UWIAN NA NG MGA OFW, GOBYERNO HANDA NA BA?

MARAMING overseas Filipino workers (OFW) sa bansang Kuwait ang nababahala sa lumabas na balita ukol sa planong pagbabawas ng bilang ng mga dayuhang manggagawa sa naturang bansa. Ayon sa balitang lumabas sa Arab Times, i­napbrubahan na ng Kuwait Parliament ­Legislative Committee ang matagal ng mungkahi na bawasan ang bilang ng mga ex­patriate o dayuhang manggagawa sa layuning maging balanse ang populasyon nito sa mga Kuwaitis. Ayon sa statistics noong 2017, ang Kuwait ay may populasyon na umaabot sa 4.7 milyon. At base sa mungkahing i­naprubahan ng komite, hindi dapat tumaas…

Read More

MALASAKIT NG GOBYERNO DAPAT IPARAMDAM SA VAWC VICTIMS

ANG mga kaso ng karahasan laban sa mga kababaihan at mga bata ay patuloy na tumataas sa bansa sa gitna ng patuloy na pagpapairal ng quarantine. Kaya nais nating hikayatin ang gobyerno na maging mas visible at iparamdam naman ang malasakit para sa mga biktima. Ayon sa ulat, ang mga kaso ng VAWC sa bansa ay tumaas sa 4,260 noong nakaraang Hunyo 11 mula sa 3,699 na naitala na mga kaso noong Hunyo 4. Nauunawaan natin na unti-unti nang nasasaid ang ating mga pondo, ngunit ang gobyerno ay may isang…

Read More

BAD EGGS SA PNP CHAIN OF COMMAND BAKLASIN

KUNG gusto talagang malinis ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang hanay at bumalik ang tiwala sa kanila ng taumbayan, dapat ay maging s eryoso sila sa kanilang kampanya na linisin ang kanilang bakuran. Suhestiyon ito ng PUNA tutal at mayroong binuong counter-intelligence unit ang PNP na tumutugis sa mga tiwali. Dapat ay dagdagan nila ang kanilang pangangalap ng info sa mga pulis na may kalokohan sa katawan. Wala silang dapat na piliin maging opisyal man yan o ordinaryong PO1 lang, basta mali ay dapat na tugusin. Yan ay kung…

Read More

IDEYA NI SHARON CUNETA KAY LENI ROBREDO WALA SA KATINUAN

NAPAKARAMING problema ng ating bansa sa ngayon, pero itong si Sharon Cuneta ay biglang naglabas ng video kung saan ang pagtakbo ni Bise – Presidente Ma. Leonor “Leni” Robredo sa pagka-Pangulo sa 2022 ang isa sa mga naging paksa. Idiniin pa ni Sharon na sana manalo si Robredo upang “bumalik ang pagkadisente” ng Pilipinas. Kasing linaw ng sikat ng araw na para kay Sharon, nawala na ang pagiging disente ng ating bansa nang maging Pangulo si Rodrigo Duterte. At ang batayan ni Sharon sa ideyang iyan ay ang pahayag ng…

Read More

CBC AT CBSI, PINAIIMBESTIGAHAN SA BSP

MAHILIG umutang ang mga masang Filipino, ngunit iyong maliitang halaga lang dahil ito lang ang kaya nilang bayaran. Madalas sa Bumbay pa nga umuutang ang karamihan na iskema ay ‘5/6’ na ang ibig sabihin ay masyadong mataas ang interes o tubo. Kapag umutang sa Bumbay, tiyak malalaman ito ng mga kapitbahay dahil hindi sa halip na kanilang i-sikreto, ipapamalita pa nila sa buong barangay na ikaw ay may utang. Kung milyun-milyon o bilyun-bilyon na ang halaga ng utang, halimbawa ng isang negosyante o kumpanya sa bangko, ay hindi rin daw…

Read More

PANDEMYA SINASAMANTALA NG CHINA

MARAMI ang nagtatanong sa akin, bakit daw mainit ang ulo ko sa China? Hindi raw ba ako natatakot sa China at baka kapag pumunta ako sa kanilang bansa ay hindi nila ako papasukin dahil naka-ban na ako? Sagot ko: Hindi naman mainit! Ayaw ko lang ang ginagawa nila sa ating bansa lalong-lalo na ang pagsakop nila sa ating teritoryo sa West Philippine Sea at wala akong balak na pumunta ulit sa Mainland China. Kung hindi papalagan ng lahing kayumanggi ang paggagago ng China sa atin, lalong lalakas ang loob nila…

Read More

PONDO NG GOBYERNO PARA SA MGA OFW, IBINIGAY NA SA OWWA

MALABO nang mangyari ang kinababahala ng maraming OFW na mabangkarote ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Dahil magpapalabas na ang Department of Budget and Management ng hinihinging P5 bilyong pisong pondo na ayuda sa OWWA. Magugunita na dumulog si Labor Secretary Silverstre Bello III at OWWA Administrator Hans Cacdac sa kongreso upang ipakiusap na magbigay ng pondo ang gobyerno para matustusan ang pangangailangan ng mga uuwing OFW na tinatayang aabot sa 250,000 hanggang Disyembre 2020. Sa totoo lang, tunay akong sumasaludo kay Administrator Cacdac sa kanyang maagap na pagkilos upang…

Read More

PDU30 GALIT DAHIL WALANG UPUAN SA NAIA

KUNG hindi pa na-PUNA ni Pangulong Rodrigo Roa Duteterte na sa sahig lang naka-upo ang mga kawawang stranded na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay hindi madadagdagan ang mga u puan sa paliparan. Naawa ang pangulo sa kalagayan ng mga stranded sa NAIA kaya hindi niya natiis na PUNAhin kung bakit sa sahig lang nakaupo ang mga ito. Kinukulangan nga ba ng mga upuan sa NAIA o talagang ayaw lang nila paupuin ang mga stranded? Sa pananalita ni Pangulong Duterte ay ipinakikita niya ang kanyang pagiging ama sa…

Read More

BAKIT KONTRAPELO SA TRADITIONAL MEDICINE?

HINDI ko maiwasang maghinala talaga sa Department of Health (DOH) at maging sa grupo ng mga medical professionals dahil lahat ng mga traditional na gamot ay kinokontra nila. Tulad nitong tuob o steam inhilation na kinontra ng DOH at mga organisasyon ng mga medical professionals dahil maraming gumagawa nito sa panahon ng pandemya sa COVID-19. Hindi naman sinasabi ng mga nagtu-tuob na maka­kagamot ito sa COVID-19 pero malaking ginhawa sa mga gumagawa nito para lumuwag ang kanilang paghinga, mapagpawisan ng husto, mawala ang pangangati sa kanilang lalamunan. Isa sa mga…

Read More