HINDI NAMAYANI ANG PUSO’T MALASAKIT NG RED CROSS SA 130,000 OFWs

UMABOT sa 6,000 overseas Filipino workers (OFWs) hanggang nitong Oktubre 21 ang pinadiretso sa mga hotel dahil hindi sila sumailalim sa RT – PCR swab test, o coronavirus disease 2019 (COVID-19) test, nang dumating sila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ang dahilan dito ay ipinatigil ng Philippine Red Cross (PRC) ang pag-alam kung may virus, o wala, ang dumarating na libu-libong OFWs araw-araw. Ayon sa balita, nagdesisyon ng ganyan ang Red Cross na matagal na ring pinamumunuan ni Senador Richard Gordon dahil hindi pa raw nagbabayad ng P930 milyon…

Read More

Unang kaso ng covid sa PBA bubble

KUNG anuman ang kapalarang naghihintay sa repering nagpositibo sa COVID-19 makaraang sumailalim sa antigen test ay malalaman ngayong araw o bukas. Ang naturang opisyal na hindi pinangalanan ay inalis sa Quest Hotel kung saan ang 300 kataong delegasyon ng PBA ay nakahimpil, at inilipat sa Clark athletes’ village para sa 14-araw na quarantine at karagdagang pagsusuri. Ang opisyal ay isa sa tatlo-kataong nagreperi sa laro ng Alaska Aces at Blackwater Elite noong Martes sa ginaganap na 2020 Philippine Cup. Nakatakda siyang isailalim sa isa pang RT-PCR test kahapon. “We have…

Read More

BIONIC TILA NALUMPO AT NAWALAN NA NG LAKAS

NOONG 1973 hanggang 1978 ay talagang sinubaybayan ko ang sikat na sikat sa telebisyon na The Six Million Dollar Man na mas kilala bilang si Bionic Man. Ito ay isang character na nagtataglay ng hindi pangkaraniwang lakas dahil sa teknolohiya. Bagaman ang teleserye na ito ay isang kathang isip lamang, ay napaniwala ako nito noong aking murang edad na ito ay totoong nagaganap at hanggang sa kasalukuyan ay may mga taong umiidolo nito at naghahangad ng magkaroon ng kaparehong kapangyarihan ng The Bionic Man upang makatulong sa sangkatauhan. Marahil ay…

Read More

DEPED PINUNA SA PAGHUHUGAS-KAMAY SA PAGKAMATAY NG 12 MAG-AARAL

HUGAS kamay raw ang Department of Education (DepEd) sa isyu na ang dahilan ng pagpapakamatay ng labing dalawang mag-aaral kamakailan ay ang modular learning nila. Binanatan sila ng grupong Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) sa kanilang pagtanggi matapos sabihin ng ahensiya na malisyoso lamang ang ilang grupo’t indibidwal na pilit inuugnay ang modular learning sa pagkitil ng sariling buhay ng mga kabataan. Dahil daw sa hirap na dinaranas ng mga kabataan sa pag-aaral ngayon sa ilalim ng tinatawag na ‘new normal’ ang dahilan kaya nagkaroon ng insidente ng pagpapakamatay. Sinabi…

Read More

KALOKOHAN ANG DPWH – TAG NI VILLAR

SA pagkakataong ito, hayaan ninyong gamitin ko ang pahayag ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Secretary Harry Roque, Jr. dahil kumbinsidung-kumbinsido ako na tama ang pananaw niya sa binuong Task Force Against Graft and Corruption (TAG) ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar. Bihirang magsalita si Roque nang tama at eksakto. Kaya, sa pagkakataong ito ay sasamantalahin ko na ang ilang bahagi ng interpretasyon ni Roque sa plano ni Duterte tungkol sa tamalak na katiwalian at korapsyon sa DPWH. Sabi ni Roque, ang TAG…

Read More

KATIWALIAN SA DPWH MATAGAL NA

MATAGAL nang naniniwala ang mga ordinaryong mamamayan na may nangyayaring kalokohan sa mga proyektong ipinapatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Bakit kanyo? Aba, hindi nagtatagal ang mga proyektong ginagawa ng mga kontraktor na nanalo sa bidding tulad ng mga kalsada lalo na sa mga malalayong lugar na hindi nakikita ng media. Sandaling sandali lang ang itinatagal ng mga ginawang kalsada, bakit? Pansinin nyo, maraming kalsada ang kagagawa pa lang pero bitak-bitak na kapag umulan dahil malabnaw ang semento. Kaya nga bihira kang ­makakita ng mga kalsadang ginagawa…

Read More

NBCP O PD 1096 BAGUHIN NA

DAPAT mabago na ang umiiral na Presidential Decree 1096 na mas lalong kilala sa tawag na National Building Code of the Philippines o NBCP. Mukha kasing hindi na naaangkop sa makabagong panahon ang batas na ito lalo na ngayong tinatawag na ‘new normal’. Panahon pa ni dating ­Pangulong Ferdinand Marcos ang batas hinggil sa National Building Code dahil naaprubahan ito noon pang 1977 o apatnaput tatlong taon (43) na ang nakararaan. Pagpasok ng tinatawag na ‘computer era’ sa bansa at buong mundo, marami na ang pagbabago lalo na sa proseso…

Read More

PALPAK PALA SI SECRETARY MARK VILLAR

KUNG sukatan ng mga nagawa ng pinuno ng isang kagawaran ang ulat ng Commission on Audit (COA), hindi paninira sa pagkatao o puri nito ang resulta ng pagsisiyasat at ebalwasyon ng naturang ahensiya. Kung maganda naman ang resulta ng ulat ng COA, natural lamang na purihin ang hepe ng kagawaran, o ahensiya, ng pamahalaan. Sa ganyang ­konteksto, masasabing palpak ang politikong si Mark Villar sa ­pagiging ­sekretaryo ng Department of ­Public Works and Highways (DPHW). Si Villar ay politiko dahil ilang taon din itong naging kongresista bilang kinatawan ng Lungsod…

Read More

MGA KAABANG-ABANG NA PAGBABAGO SA TV5

SA normal na takbo ng buhay bago nag-umpisang balutin ng pandemya ang mundo, mahalaga ang papel na ginagampanan ng media sa paghahatid ng mga balita ukol sa mga nangyayari sa ating bansa at sa mundo. Ang responsibilidad na ito na makapaghatid ng balita sa publiko ay lalo pang bumigat ngayong panahon ng pandemya. Ang media ang pinaka-­epektibong paraan upang maihatid ang mahahalagang impormasyon na kailangang malaman ng publiko ukol sa mga nangyayari sa paligid lalo na ngayong marami sa atin ay hindi makalabas ng kani-kanilang mga bahay. Ang TV5 bilang…

Read More