NABABAHALA tayo sa ating nakikita na sobrang dami na ng taong lumalabas ngayon ng kanilang tahanan. Bakit kamo? Kasi simula na namang magkabuhol-buhol ang mga sasakyan sa lansangan sa dami ng mga tao. Katunayan ito na balewala na sa mga Pinoy ang pandemic ng COVID-19 na hanggang ngayon ay patuloy na nanghahawa at maraming namamatay. Nakikita natin sa mga tiangge ang dami ng mga namimili na hindi na nasusunod ang physical distancing at iba pang health protocol. Resulta nyan sa sunod na taon (2021) posibleng biglang lobo ang may COVID-19…
Read MoreCategory: OPINYON
VELASCO TAHIMIK SA GULO NG ‘KANYANG’ MAYORYA
NAGDUDUDA na ako sa katahimikan ni Speaker Lord Allan Jay Velasco hinggil sa nangyayaring kaguluhan sa ‘kanyang’ mayorya na nagluklok sa kanya sa pinakamataas na posisyon sa Kamara de Representantes kapalit ni Taguig – Pateros Representative Alan Peter Cayetano. Nababasa ko ang mga istoryang lumalabas dito sa SAKSI Ngayon tungkol sa sunud-sunod na pagtanggal sa posisyon ng pangkat ni Velasco sa mga kaalyado at tagasuporta ni Cayetano. Ipinalit ng pangkat ang mga sumuporta kay Velasco tulad nina Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, Buhay party-list Rep. Jose “Lito” Atienza…
Read MoreSusi sa Olympic gold-goal ni Eumir Marcial
KINAILANGAN ni boxing trainer Freddie Roach ang siyam na taon bago makakita ng isang ‘Muhammad Ali’ na pumasok sa pintuan ng kanyang Wild Card Boxing Gym sa Hollywood at pakiusapan siyang pamahalaan ang paghahanda sa kanyang napiling propesyon. Taong 2001 noon, katatapos lang makumpleto ang konstruksiyon ng Wild Card nang ang isang patpatin at putlaing Pilipinong boksingerong nagngangalang Manny Pacquiao ay pumasok sa pintuan at nagsabing kailangan niya ng isang trainer. “I defied the advised of my guru (Eddie Futch) not to put up this gym and just concentrate in…
Read MoreOFWs WALANG PAGKAIN AT SWELDO, HUMIHINGI NG SAKLOLO
SA araw-araw ay halos pare-pareho ang reklamo ng ating mga kabayani na kung saan ang lagi nilang sumbong ay tapos na ang kontrata, inililipat sa ibang employer, hindi sila pinapayagan na gumamit ng telepono, sinasaktan ng anak ng employer, hindi binibigyan ng sapat na pagkain, hindi pinapasweldo at inililipat sa iba’t ibang employer. Minsan pa nga ang kanilang reklamo ay hindi man lang daw sila pinapagamit ng wifi ng kanilang employer sa tuwing oras na ang mga employer ay wala sa kanilang bahay. Kabilang sa mga nagparating ng kanilang karaingan…
Read MoreBAGONG BIDA SA SERBISYO NG BROADBAND INTERNET, PINASINAYAAN
BAGO pumasok ang pandemyang COVID-19 sa buhay nating lahat, ang internet ay tila para lamang sa mga taong may kakayahang gumastos para rito. Para naman sa mga mayroong serbisyo ng internet sa kanilang bahay o sa kanilang smartphone, hindi ganoon kalaking isyu ang mabagal na internet. Ngunit ngayong patuloy ang paglago ng bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo, ang internet ay isa na sa mga pangunahing pangangailangan ng mga konsyumer, lalo na’t laganap na ang pagpapatupad ng mga online class…
Read MorePAGPASLANG SA ILANG MGA ABUGADO MAGIGING SANHI NG KAWALANG TIWALA SA SISTEMA NG HUSTISYA
MARIIN nating kinokondena ang sunod-sunod na patayan kamakailan na kinasasangkutan ng mga abugado, hukom, at iba pang mga kawani ng propesyon ng batas na nangyari sa magkakaibang lugar ng ating bansa. Ang abogadong si Joey Luis Wee ay binaril sa kasikatan ng araw habang naglalakad papunta sa kanyang tanggapan sa Cebu noong Lunes, Nobyembre 23. Siya ang ika-53 miyembro ng law profession na pinatay mula pa noong 2016. Kinokondena ko hanggang sa pinakasukdulang antas itong pinakabago sa kawing-kawing na serye ng pagpatay sa mga miyembro ng law profession. Tama na…
Read MoreTRAPIK!!!!!!!!!
ISA sa ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na problemang kanyang tatapusin sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan kapag siya ay nanalong pangulo ay ang problema ng trapiko sa Metro Manila. Sawang sawa na ang mga tao sa trapik sa Metro Manila dahil sa lansangan na lamang nauubos ang kanilang libreng oras kaya bawas ang kanilang panahon sa kanilang pamilya. Dahil sa pangakong ito ng Pangulo kasama na ang pangakong tatapusin ang problema sa droga, ay nakakuha siya ng malaking boto sa Metro Manila dahil ang mga nakaraang administrasyon,…
Read MoreHONEST TO GOODNESS CAMPAIGN VS CORRUPTION
MATUTULDUKAN ang korapsyon kung magiging makatotohanan ang kampanya ng gobyerno laban sa korapsyon. Dapat maalis din ang pamumulitika sa kampanyang ito kasi kung mananatiling may kulay pulitika sa pagtugis sa mga korap na opisyal ay hindi magiging patas ang batas. Kailangan maipatupad ito sa lahat ng tao maging dilawan ka man o mula sa pula basta’t napatunayang nagkasala sa pagnanakaw ng pondo ng gobyerno. Maraming administrasyon na ang nagdaan at nagsabing may kampanya laban sa korapsyon subalit hanggang sa ngayon ay nananatiling malala ang nakawan sa kaban ng bayan. Malakas…
Read MoreOFW NA AYAW BAYARAN NG SWELDO, NAMATAYAN NG AMA AT WALANG PAMBILI NG KABAONG
LUHANG-LUHA akong nahabag sa pinagdaraanan ng isa nating kabayani na si Maribel Manabat na kasalukuyang nasa Khaldiya,Taif, Saudi Arabia. Siya ay naninilbihan bilang kasambahay at nakarating sa Saudi Arabia noong Marso 1, 2019 sa pamamagitan ng kanyang ahensya na Pacific Star International. Sa simula ay naging maayos naman ang kanyang paninilbihan, ngunit tila nitong taon na ito ay tila nagkasunod-sunod ang dagok sa kanyang pamilya. Noon pa man ay inirereklamo nya ang hindi pagbibigay ng regular na sahod ng kanyang employer at lumala pa ito nang maging ang kanyang pagkain…
Read More