI kahanga-hanga ang pahayag n Senador Manny Pacquiao laban sa korapsyon dahil inulit lang niya ang lumang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte. Inilabas ni Pacquiao ang kanyang pananaw laban sa korapsyon nang manumpa siya bilang bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban). Si Duterte ang chairman ng PDP-Laban na maraming sinabing matitinding salita laban sa korapsyon, ngunit ubod nang kupad kumilos kapag ang mga itinalaga niya sa pwesto ang sangkot, o binabatikos nang todo sa media. Ito ang ilan sa banat ni…
Read MoreDECEMBER NA PALA
DECEMBER na pala. Pumasok na ang Christmas season. Mukhang sa tanang buhay ko simula nang ako’y magkaisip, ngayon ko lang nasaksihan kung gaano kalungkot ang mga tao. Darati-rati, pagtuntong pa lang ng Setyembre ay nangangamoy Pasko na sa Pilipinas dahil sinisimulan nang patugtugin sa mga radio stations ang mga Christmas songs at kitang kita mo na ang excitement, hindi lang sa mga matatanda kundi lalo na sa mga bata. Pero ngayon ay mas nangingibabaw ang kalungkutan ng mga tao. Kung napapansin ninyo, bihira kang makakita ng mga taong nakangiti. Baka…
Read MoreTRIAL & ERROR NG MMDA SA TRAPIK PALPAK
IMBES na magluwag ang daloy ng mga sasakyan tulad ng inaasahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ginawa nilang pagsasara ng mga u-turn slots sa EDSA ay taliwas ang naging resulta. Pagpasok nitong Disyembre 1, 2020 ay nagsimulang bumigat ang trapik sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Kinabukasan, Disyembre 2 ay lalo pang lumala ang trapik at mistulang napakahabang parking lot ang kahabaan ng EDSA. Baybayin mo ang Mindanao Avenue kung papunta ka ng Valenzuela, Novaliches, at palabas ng North Luzon Expressway (NLEX) ay talaga nga namang usad…
Read MoreGARIN, ‘PINARUSAHAN’ NI LORD DAHIL SA ‘PEKENG LOYALTY’
HA…HA…HA… pokaragat na ‘yan! Napakagandang posisyon na sana ang inaasahan ng kinatawan ng party-list na AAMBIS-OWA sa Kamara de Representantes ng Ika-18 Kongreso na si Representative Sharon Garin, ngunit hindi pa niya nakuha. Hindi nahalal si Garin na maging pinuno ng makapangyarihang Ways and Means Committee ng Kamara dahil gusto ng mga kongresista na manatiling chairman ng komiteng ito si Albay Rep. Joey Salceda. Ang pagiging chairman ng Ways and Means Committee ang puntirya ni Garin kapalit ng kanyang aktibong pagkilos, pagsuporta at pakikipaglaban upang manalo si Marinduque Representative Lord…
Read MoreTULOY-TULOY NA PAGTULONG NG OWWA
MARAMI akong natatanggap na mensahe sa aking inbox na nagpapasalamat sa serbisyong ibinibigay ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) lalo na sa libreng pagpapauwi ng kani-kanilang pamilya na nasa ibang bansa na naapektuhan o nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Nitong Nobyembre 29 ay 66 distressed OFW at 15 na may mga karamdaman ang napabilang sa mga natulungang makauwi sa pamamagitan ng chartered Flight ng OWWA sa tulong ni Welfare Officer Atty Llewelyn Perez . Hindi nagtatapos sa pagbibigay ng libreng ticket sa eroplano ang serbisyo ng OWWA, bagkus, maging…
Read MoreCONSTRUCTIVE DISMISSAL GINAWA NI DRILON AT ANGARA
MAITUTURING na isang constructive dismissal ang ginawang pagsingit ng ilang probisyon nina Senador Franklin Drilon at Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara na nagbabawal sa Public Attorney’s Office o PAO sa paggamit sa kanilang (personnel Services) PS at MOOE (maintainance and operating and other esxpenses) para sa PAO forensic laboratory. Sa panayam ko kay dating Congressman na si Atty. Glenn Chong, sinabi nito na ang ginawang pagsingit ng ilang probisyon nina Senador Drilon at Angara na nagbabawal sa PAO sa pagamit sa kanilang (personnel Services) PS at Mooe (maintainance and operating and…
Read MoreEQUAL DISTRIBUTION OF WEALTH BA KAMO?
HINDI na ako magtataka na marami pa ring probinsya ang mahirap dahil hindi pantay ang hatian sa budget ng national government lalo na sa mga infrastructure projects. Lagi nating naririnig ang mga salitang “equal distribution of wealth” sa mga national government officials para raw masugpo ang kahirapan ng mamamayan sa apat na sulok ng bansa. Sa tagal ko nang nag-cover sa budget hearing ng Kongreso, kahit minsan ay hindi ako nakakita na nagkaroon ng pantay-pantay na hatian ng resources ng gobyerno dahil kung sino ang mga nasa poder lang ang…
Read More