SIMULA nang hindi kinilala ng mga naging pangulo ng bansa ang aspeto ng ‘seniority’ sa pagpili ng hepe ng Philippine National Police (PNP), maging ang direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ay naging ‘regular’ na “kandidato” sa pagiging pinuno ng pambansang pulisya. Ang tawag sa NCRPO director ay “dark horse” sa mga pinagpipiliang hepe ng PNP. Ngayong termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang NCRPO director noon na si General Oscar Albayalde (major general siya sa panahong ito) ang pumalit kay General Ronald dela Rosa sa puwesto. Napili ni Duterte…
Read MoreCategory: OPINYON
KAMAY NA BAKAL VS PASAWAY
SUNOD-SUNOD ang mga post sa social media ng mga atake sa mga opisyal ng gobyerno lalo na kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Kamakailan nahuli ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang guro ng pampublikong paaralan na nakilalang si Ronnel Mas, 25, ng Sta. Cruz, Zambales dahil sa post nito noong Mayo 5, 2020 bandang alas-9 ng gabi sa twitter na nagsasabing magbibigay siya ng P50 milyon sa sinumang makapapatay kay Pangulong Duterte. Sa mga mahusay sa lohika, basa nila na mababaw ang dahilan ng galit ng…
Read MoreTULOY PA RIN ANG PANAWAGAN SA PHILHEALTH
MISTULANG natabunan ang usapin sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng ibang isyu kabilang nga ang pagsasara ng National Telecomunications Commission (NTC) sa istasyon ng ABS-CBN dahil sa kawalan nito ng prangkisa. Kasunod nito ay ang sunod-sunod na mga iresponsableng ‘social media post’ kung saan ay pinagbabantaan ang buhay ng ating Pangulong Rodrigo Duterte ngunit dahil sa mabilis na pag-askyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) upang agarang mahuli ang mga tao na nasa likod nito, ay unti-unting humuhupa ang usapin. Kaya naman marahil ay…
Read MorePAGBANGON PAGKATAPOS NG COVID-19
HINDI biro ang pinagdaraanang hirap ng bawat Filipino sa dagok sa buhay na ibinigay ng pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagmula sa Wuhan, China at kumalat sa buong mundo. Sabagay, hindi lang naman ang Pilipinas ang lubhang naapektuhan subalit maging ang iba pang bansa, maliit o malaki, tulad ng Amerika, Espanya at Italya. Buhay, kalusugan, kabuhayan, kaligayahan, kalayaan at iba pang mayroon tayo ay inagaw ng hindi nakikitang virus na kinatakutan ng marami. Gayunman, dahil sa pagtutulungan ng bawat Filipino, pwera ang mga pasaway na kahit paulit-ulit na sabihan…
Read MoreKOALISYON NG MARALITA AT NAPC NAGHAHANDA SA ELEKSYON 2022
HINDI kontrobersiyal na ahensya ng pamahalaan ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) kaya hindi gaanong nababalita at pinag-uusapan ng mga tao. Isang beses ko nga lang nabalitaan ang NAPC kung saan ay pinag-usapan ng maraming tao, lalo na ng mga kabilang sa kaliwang grupo at komunista. Marahil, umabot ang nangyari sa NAPC sa “The Netherlands” kung saan matagal nang nakatira si Jose Ma. Sison at ang kanyang maliit na pangkat ng Communist Party of the Philippines (CPP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Ang kontrobersiyal na balitang binabanggit ko…
Read MoreATTENDANCE SA KAMARA NAKUMPLETO RIN
NAGKAROON na ng dahilan ang mara ming mambabatas sa Kongreso na makumpleto ang kanilang attendance dahil virtual na ang kanilang session at hindi na sila kailangang personal na pumunta sa Batasan Complex para lang sa physical counting. Nitong mga huling virtual session ng Kamara, nakakatuwang makita na umaabot sa 303 ang kanilang attendance bagay na bihirang-bihirang nangyayari sa panahong normal pa ang kaganapan. Dati-rati, mahigit 200 o mas mababa pa ang attendance na naitatala tuwing may session ang Kamara dahil marami sa mga mambabatas ang absent at hindi talaga nagpupunta…
Read MoreKAPAMILYA NETWORK, BAKIT NAGKAGANOON?
NAKAPANGHIHINAYANG na ang isang hinahangaan mong media outfit na akala mo ay totoong nagseserbisyo sa bayan na tapat at sumusunod sa itinatadhana ng ating Saligang Batas ay mayroon palang itinatagong lihim na paglabag dahil sa pagiging isang dayuhan nito. At kahit mga politiko na matagal nang nagtatago dahil sa takot na mahawaan ng coronavirus disease 2019 ay naglutangan at umepal pa bukod pa sa mayroong nagsasabi na kakausapin si Pangulong Rodrigo Duterte upang mabawi ang inisyung cease and desists order (CDO) ng National Telecommunication Commissions (NTC) laban sa ABS-CBN. Bakit…
Read MoreRETIRADONG OFW, NALIMUTAN NA NGA BA NG GOBYERNO?
BAGONG bayani kung ituring ang mga OFW sa panahon na sila ay nasa ibang bansa at kumikita pa, pero mistulang basahan na lamang kung ituring kapag retirado na. Ito ang himutok ng mga retirado o ex-OFW matapos na sila ay tila nilalagpas-lagpasan na lamang ng mga ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng ayuda. Kabilang na rito ang Department of Social Welfare and Development na kung saan hindi sila napasama sa sektor na dapat na mapagkalooban ng Social Amelioration Program (SAP). Ayon sa sumbong ng mga retiradong OFW, noong namigay ng…
Read MoreSANA NGA PAGSUBOK LANG
HANGGANG ngayon, nag-iisip tayong mga Pinoy kung pagkatapos ba nitong ipinatutupad na social distancing at enhanced community quarantine (ECQ) ng pamahalaan sa layunin nitong labanan ang coronavirus disease 2019 o COVID-19 ay babalik kaagad ang buhay natin sa normal. Matagal-tagal din nga namang nanatili sa bahay ang maraming Pinoy bilang pagtulong at pagsunod sa kautusan ng pamahalaan subalit marami pa rin ang naging pasaway na bagaman may ipinatutupad na lockdown ay marami pa rin ang laman ng lansangan. Kaya naman patuloy ang pagdami ng mga nagpopositibo sa kaso ng…
Read More