HINDI ko maintindihan kung bakit masyadong mabagal ang pamamahagi ng Social Amelioration Fund sa 18 milyong pamilyang target sa ‘financial aid’ na habang sila ay walang mapagkukunan dahil sa obligado silang mag-quarantine. Sa 18 milyong pamilyang target na tutulungan, 4.1 milyon ay mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na kung tutuusin, 14 milyon lang ang bagong aayudahan (na pansamantala). Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kahit may master list na sila ng 4Ps ay mayroon pa rin silang backlog na halos isang milyon samantalang anim na linggo na ang…
Read MoreCategory: OPINYON
NO PERMIT, NO BROADCAST… PERIOD
ITO ang simpleng pagsasalarawan sa problemang kinahaharap ng Alto Broadcasting System – Chronicle Broadcasting Network (ABS-CBN) at hindi pag-atake sa press freedom o pagsikil sa malayang pamamahayag katulad nang pagpupumilit ng ilang mapanlinlang na sector kabilang na ang mga dayuhang news at media outfits. 2014 pa nakabinbin sa mababang kapulungan ng Kongreso ang renewal ng prangkisa ng nasabing higanteng network, mga panahon ng kasagsagan ng Liberal Party (LP) ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, dating Senate President Franklin Drilon at dating Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte na pawang mga kilalang kaalyado…
Read MoreECQ, IKALAWANG BUGSO NG COVID-19
NANINIWALA ako sa pahayag ni Mayor President Rodrigo Duterte na hangga’t walang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ay mananatili ang enhanced community quarantine (ECQ) sa mga lugar na may mataas na bilang ng naturang pandemic na karamdaman. Kasi naman kapag binawi na ang deklarasyon sa ECQ sa NCR at iba pang lugar na mayroong mataas na bilang ng COVID-19 ay baka mangyari ang kinatatakutan ng Pangulong Duterte na i kalawang bugso nang pagkalat ng virus na mismong ang pangulo ang nagsabi na hindi na kakayanin pa ng…
Read MorePWEDE NA BA MAG-CHILLAX ANG MGA OFW SA ISYU SA PHILHEALTH?
MISTULANG nabunutan ng tinik sa dibdib ang mga OFW matapos magpalabas ng anunsiyo ang Malacanang kung saan ay itinatagubilin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi na kailangan maging mandatory ang pagbabayad nito, bagkus ito ay voluntary na lamang. Sobrang nagbunyi ang mga OFW matapos na malaman ang tagubilin ng pangulo na dahilan upang bumuhos na muli ang samu’t-saring mensahe sa social media upang magpasalamat at ipagbunyi ang maituturing na tagumpay ng mga OFW dahil sa pagkakaisa sa panawagan na rebisahin ang panuntunan ng…
Read MoreDELAY NG P5K-P8K NG DSWD NASA LGUs NA
MISTULANG naghugas-kamay si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista sa nagaganap ngayong sobrang pagkabalam nang pamamahagi ng ayudang P5K hanggang P8K sa mga mahihirap na mamamayan. Ipinasa na nga ng kalihim sa local government units (LGUs) ang kapalpakan sa pagbibigay ng tulong ng gobyerno sa mga umaasang mamamayan na siya rin ang lumikha. Una, totoong ibinigay na ng DSWD ang pondo sa LGUs at bahala na ang LGUs na magbigay ng pondo sa mamamayan. Ang tanong, sapat ba ang ibinabang pondo ng DSWD para sa mga…
Read MorePALPAK NA POLITIKO, MAY TULOG SA COVID-19
KUNG nagkataong nangyari ang pandemic sa coronavirus disease 2019 na ito isang taon bago ang eleksyon, maraming politiko ang hindi na makababalik sa kani-kanilang puwesto. Masuwerte pa rin ang mga politiko dahil medyo malayo pa bago ang 2022 national at local election at may sakit na pagkalimot ang mga Filipino kaya puwede nilang makalimutan ang pinagdadaanan nilang dusa ngayon sa COVID-19. Iyan ay kung mareresolba kaagad ang problemang ito at magkaroon ng vaccine bago matapos ang taon upang makabalik na sa normal na pamumuhay ang mga tao dahil sobrang perwisyo…
Read MoreOFWs: REBOLUSYON VS PHILHEALTH; OWWA, MAY AYUDA SA MGA OFW
HALOS magdeklara ng rebolusyon ang mga OFW dahil sa bagong patakaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kung saan ang mga OFW ay kailangang magbayad ng halagang katumbas ng 3% sa kabuuang sweldo nito at tataas pa ito sa mga susunod na taon. Sangkaterbang online petitions na ang naglalabasan at isa nga rito ay mula sa Change.org na umaabot sa mahigit 241,700 ang umayon. Samantala, ang Ako OFW naman ay gumawa rin ng panawagan kay Senator Christopher “Bong” Go na chairman ng Senate Health Committee. Maganda naman ang konsepto ng pagkakaroon ng…
Read MorePAGKAKAISA, SUSI NG TAGUMPAY SA COVID-19
MARAMING pagkakataon na nating nasaksihan ang mga magandang epekto ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng ating bansa lalo na kapag may kinakaharap tayong pagsubok gaya ng mga kalamidad at ngayon, pandemya. Kapag nagkakaisa ang publiko at pribadong sektor, mas nagiging mabilis at madali ang pagharap sa mga pagsubok. Ito ay muling napatunayan nang matapos at makumpleto na ang ‘We Heal As One Center’ na gagamiting pansamantalang treatment facility para sa mga overseas Filipino worker na isasailalim sa mandatory quarantine at para rin sa mga nagpositibong kaso ng coronavirus disease…
Read MoreMOCHA SABLAY NA NAMAN
HINDI magandang ehemplo ang ginawa ni Mocha Uson na sa kabila nang bawal ang pagtitipon bunga nang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ay nagawa pa rin niyang dumalo sa pagtitipon ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Lian, Batangas kamakailan. Kitang-kita sa social media post noong Abril 26, 2020 na si Uson, bagaman nakasuot ng face mask, ay may mga katabing lalaking OFWs at nakapalibot sa kanila ang iba pa. Si Uson, deputy for administration ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA),…
Read More