TAUN-TAON KUWESTYONABLE ANG PONDO NG DPWH

TAUN-TAON ay mayroong panukalang badyet ang ehekutibong sangay ng pamahalaan na inihahanda ng Department of Budget and Management (DBM). Ang badyet ay para sa lahat ng yunit ng tatlong sangay ng pamahalaan, kabilang na ang lehislatura. Batay sa Saligang Batas, kailangang busisiin at ipasa ito ng Kongreso upang maging panukalang batas hanggang maging ganap na batas, sa porma ng General Appropriations Act (GAA), kapag nilagdaan ng pangulo ng bansa. Kung sinubaybayan ninyo ang talakayan sa dalawang kapulungan ng Kongreso hinggil sa isyu ng badyet ng administrayong Duterte mula 2016 para…

Read More

EUMIR MARCIAL, MAY PAG-ASANG MAKAPAG-UWI NG OLYMPIC GOLD MEDAL

SI Tokyo qualifier sa boksing na si Eumir Marcial ang pinakamalaking pag-asa ng Pilipinas na pawiin ang 76 taong pagkauhaw ng bansa sa gintong medalya sa darating na XXXII Games of the Olympics na ipinagpaliban sa susunod na taon. Ito ay matapos malaman ng SAKSI Ngayon na ang 24-anyos na middleweight mula Zamboanga ang siya pa ring pangalawang pinakamagaling na boksingerong amatyur sa daigdig, ayon sa International Boxing Association. Ang silver medalist sa nakaraang AIBA World Men’s Championships at gold medal winner sa 2019 Olympic Qualifier noong Marso ay kasalukuyang…

Read More

PEKE ANG MGA ‘TAGAPAGSALITA’ NG PECO

HINDI na maganda ang diskarte ng Panay Electric Company (PECO). Totoong karapatan ng PECO na magpahayag ito laban sa katunggali nito. Pero, ibang usapan kapag peke ang mga ‘tagapagsalita’ at ‘tagapagtanggol’ ng organisasyong ito. Nabisto ng media ang PECO na ganito ang diskarte nang isapubliko nitong Miyerkoles ng mga totoong kasapi ng Koalisyon Bantay Kuryente Inc. (KBK) ang paggamit sa kanila ng PECO upang palabasing masama ang More Electric and Power Corporation (More Power). Binatikos ng KBK ang dalawang personahe na sina Jose Allen Aquino at Ruperto Supena na ginamit…

Read More

‘WAG MAGING KAMPANTE SA PAGBABA NG COVID-19 CASES

HINDI dapat magpakakampante ang taumbayan na porke’t unti-unti na raw bumababa ang kaso ng Covid-19 sa bansa ay hindi na tayo mag-iingat. Sa pag-iikot ng PUNA, sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila na tila napansin natin na hindi na nasusunod ang physical distancing. Hindi maitatago na maraming tao na ang lumalabas dahil nakakaranas na naman ang ibat-ibang kalye sa Metro Manila nang pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan. Tulad na lang halimbawa ang area ng Commonwealth partikular sa may Fairview, Quezon City tuwing hapon ay asahan na ang trapik. Maging…

Read More

KAPAKANAN NG OFW AT KANILANG PAMILYA ISUSULONG

UMAABOT na sa mahigit 164,368 ang kabuuang bilang ng mga OFW na naiuwi sa Pilipinas sa ilalim ng repatriation program ng Department of Foreign Affairs. Ayon ito sa datos na ipinalabas noong Setyembre 5, 2020. Mahigit sa 104,515 ang bilang ng mga Land-based OFW at 59,853 naman ang mula sa hanay ng mga seafarers. Sa naturang bilang, 32,389 o katumbas na 76.1% dito ay nagmula sa Middle East, habang ang 4,423 o 10.4% ay nagmula sa Asia and Pacific, 4,109 o 9.6% mula sa Americas, 1,571 o 3.7% ang galing…

Read More

REPUTASYON O POSISYON?

MUKHANG sinusubukan ang tatag ng prinsipiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque. Hanggang saan at hanggang kailan siya magtatagal bilang tagapagsalita ng Pangulo. Ang pinakabagong pagsubok sa prinsipyo ng batikang abogado ay ang ibinigay na absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pumatay sa kaniyang kliyente na si Jennifer Laude. Noong kasagsagan ng Jennifer Laude story laging umeeksena sa media si Atty. Roque. Mayroon pa ngang eksena noon na tinangka niyang akyatin ang bakod ng Camp Aguinaldo dahil tutol siya na makulong doon ang akusadong si Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton.…

Read More

TURTLENET PROBLEMA SA ONLINE CLASS

NAKATANGGAP ng ­maraming reklamo ang PUNA mula sa mga estudyante sa junior at senior high school sa ilang mga pribadong paaralan matapos na simulan na ang kanilang klase nitong nakaraang Lunes. Ang kanilang sumbong at ­reklamo ay ang usad pagong daw o sobrang bagal ng kanilang mga internet connection. Sa unang araw ng klase nitong Setyembre a-7 ay hindi halos magkaintindihan ang mga guro at kanilang mga estudyante dahil putol-putol ang connection ng kanilang internet. Kung hindi ang internet connection ng estudyante ang nawawala ay sa guro o vice-versa ang…

Read More

REP. PIMENTEL: ‘MALING PAGBANTAAN NG PECO ANG SC’

KAHIT kailan, maling pagbantaan ang Supreme Court (SC) ng kahit kaninong business establishment, o kahit sinong abogado. Ang tama ay patunayan sa SC ng mga abogado ng mga negosyante na tama ang huli kumpara sa kalaban nito. Nabanggit ko ito dahil sa napabalitang pahayag ng kampo ng Panay Electric Company (PECO) na magiging “bad precedent” sa pagnenegosyo sa bansa kung ang magiging desisyon ng pinakamataas na hukuman hinggil sa away ng dalawang distribution utilities (DUs) sa Lungsod ng Iloilo City ay kakampi sa More Electric and Power Corporation (More Power).…

Read More

AKSYON NG EMBAHADA SA RIYADH, HINAHANGAAN

NAKATANGGAP ako ng tawag mula sa aking kaibigan na si Abdulhalim Indol Langco, Assistance to National (ATN) unit ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia. Masayang-masaya niyang ibinalita sa akin na ang ating kabayani na si OFW Angel na aking nailathala sa aking kolumn ay kanyang kasama sa opisina at inaasikaso na ang pag-uwi sa Pilipinas. Magugunita na nitong nakaraan Agosto 28, 2020 ay aking inilathala sa AKOOFW ang kaso ni OFW Angel na may titulong “OFW ni-rape at inabandona sa basurahan sa ­Riyadh”. Sa kaparehong araw ay masayang ibinalita sa…

Read More