NAPAKAHIRAP talaga ng situwasyon natin ngayon mga ka-SAKSI at mga kabalat. Dahil hindi natin alam na sa pagbabago ng enhanced community quarantine (ECQ) tungo sa general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) ay makababalik na tayo sa ating hanapbuhay subalit malalagay naman tayo sa kapahamakan. Hindi kasi naging ganoon kadali ang situwasyon partikular na doon sa mga ka-SAKSI natin na walang sariling sasakyan, dahil sa halip na hanapbuhay ang intensyon nila paglabas ng bahay ay parang kapahamakan pa ang kanilang masusumpungan. Sa hirap kasing makasakay ng pampublikong sasakyan…
Read MoreCategory: OPINYON
BAGO LUMIPAD, MAGPLANO MUNA SA PAGLAPAG
MARAMING aral din naman ang naidulot ng kasalukuyang dinaranas na krisis dahil sa Covid Pandemic. Kung dati ay halos hindi naapektuhan ang kabuhayan o trabaho ng mga OFW, pero sa pagkakataong ito, maging ang mga seafarer at mga OFW na may magandang hanapbuhay at kumpanya ay hindi pinatawad sa krisis na nagaganap. Sabi nga ng ilang OFW na aking nakausap, mabuti-buti pa nga ang mga OFW na kasambahay kumpara sa skilled workers na ‘no work-no pay’ sapagkat ang mga kasambahay ay tuluy-tuloy ang trabaho, suweldo at pagkain samantalang ang mga…
Read MoreMAKABAGONG PARAAN, TULONG Sa MGA PINAGKAITANG BILANGGO
SA gitna nang pagsuspinde ng mga pribilehiyo sa pagbisita sa bilanggo dahil sa coronavirus pandemic, ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay nagpaabot ng pasasalamat sa inyong lingkod bunsod nang pagsisikap nating matiyak na ang mga bilanggo ay may ‘access’ pa rin sa konsultasyon sa abogado at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng digital na teknolohiya. Kamakailan lang, tayo ay nag-donate ng 40 computer para sa malalayo at sobrang masisikip na mga kulungan sa buong bansa. Labis itong ikinagalak ng BJMP dahil makatitiyak ang mga bilanggo…
Read More‘WAG MAKIPAG-AGAWAN SA LIBRENG COVID TEST
KUNG mayroon pinamaka-suwerteng empleyado sa buong mundo kasama na ang Pilipinas ay ang mga state employees dahil tuloy tuloy ang kanilang sahod kahit walang kita ang gobyerno. Taliwas sa mga manggagawa sa pribadong sektor lalo na ang no work-no pay employees o ang mga tinatawag nating contractual employees na nawalan ng kita sa nakaraang halos tatlong buwan. Sa government employees maliban lang siguro sa mga contractual at job order employees, tuloy-tuloy ang kanilang sahod at naibigay pa ang kanilang mid-year bonus. Oo, nagtatrabaho sila sa panahon ng community quarantine sa…
Read MoreTRABAHO PARA SA MILYONG PABALIK NA OFWs
HANDA na ba ang ating bansa sa pagbabalik ng isang milyong overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa ibang bansa? Nakababahala talaga ang report na ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) . Sa nakaraang House committee on overseas workers affairs meeting ay ibinunyag ni DOLE–International Labor Affairs Bureau (ILAB) Chief Alice Visperas na aabot sa 1,005,031 ang bilang ng OFW na mawawalan ng trabaho. Ayon sa report ni Visperas, “The sea-based OFWs are 40 percent, while the other 60 percent are land-based. By the agency’s projection,…
Read MoreTULUNGAN SA PAGBANGON TUNGO SA ‘NEW NORMAL’
NGAYONG araw, matapos ang 78 na araw sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), ang ating lungsod ay isasailalim na sa general community quarantine o GCQ. Ito ay matapos pag-aralan at irekomenda ng iba’t-ibang mga alkalde sa Metro Manila sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Ibig sabihin nito ay pinahihintulutan na ng gobyerno ang pagbubukas ng mga negosyo upang buhaying muli ang ating ekonomiya. Lilimitahan na lang ang mahigpit na quarantine restrictions sa mga lugar o lungsod na madedeterminang mga delikado. Sa ilalim ng GCQ, pinahihintulutan ng…
Read MoreLGUs ‘BIG NO’ SA BALIK PROBINSIYA PROGRAM
MARAMING local go-vernment unit chief executives ang malaki ang tumututol sa “Balik Probinsiya Program” ng Gobyerno. Bakit kamo? Kasi nanganganib daw ang kanilang mga kababayan na mahawaan ng coronavirus disease 2019. Tama nga naman dahil hindi nga sila nakasisiguro na ang mga benepisyaryo ng programang ito ng pamahalaan ay hindi kinapitan ng salot na virus. Noong Mayo 20, 2020, nagkaroon ng ‘send off’ ng 112 katao na benepisyaryo ng Balik Probinsiya Program sa may Manila Seedling, Agham Road, Quezon City na sumakay sa limang bus patungongng Leyte kung saan ay…
Read MoreCALIDA, IPAPAPATAY NG TERORISTANG CPP/NPA/NDFP?
SIMULA nang itatag ang Communist Party of the Philippines (CPP) noong 1968, New People’s Army (NPA) noong 1969 at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) noong 1964 ay marami ng kapwa nating Filipino ang napatay at namatay dahil sa pangmatagalang armadong pakikibaka ng grupong ito. Iyong napatay ay mga taong sinadyang ipapatay ng pamunuan ng CPP/NPA/NDFP, samantalang pumapatungkol naman sa mga taong natodas sa gitna ng labanan ng mga “mandirigma” ng NPA at mga sundalo at pulis ng pamahalaan ang namatay. Ang masama ay mayroong mga kapitalista, opisyal ng…
Read MoreLEGAL ANG TAX AVOIDANCE BADILLA NGAYON
ILANG ulit nang binanggit ng mga reporter at news reader ng TV Patrol ng Alto Broadcasting System – Chronicle Broadcasting Network (ABS-CBN) sa mga nakalipas na buwan na nagbabayad ng buwis ang kanilang kumpanya. Gamit ang datos ng Bureau of Internal Revenue (BIR), idiniin ng mga reporter at news reader ng TV Patrol na walang utang na buwis ang ABS-CBN sa pamahalaan, lalo na sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang paulit-ulit na pagdiin nila sa publiko ay direktang sagot sa mga nag-aakusa sa ABS-CBN na hindi ito nagbabayad ng…
Read More