NO TO BAWAS-DISTANCING

HINDI ko talaga maintindihan kung saan nakalagay ang mga sentido-kumon ng mga nagpanukala na bawasan ang physical distancing ng ­commuters sa mga pampubliko sasakyan?! Kung sino man itong mga opisyal na ­nagpanukala na bawasan ang social distancing sa mga pampublikong sasakyan para raw sa ekonomiya ay puro kayo @&@&”##¥••!!! Madali sa inyong magsalita o magpanukala ng ganoon dahil kayong mga tinamaan kayo ng ­magaling! eh puro kayo may saksakyan! Eh papaano yung mga karamihang sumasakay lang ng public transport para lamang makapaghanap buhay?! Talaga bang mas ­importante sa inyo ay…

Read More

CONVERGE ICT SOLUTIONS INC. DINADAGSA NG REKLAMO

MARAMING nakarating na reklamo sa PUNA laban sa CONVERGE ICT SOLUTIONS INCORPORATED na isa sa kilalang high speed internet provider sa bansa. Nang magkaroon ng pandemya ng Covid-19 sa bansa at karamihan ay naging ‘work from home’ dahil sa kawalan ng pampublikong transportasyon, marami ang nangailangan ng internet connection hindi lang sa Metro Manila kundi pati sa mga karatig probinsiya. Idagdag pa natin ang online class ng mga estudyante lalo na ang junior at senior high school sa private schools na nagsimula ang klase ngayong Setyembre. Dahil dito, dumagsa ang…

Read More

PANG-AABUSO NG PECO IBINUNYAG NG PAPI

MAINAM na basahin ang investigative report ng Publishers’ Association of the Philippines (PAPI), ang pinakamalaking media group sa bansa na kinabibilangan ng mga publisher, hinggil sa nadiskubre nitong pang-aabuso at kapalpakan ng Panay Electric Company (PECO) sa Lungsod ng Iloilo sa napakatagal na panahon upang malaman ng publiko ang katotohanan. Ipinakita rin ng PAPI ang pagbabagong nasimulan ng More Electric and Power Corporation (More Power) mula nang ito na ang distribution utility (DU) na nangangasiwa sa elektrisidad ng lungsod matapos natigil ang 96 taong operasyon ng PECO. Ayon kay PAPI…

Read More

P10 TRILLION UTANG

WALA sigurong bansa ang walang utang. Kahit ang mayayamang bansa sa mundo tulad ng Amerika ay nagkakautang dahil hindi dapat na mapurnada ang operasyon ng gobyerno. Isang normal na gawain na ng isang gobyerno ang mangutang para ipantapal sa kakulangan ng kanilang pondo at kasama na dito ang ating bansa na habang tumatagal ay nababaon sa utang. Tinataya ng isang kongresista na bago matapos ang taon ay lagpas na sa P10 Trillion ang utang ng sambayanang Filipino dahil sa patuloy na pangungutang ng ating pamahalaan. Higit sa doble ang laki…

Read More

TOTOY TINGZON: AMA NG YOUTH BASEBALL

SI Rodolfo “Totoy” Tingzon ay nagsimula bilang isang ordinaryong manlalaro nang nasa kolehiyo pa, naging guro sa paaralang pampubliko hanggang sa kinilala bilang ama ng youth baseball sa bansa at maging sa buong Asia. Ngayong Setyembre 14 ay 94 taong gulang na siya. Ginugol ni Totoy ang halos kalahati ng kanyang buhay sa pagpapalaganap ng sport na baseball, na namana niya at mga kapatid sa kanilang amang si Julio Tingzon, batikang manlalaro noong kapanahunan niya na kinalaunan ay naging mahusay na coach. Malaki ang naitulong ni Don Julio sa tagumpay…

Read More

KOKONTROL SA MGA POSITIBO SA COVID-19 CASES TAYO MISMO

MAGTATAGAL pa ang pandemya na dulot ng COVID-19. Mahirap man tanggapin pero ayon na rin sa mga eksperto, ang pinaka malaking factor na makaka-salba sa sitwasyon ngayon ay ang inaabangang bakuna na sa susunod na taon pa maaaring ma-develop. Sa ngayon, naitatalang higit 50,000 pa rin ang active COVID-19 positive cases sa buong bansa. Bagama’t mataas pa rin ang bilang na ito, kumpara noong mga nakaraang buwan ay malaki na ang ibinaba ng mga nahawaan ng coronavirus. Pero hindi ibig sabihin na magpaka-kumpyansa tayo. Ayon sa Department of Health (DOH),…

Read More

OFW ANG BAGONG LAANG KAWAL

MATAPOS ang halos isang taon ay akin na rin natanggap ang opisyal na kasulatan mula sa Office of the President na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea na naga-apruba ng aking pagpasok sa Philippine Air Force reserve command na may ranggong Major. Kasunod nito ay ang kasulatan mula naman sa National Headquarters ng Armed Forces of the Philippines na nagpapatibay ng a king pagsali sa sandatahang lakas na kung saan ay nakasaad na rin ang aking AFP Serial number. Labis-labis ang aking kasiyahan sa magkakasunod na dokumento na aking natanggap…

Read More

PAANO KUNG ‘BLACK SAND?’

MAY punto si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domogoso sa pagtatanong nito na kung ‘black sand’ kaya ang itinatambak ngayon sa Manila Bay ay uulanin din kaya ito ng mga batikos mula sa oposisyon at mga nagpapakilalang environmentalists? Tanong ito ng alkalde dahil sabi nga ng mga millennials, parang hindi maka-let go ang maraming mga tumututol sa white sand makeover sa baybayin ng Manila Bay bilang bahagi ng proyektong rehabilitasyon. Hindi mo rin maiaalis kay Yorme Isko na paboran ang proyektong ito ng Department of Environment and Natural R esources…

Read More

TROJAN HORSE

WALANG sinumang tao sa mundo na nasa edad na ang hindi nakakaalam sa kasaysayan ng Kingdom of Troy. Lahat siguro ay nakabasa na sa kasay sayang ito at ginawan na ito ng pelikula. Bumagsak ang Kingdom of Troy sa tinaguriang Trojan Horse na pinagtaguan ng mga Spartans kasama ang Greek Hero na si Achilles para gumanti sa pag-kidnap ni Trojan Prince Paris sa Queen of Sparta na si Helen. Sigurado ako na alam ng magigiting nating sundalo ang kasaysayang ito dahil kasaysayan ito ng digmaan na naganap bago dumating ang…

Read More