KAILANGAN sigurong baguhin ang sistema sa paghahain ng aplikasyon sa prangkisa ng mga broadcast network upang hindi mapagdudahan ang mga kongresista na mayroon silang personal na interest sa kumpanya. Sa ngayon kasi, ang mga kongresista ang mismong naghahain ng panukala para sa aplikasyon ng prangkisa ng mga television at radio station kaya talagang pagdududahan sila ng mga tao. Tulad nitong prangkisa ng ABS-CBN, 18 Congressmen/women ang nasa likod ng 12 panukalang batas sa Kamara para i-extend ang prangkisa ng network ng panibagong 25 taon. Sigurado, boboto agad ang mga iyan…
Read MoreCategory: OPINYON
RENTAL PAYMENT NGAYONG PANDEMIC, PAANO NA?
MAY mga natanggap tayong e-mail mula sa mga nangungupahan at nagpapaupa ng apartment na nagtatanong kung ano ang gagawin nila ngayong may kinakaharap na pandemic – ang coronavirus disease 2019. Uunahing bigyan ng pansin ng PUNA ang mga reklamo ng mga mangungupahan laban sa nagpapaupa bagaman may mababait na nagpapaupa na naiintindihan ang sitwasyon ng mga taong umuupa sa kanila na karaniwan ay mga manggagawa na naapektuhan dahil sa tigil trabaho upang maipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) na panlaban sa virus habang wala pang natutuklasang gamot o bakuna. Noong…
Read MoreSTRANDED APPLICANTS ABROAD, NANAWAGAN SA IATF AKO OFW
HABANG abalang-abala ang Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para sa pagpapauwi ng stranded overseas Filipino workers (OFWs), mayroon namang mga locally stranded individuals (LSI) na humihingi rin ng pansin at tulong. Sila ang mga aplikante patungong ibang bansa na kasalukuyan nakaistambay sa mga accommodation ng mga Philippine Recruitment Agencies (PRA) dahil hindi natuloy ang pagproseso ng kanilang pag-alis sa bansa bunga ng enhanced community quarantine (ECQ). Sa dokumento na aking nakalap, umaabot sa 4,935 ang kabuuang bilang ng mga stranded na aplikante kung saan 1,016 sa…
Read MoreOFWs, PATUNAYANG BAYANI
MATAGAL nang itinuring na “bayani” ng modernong kasaysayan ng Pilipinas ang overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa natatanging ambag nila sa ekonomiya ng bansa. Ang OFWs ang sumalo sa ekonomiya ng bansa noong panahon ng termino ni Corazon Cojuangco Aquino sapagkat bagsak na bagsak ang ekonomiya natin noon. Dahil sa padalang pera ng mga manggagawang Filipino mula sa iba’t ibang bansa ay hindi naging literal na ‘zero’ ang gross domestic product (GDP) sa panahon ni Aquino. Mula kay Aquino hanggang sa kasalukuyang panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ‘signipikante’ at…
Read MoreEDUKASYON O BUHAY NG ANAK SA GITNA NG COVID-19?
PINAGDEDEBATEHAN kung nararapat bang ituloy ang pagbubukas ng klase para sa school year (SY) 2020-2021 sa Agosto 24. Parehong may katuwiran ang mga pabor at hindi pabor na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase. Puro galing sa mga pulitiko lang ang naririnig nating opinyon pero ang apektado sa isyung ito ay ang mga magulang na sa totoo lang ay nagdadalawang-isip kung ie-enroll ba ang kanilang mga anak ngayong pasukan. Hindi mo masisisi ang mga magulang kung hindi nila ie-enroll ang kanilang mga anak dahil walang kasiguraduhan na ligtas ang mga bata…
Read MoreOFW ADVISORY COUNCIL SA LGU, NAPAPANAHON NA
MABUTI na lamang at inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapauwi ang mga stranded na Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa quarantine facilities ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Halos araw-araw ay laman ng mga balita sa telebisyon, radyo, social media at mga pahayagan ang mga reklamo tungkol sa pagkainip ng mga OFW na nasa mga hotel. Maging ako ay araw-araw na tinatawagan ng ilang OFWs na humihingi ng tulong upang makakuha sila ng kanilang Covid Test Clearance. Target ng reklamo ang OWWA dahil akala ng mga nagrereklamo na OWWA…
Read MoreMGA EMPLEYADO NG ABS-CBN, BIKTIMA
MAITUTURING na biktima ang mga manggagawa ng Kapamilya Network sa pagkawala ng trabaho ng mga ito at kung tutuusin ay walang ibang dapat sisihin sa pagkapaso ng prangkisa ng nasabing kumpanya kung hindi mismong ABS-CBN at mga may-ari nito na pamilya Lopez. Paulit-ulit na nga nating nababasa sa diyaryo at internet at naririnig sa mga radyo at telebisyon ang mga balita na sa panahon pa ng kanilang kakampi na si dating Pangulong Noynoy Aquino ay alam na nilang kailangang isalang sa kongreso ang prangkisa upang ma-renew subalit mistulang nagkampante ang…
Read MorePAGBABAWAL SA ‘MOTORCYCLE RIDING COUPLE’ ‘DI MAKATWIRAN
HINDI makatuwiran at lalong hindi makatotohanan ang ipinatutupad na pagbabawal ng mga awtoridad sa mag-asawang magka-angkas sa motorsiklo. Marami sa taumbayan ang hindi pabor lalo na ang mga hindi kayang bumili ng 4 wheels na sasakyan sa patakarang ipinatutupad ng pamahalaan sa panahong ito ng community quarantine. Bakit? Simple lang ang kasagutan na hindi lingid sa kaalaman nang gumawa ng patakaran ito na kahit anong gawin nila ay hindi mangyayari ang ‘social distancing’ sa mag-asawa. Sabi tuloy ng mga tagasubaybay ng PUNA, bakit si Department of Health (DOH) Secretary Francisco…
Read MoreSABI NA NGA BA EH
BAGO pa man naglockdown ang Pilipinas, marami na tayong naririnig na impormasyon na may mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang tinamaan na ng coronavirus disease 2019 o COVID-19. Enero pa lamang ng taong ito marami nang kumakalat na impormasyon na may POGO workers na nagkaroon ng mabagsik na virus at dinadala raw sa isang POGO hub at doon ginagamot. Hindi lang malinaw kung saang POGO hub dinadala ang POGO wokers na COVID-19 positive pero kumakalat na ang impormasyon hinggil sa pagkakasakit ng mga dayuhan. Ang…
Read More