PAGSASAMANTALA SA PANAHON NG KALAMIDAD

DPA

SA panahon ng kalamidad, karaniwang nagtutulungan ang mga apektadong magkakapitbahay lalo na sa probinsya. Kapag may malakas na bagyong parating, ang mga kapitbahay mo na hindi matatag ang bahay ay awtomatikong kinukupkop mo sila sa inyong bahay na mas matatag kesa sa kanila. Nakaugalian na ‘yan sa mga probinsya dahil importanteng maisalba mo ang buhay ng kapitbahay mo na nanganganib sa parating na bagyo. Nakamulatan ‘yan ng inyong DPA, as in Deep Penetration Agent, at hanggang ngayon ay ginagawa pa ‘yan. Pagkatapos ng bagyo, nagtutulungan ang mga magkakapitbahay para itayo…

Read More

OBLIGADO NANG MAGDESISYON SI DUTERTE

BADILLA NGAYON

SUNUD-SUNOD na ang kasamaan at kabalbalang nagaganap sa Pilipinas nitong mga nakalipas na araw. Una, sobrang bagal ng pamamahagi ng ayudang pinansiyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa 4.9 milyong kabahayan ang hindi nabigyan sa unang batch ng ayudang galing sa Social Amelioration Program (SAP) batay sa rekord ng DSWD. Ikalawa, idiniin din ni Roque na hindi na mabibigyan sa ikalawang batch ng SAP ang mga pinakamahihirap na pamilyang nakatira sa mga lugar na wala na sa enhanced community quarantine…

Read More

ABS-CBN, MALABO PA MAKABALIK SA ERE

PRO HAC VICE

MUKHANG mahabang panahon pa ang bubunuin ng ABS-CBN upang muli itong makapagsahimpapawid. Kasi nga sa ‘unanimous vote’ ng mga mahistrado ng Korte Suprema (KS), hindi nito pinagbigyan ang hirit ng Kapamilya Network na magpalabas o mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) na hahadlang sa pag-iral ng cease and desist order (CDO) na inisyu ng National Telecommunication Commission (NTC) laban sa pagpapatuloy ng operasyon ng ABS-CBN makaraang mapaso na ang prangkisa ng nasabing network noong Mayo 4, 2020. Sa halip na TRO, pinagkukumento ng mga mahistrado ng Supreme Court (SC) ang…

Read More

OFW PENSION, MULING ISINUSULONG

AKO OFW

  MARAMING isyu ang muling nabuksan dahil sa nararanasang pandemyang COVID-19 na kinakaharap ng buong mundo. Isa na rito ang reyalisasyon ng mga datihang Overseas Filipino Worker (OFW) na sa ganitong pagkakataon na dumaranas tayo ng krisis, wala palang maaring asahan ang mga dati o retired OFW. Karamihan sa mga retired o ex-OFW ay hindi man lamang napabilang sa nabigyan ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Department of Labor and Employment (DOLE). Marami pa nga sa kanila ay nagpapadala ng messages sa inyong lingkod…

Read More

PALIWANAG SA PAGTAAS NG BAYARIN SA KURYENTE NGAYONG MAYO

Sa Ganang Akin

BILANG pagsunod sa ipinatupad ng pamahalaan na enhanced community quarantine (ECQ), pansamantalang ipinahinto ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagbabasa ng metro bilang pagsasaalang-alang sa kaligtasan at kalusugan ng customers at   meter readers. Bunsod nito, nagkaroon nang pag-estimate ng bill ng customers para sa buwan ng Marso at Abril. Ang pag-estimate ng bill ng customer base sa average ng huling tatlong buwan na  konsumo ng mga ito ay pinapayagan sa  ilalim ng Distribution Services and Open Access Rules (DSOAR) na ipinalabas ng Energy Regulatory Commission (ERC). Para sa buwan…

Read More

DOFW, TINULUGAN NA NGA BA NG SENADO?

AKO OFW

NAGHIHIMUTOK na ang mga OFW sa tila hindi pagbibigay ng importansya ng Senado na talakayin ang panukalang batas  upang maitayo ang Department of Overseas Filipino Workers (DOFW). Bagaman nauunawaan ng mga OFW na maraming importanteng bagay ang dapat pagtuunan ng pansin ng Senado, ngunit mas naniniwala sila na ang kapakanan ng milyon-milyong OFWs ay mas higit na importante kaysa sa isyu ng prangkisa ng isang pribadong kumpanyang ABS-CBN Corporation. Nagawa kasi ng Senado na magbalangkas ng panukalang batas upang pagkalooban ng provisional franchise ang ABS-CBN kahit sa pamamagitan lamang ng…

Read More

ECQ PROTOCOL PINAGTAWANAN SA B-DAY PARTY?

PUNA

TRENDING ngayon at pinuputakte ng netizens ang YouTube video ng birthday party ni Sto. Tomas, Pangasinan Mayor Timoteo “Dick” Villar III noong May 6, 2020. Na-PUNA ng netizens na hindi nasunod ang physical distancing sa pagtitipon sa bandang madaling araw ng nasabing petsa. Kitang-kita sa YouTube na kinamayan ni Mayor Villar, noon ay walang suot na face mask, ang kanyang mga panauhin. Malinaw na hindi nasunod ang physical distancing dahil sa kanyang pagkamay sa mga bisita na wala ring espasyo sa kanilang mga pagitan. Ayon sa nakuhang impormasyon ng PUNA,…

Read More

ATTY. FELONGCO, PINUNO NG NAPC LIDER PA NG KnM? 

Badilla Ngayon

NAKARATING sa inyong lingkod  na dalawang sectoral representatives ang nakabasa ng Badilla Ngayon na ang paksang ay ang National Anti-Poverty Commission (NAPC). Siyempre, hindi gusto ng sectoral representatives na mabuwag ang NAPC dahil kahit paano ay mayroon itong pakinabang sa kanila. Iyong isang nakabasa ng Badilla Ngayon, nagulat dahil naibunyag sa kolumn ang paghahanda nina Atty. Noel Felongco (NAPC secretary/lead convenor) at Elias Labro, Jr. (head executive assistant at chief of staff ni Felongco) ang pagtakbo sa eleksyon ng sistemang party-list sa 2022 gamit ngayon ang NAPC at ang Koalisyon…

Read More

HIRAP SA PAGSAKAY LALONG TITINDI

DPA

HINDI ko maimagine kung ano ang pagdaraanang hirap ng commuters kapag pinayagan na silang bumalik sa kanilang trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic dahil lilimitahan ang pasahero sa lahat ng pampublikong sasakyan. Bago nagkaroon ng pandemic, hirap na hirap na ang mga commuter sa pagsakay papasok sa trabaho at maging sa kanilang pag-uwi sa kanilang bahay dahil sa kakakulangan ng maayos na transport system sa ating bansa lalo na sa Metro Manila. Kapag lumalabas  ka ng madaling araw, makikita mo ang napakaraming kababayan natin na nag-aabang na nang masasakyan para…

Read More