WALANG makapipigil sa mga leader ng Overseas Filipino Workers (OFWs) kahit pa magkakalayo ng kinaroroonan ang bawat isa. Dahil ito sa makabagong teknolohiya o paraan na kung tawagin ay ‘Web-based Seminar’ o ‘Webinar’. Ang Webinar ay isang paraan na ginagamit na pagle-lecture, workshop at seminar na sumikat dulot ng pagkakaroon ng lockdown. Sa pamamagitan ng webinar ay naipagpapatuloy ang meetings ng mga kumpanya at opisina ng gobyerno para sa kinasasanayan na work from home. Ito rin ang kasalukuyang ginagamit ng OFW leaders upang makipag-ugnayan sa opisyales o kinatawan ng pamahalaan…
Read MoreCategory: OPINYON
GINHAWA SA GITNA NG PANDEMYA
UNTI-UNTI nang nagsisimula muli ang kabuhayan ng mga Filipinong naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) dulot ng pandemyang COVID-19. Nagbukas at balik-operasyon na ang karamihan sa mga industriya, bagama’t limitado pa rin ang transportasyon at mahigpit na ipinapatupad ang social distancing. Kasabay nito, isa-isa na ring nag-uumpisa ang utilities at mga bangko na mag-abiso tungkol sa mga nakabinbing bayarin na hindi nasingil noong tayo ay naka-quarantine. Hindi mapipigilan ang ilan na- kwestiyunin ang sitwasyon, at umapela na bigyan sana pa ng konsiderasyon at panahon na makapag-adjust muna bago maglabas ng…
Read MoreKALIGTASAN NG MGA OBRERO TIYAKIN
MALAKING bahagi ng pwersa ng mga manggagawa na naninilbihan sa Metro Manila ay mga residente ng lalawigan ng Rizal. Sa bahagyang pagbubukas ng iba’t-ibang industriya at mga pagawaan sa Metro Manila noong nakaraang Lunes, dahil sa pagluwag ng mga patakarang nakaumang laban sa COVID-19, marami sa mga Rizaleño na namamasukan sa National Capital Region ang lumuwag ang paghinga dahil sa panibagong pagkakataon sa kabuhayan. Sa kabila nito, nandyan pa rin ang agam-agam ng marami sa kanila dahil sa banta ng virus na ito. Kaya tayo ay nananawagan sa kanilang mga…
Read MoreDUQUE SABLAY SA COVID-19 ‘2ND WAVE ISSUE’
MINSAN na ring na-PUNA ng inyong lingkod itong si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III kamakailan sa kanyang pagsasabi na wala pa raw local transmission ng COVID-19 sa Pilipinas kahit na ang isang nagpositibo ay walang travel history abroad. Natatandaan pa natin na ang kaso ng COVID-19 sa Pinas noon ay tatlo pa lamang at ang isa na nagpositibo ay hindi lumabas ng bansa, pero ipinipilit ng kalihim na wala pa raw local transmission sa atin. Sabi tuloy ng tagasubaybay ng PUNA, saan nahawaan ang isang nagpositibo sa…
Read MoreSI DUTERTE NA LANG MAY TIWALA KAY DUQUE BADILLA NGAYON
HINDI matatanggal si Dr. Francisco Duque III bilang kalihim ng Department of Health (DOH) kahit naglabas ito ng impormasyon tungkol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na taliwas na taliwas sa pananaw ng mga opisyal ng Malakanyang, lalo na syempre ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kamakailan, sinabi ni Duque, nasa ‘second wave’ na ang Pilipinas sa COVID -19. Maraming nagulat dito, lalo na mga opisyal sa Malakanyang dahil hindi ganito ang “impormasyon” na natanggap nila kaya naman kaagad iwinasto ni Roque ang maling pahayag ni Duque. Ngunit, hindi pinagalitan o pinagtaasan man…
Read MoreMALI SI ROQUE SA ‘MASS TESTING’
MALINAW ang idiniin ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Harry Roque Jr. na walang ‘mass testing’ na ilulunsad ang pamahalaan para malaman at matukoy sinu-sino na ang mayroong coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ipinunto at iginiit ni Roque na mali ang konsepto o salitang mass testing. Aniya, imposible naman ang mass testing dahil wala namang bansa na kayang suriin at alamin kung ang buong mamamayan nito ay mayroong COVID-19 o wala. Kahit ang China ay milyun-milyong mamamayan nito ang kaya tulad nang ginawa sa Wuhan City, ngunit hindi…
Read MoreBALIK PROBINSYA, MALABO PA SA TAGUMPAY
TALAGANG bumalik sa probinsya ang mga nasa Metro Manila na apektado ng coronavirus disease 2019 pandemic lalo na ang nawalan ng hanap-buhay at nangungupahan lang sa lungsod. Sa katunayan, bago nag-lockdown ang gobyerno noong Marso 12, marami ang nag-uwian sa kani-kanilang probinsya lalo na noong malaman nilang magsasara din ang mga negosyo sa Metro Manila. Ang iba namang manggagawa, pinauwi ang kanilang pamilya sa kanilang probinsya bago mag-lockdown pero hindi na sila nakauwi dahil wala nang masakyan at bawal nang pumasok sa kanilang probinsya ang mga galing sa Metro Manila.…
Read MoreBALIK PROBINSYA PROGRAM MAGTAGUMPAY KAYA?
MAGANDA sana ang ‘Balik Probinsiya Program’ ng gobyerno kung masusuportahan at mabibigyan ang mga nag-avail nito ng tulong sa pagkakakitaan na panghabang-buhay. Karamihan kasi ng mga probinsiyano ang alam ay nasa Kamaynilaan ang oportunidad dahil dito matatagpuan ang mga naglalakihang mall, pabrika, unibersidad at mga opisina ng gobyerno. Pero, kung unti-unting magagawa ng gobyerno na magkaroon ng mga pabrika o pagawaan sa mga lalawigan para magkaroon ng trabaho ang mga probinsiyano ay mas pipiliin nila na manatili na lamang sila sa kani-kanilang mga lalawigan. Inirereklamo rin ng mga probinsiyano ay…
Read MorePANAWAGAN PARA SA OFW PENSION PLAN, LUMALAKAS
BUMUHOS ang suporta ng maraming OFW at mga li der ng iba’t ibang samahang OFW para sa panawagang pagkakaroon ng OFW Pension Plan. Marami ang nag-share ng link ng aking column at may isa pa nga na kinopya ang buong artikulo at di nagdagan ng ilang salita at ipinost sa Facebook. Hinihiling ng mga OFW sa kongreso na rebisahin ang Republic Act 10801 na may titulong “AN ACT GOVERNING THE OPERATIONS AND ADMINISTRATION OF THE OVERSEAS WORKERS WELFARE” upang maidagdag sa tungkulin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagkakaloob…
Read More