WALANG SAYSAY KUNG WALANG PONDO PARA SA MGA GURO

TINALAKAY sa Senado nitong Huwebes (Setyembre 17) ang Senate Bill 1092, o Teaching Supplies Allowance Act. Maganda ang layunin ng S.B. 1092 dahil patungkol sa pagtataas ng allowance ng mga guro sa pampublikong sistema ng batayang edukasyon hinggil sa mga ginagamit nila sa pagtuturo tulad ng tisa, papel at iba pa. Sa ayudang ‘yan, hindi na maglalabas ng pera ang mga guro galing sa kanilang sahod para bumili ng papel at iba pa. Kaya, napapanahong tinalakay na ang naturang mungkahing batas upang lumarga na ito at ipasa. Kaso, ang problema…

Read More

GOV’T OFFICIALS HINDI DAPAT BALAT SIBUYAS

HINDI dapat nagiging ‘balat sibuyas’ ang mga government official, dahil pumasok kayo sa larangan ng serbisyo publiko dapat ay handa kayo sa lahat ng klaseng PUNA. Tulad na lamang yang isyu ng pagtatambak ng buhangin o dolomite riyan sa Bay Walk ng Manila. Kung alam nyong makakabuti yan sa mga tao ituloy nyo yan. Alam naman natin na walang nagnanais na masira o muling masalaula yang Manila Bay dahil napakahalaga po niyan sa ating mga Pinoy. Kung babalikan po natin ang maraming taon na nagdaan ang ganda ng dalampasigan ng…

Read More

HINDI PALA SILA KASAPI NG CPP

IPINAKITA ng mga kongresistang bahagi ng Makabayan Bloc sa mababang ­kapulungan ng Kongreso ang kapangyarihan ng mambabatas sa kasalukuyang sistema ng ating lipunan. Ipinakita ng pangkat ni ­Bayan Muna Rep. Isagani Zarate na puwede nilang komprontahin at sitahin ang opisyal ng pamahalaan tulad ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) ­Undersecretary Lorraine Marie Badoy sa ginawa nitong “red-tagging” laban sa mga kongresistang “leftist,” o Makabayan Bloc. Ginamit ng mga kaliwang mambabatas ang pagdinig sa Committee on Appropriations bilang ‘oportunidad’ para batikusin nang batikusin si Badoy sa ginawa nito dati laban sa…

Read More

YAMOT NA YAMOT NA SA POEA AT STAFFHOUSE

SUNOD-SUNOD na sulat sa pamamagitan ng email ang aking natanggap mula sa grupo ng mga manggagawa ng Mahara Human Resources na nasa Jeddah, Saudi Arabia. Puno ng sama ng loob ang kanilang liham at tila baga tuluyan ng nagtampo sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) dahil sa napabalitang pagtanggal ng suspension order laban sa kanilang ahensya sa Pilipinas na Staffhouse International Resource Corporation. Nuong aking bineripika sa website ng POEA ay lumabas na nanatili pa rin na suspended ang document processing ng Staffhouse International Resource Corporation. Gayunpaman, ay bibigyan ko…

Read More

Sikreto ng tambalang Danny Floro-Baby Dalupan

“COACHES are hired to be fired.” Noong unang panahon ang mga katagang ito ay itinuturing lamang na salawikain. Malimit na binibigkas ng pabiro o hindi dapat sundin…Hindi batas! Sa pagkalat ng mga ligang propesyonal sa Estados Unidos, Europa, Asya at maging sa Pilipinas, ang kawikaang ito ay naging batas, bagamat di nasusulat. Kalakarang sinusunod ng lahat ng koponan, kabilang ang Philippine Basketball Association (PBA). Maraming dahilan kung bakit nangyayari ito sa panahong ito. Noong araw, ang isang tao ay nagiging coach dahil kaibigan siya ng may-ari ng unibersidad o kolehiyo.…

Read More

SABLAY NA NAMAN

NAG-UUSAP ba talaga ang mga government officials natin o hindi lang nagkakaintindihan dahil natatakpan ng face mask ang kanilang bibig kapag sila ay nagsasalita at may face shield pa sila bilang pagsunod sa protocol sa pagsugpo sa COVID-19. Ano ba talaga ang napag-usapan at napagkasunduan sa Inter-Agency Task Force (IATF), babawasan ang distansya ng mga tao sa pampasaherong sasakyan o pananatilihin ang isa hanggang metro ang layo ng pasahero sa isa’t-isa? Nililito nyo ang mga tao eh. Sabi ni Secretary Eduardo Año walang napagkasunduan sa kanilang IATF meeting na bawasan…

Read More

PANAHON NG PANDEMYA DAPAT WALANG PAMUMULITIKA

MARAMING mga kababayan natin ang namatay sa ­pandemyang dulot ng COVID-19. Kaya sana lang magkaisa na ang mga lider ng ating pamahalaan at maging ang mga pulitiko anuman ang kulay nila sa pulitika. Sa panahon ngayon, totoong walang pinipili na mabibiktima ang COVID-19. Narito ka man sa Pilipinas o nasa ibang bansa, ­mayaman ka man o mahirap ay maaari kang tamaan ng nakamamatay na sakit. Pero higit pa rin na nakalalamang ang mayayaman kumpara sa mahirap dahil sa dami ng kanilang pera, kahit hindi sila lumabas ng bahay para magtrabaho…

Read More

MGA NARS SA PRIBADONG OSPITAL PANALO SA H.B. 7569

SA wakas, mayroon na ring panukalang batas na inihain sa mababang kapulungan ng ­Kongreso upang tumaas ang sahod at mga kaakibat na benepisyo ng mga nars sa pribadong mga ospital. Mabuti na lang, mayroon ding mga mambabatas sa mababang kapulungan na nakapansin sa napakababang sahod ng mga nars sa mga pribadong ospital. Ang naunang batas tungkol sa pagtaas ng sahod at mga benepisyo ng mga nars ay pokus lang doon sa empleyado ng mga pagamutang pag-aari at pinangangasiwaan ng pamahalaan. Napakatagal na ng batas na ito, ngunit ngayong taon pa…

Read More

BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING SA SYRIA NANAWAGAN SA DFA

DAPAT na iwasan ng Overseas Filipino Workers ang pagtungo sa bansang Syria. Ang kautusan na ito ay nakapaloob sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA)Advisory number 21 series of 2017. Kabilang sa mga may travel ban dahil sa pagkakaroon ng tinatawag na “unstable peace and order” ay ang mga bansa gaya ng Afghanistan, Somalia, Sudan Great Lakes Region, Iraq, Libya, Syria, Yemen, Checknya Republic at Ukraine. Ngunit nitong nakalipas na mga araw ay sunod-sunod na email at inbox messages sa Messenger ang aking ­natangap mula sa ilang OFW na nasa Syria.…

Read More