CHINESE NAMAMAKYAW NA NG LUPAIN SA PINAS?

DPA

HINDI pa man naisasabatas ang panukalang payagang magkaroon ng 100 ‘percent ownership’ ang mga dayuhan sa Pilipinas sa negosyo at ari-Adrian ay may balitaan na kaagad tayo na namimili na ng lupain ang mga Chinese sa mga probinsya. Sa impormasyong nakarating sa inyong DPA as in Deep Penetration Agent, maraming Chinese ang naghahanap ng mga lupang maaari nilang bilihin kahit wala pang kasiguraduhan kung maipapasa ang panukalang ito sa Kongreso. Medyo nakababahala ang sitwasyon dahil mangangahulugan ito na tataas ang presyo ng mga lupa sa mga probinsya at ang dehado…

Read More

OFWs INIP NA SA MGA KINALALAGYANG HOTEL

AKO OFW

SAGAD na sa pagod ang mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dahil sa pag-aasikaso sa pangangailangan ng 24,539 na mga OFW na kanilang tinutulungan simula nang maideklara ang enhanced community quarantine (ECQ) kabilang na ang halos 9,000 mga OFW na kasalukuyang stranded sa halos 110 na quarantine facilities o hotels sa Metro Manila at karatig lalawigan. Kamakailan nga ay nagpalabas ng isang kalatas si OWWA Adiministartor Hans Leo Cacdac upang magpakumbaba at humingi ng paumanhin at pag-unawa sa mga OFW na naapektuhan ng kasalukuyang lockdown. Ayon kay Administrator…

Read More

COVID-19 PROBLEMA NA NG LAHAT

PUNA

KUNG mayroon mang apektado ng pandemia na COVID-19 na ito, hindi lang ang mga Chinese na pinagmulan nito subalit lahat kabilang na tayong mga nasa lahi ni Juan Dela Cruz. Maging ang lahi ni Uncle Sam, maging ang tinatawag na Holy Land na kinalalagyan ng mga Israeli ay kasama sa pineperwisyo ng veerus (virus) na tinatawag na coronavirus. At dahil walang kinikilalang kalagayan sa buhay, kasarian at edad ang COVID-19, walang nakaliligtas dito kung kaya ang tanging makalulutas ng problema ay tayo rin sapagkat hanggang ngayon ay wala pa ring…

Read More

NAPC DAPAT NANG BUWAGIN NG KONGRESO 

Badilla Ngayon

INILABAS ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Disyembre nang nakalipas na taon ang paghihimay, pagbusisi at pag-aaral nito sa nakuhang magkakaibang buhay ng 110 milyong Filipino. Ang sabi ng istatistika ng PSA noong 2015 ay pumalo sa 21.9 milyon ang kabuuan ng pamilyang Filipino na nabubuhay sa ‘ilalim ng guhit ng kahirapan.’ Kaya, itinuring o inilagay sila sa kategoryang ilalim ng guhit ng kahirapan ay dahil hindi pa umaabot sa P9,452 ang pinagsamang kita kada buwan ng mag-asawang pasok sa nasabing mahirap na kalagayan sa buhay noong 2015. Nang sumapit…

Read More

PAREHAS NA SAHOD SA MGA MANGGAGAWA

Badilla Ngayon

NABALITA sa media na umuusad ang mungkahi ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na “Balik – Probinsiya Program” (BPP). Katunayan, naglabas nang Executive Order No. 114 si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Mayo 6 tungkol sa kagyat na pagpapatupad ng BPP ni Go makaraang ipasa ng Senado ang Senate Resolution No. 380 nitong Mayo 4 na humihiling sa ­pangulo na ipag-utos nito sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang pagkakaroon at pagpapatupad ng BPP. Busug na busog sa magagandang salita ang EO 114 na nagbibigay ng mga malalakas na argumentong magbibigay…

Read More

PRESS FREEDOM BUHAY NA BUHAY

DPA

ISA lang ordinaryong tagakalap ng balita at impormasyon ang inyong DPA as in Deep Penetration Agent na sa tagal ko na sa industriyang ito, masasabi kong wala pa tayo sa panahon ng diktadurya. Hindi pa inaaresto ang mga kritiko ng gobyerno at hindi pinatatahimik ang mga mamamahayag sa kanilang opinyon. Sa katunayan, sobra-sobra ang nararanasan nating demokrasya sa Pilipinas. Hindi lang ang mga kagawad ng media ang nagsasalita sa panahong ito. Maraming netizen sa social media ang may mas malulupit na opinyon na kapag isinulat ng mga mamamahayag ay tiyak…

Read More

PINOY MAHILIG MAGHABOL

PUNA

NAGING kaugalian na ng mga Pinoy na pakuya-kuyakoy lagi sa umpisa at saka magkukumahog na humabol kapag nandiyan na ang ‘deadline’, kaya naman ganyan ang nangyari sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan na ipinagkatiwala noong una sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Hindi kaagad natapos ang pamamahagi na noong Abril 30 ay wala pa halos sa kalahati ang naayudahan kung kaya’t napilitan ang Department of Interior and Local Government (DILG) na bigyan ang local government units (LGUs) nang hanggang kahapon (Mayo 7)  upang tapusin ang pamamahagi ng…

Read More

OFW AT ABS-CBN, MAY UGNAYAN BA?

AKO OFW

SAMU’T-SARI ang naging reaksyon ng mga OFW matapos tuluyang  ipatigil  ng National Telecomunication Commision ang operasyon ng ABS-CBN nitong Mayo 4, 2020 dahil sa kawalan o expired na prangkisa. Marami ang nagbunyi at umano’y ito na ang karma at kapusan ng “bias” na pagbabalita ng TV Patrol at ng iba pa nitong programa na sa pananaw nila ay masyadong kritikal sa ating pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ilan pa nga sa mga nagtatanggol sa ABS-CBN ay awtomatikong tinatawag na anti-Duterte o dilawan ng mga OFW at sector na “diehard supporter ni…

Read More

SULONG, LABAN OFWs!

Badilla Ngayon

EKSAKTONG 336,809 ang overseas Filipino workers (OFWs) ang nag-aplay ng programang AKAP ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang mabigyan sila ng ayudang tig-P10,000 bawat isa makaraang mawalan ng trabaho nang patigilin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang ekonomiya ng napakaraming bansa sa daigdig. Batay ito sa kalatas ng DOLE na inilibas nitong Mayo 2. Sa bilang na ‘yan, 85,849 OFWs ang nakatanggap na ng ayuda habang pinag-aaralan pa ng DOLE ang aplikasyon ng natitira sa 336,809. Kaso, tiniyak na ni DOLE Secretary Sylvestre Bello III na hindi lahat…

Read More