KASAMA NA BA ANG MAYAYAMAN, MASASALAPI SA 4Ps? 

PRO HAC VICE

ALAM ninyo marami na akong naririnig kaugnay sa reklamong naiparating sa inyong lingkod kaya napapanahon na nga siguro na silipin o i-review ang listahan ng mga maswerteng miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na nakikinabang sa pondo ng gobyerno sa pamamagitan ng nasabing proyekto. Binuo ang nasabing programa para mabigyan ng ayuda ang mahihirap o tinatawag na poorest of the poor. Pero paano naman kung mayroong mayaman ang nakapasok o nakasali sa listahan? Ngayon naman ay ipapamahagi na ang amelioration package na may kabuuang na walong libong piso,…

Read More

P5-K – P8-K FINANCIAL ASSISTANCE PANGANGASIWAAN NG DSWD

PUNA

UUNAHIN muna ang profilling at validation ngayong linggo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa labing walong milyong Pinoy na bibigyan ng lima hanggang walong libong pisong (5k-8k) tulong pinansiyal dahil sa epekto ng coronavirus disease 2019. Ayon kay Irene Dumlao, spokesperson ng DSWD, makikipag-ugnayan ang kanilang tanggapan sa lahat ng Local Government Units (LGUs) para makakuha ng listahan sa nasasakupan ng mga ito na dapat mabigyan  ng social amelioration package. Magbibigay muna raw sila ng form para sa social amelioration card para malaman nila kung si u-sino…

Read More

MGA BARANGAY SA PROBINSYA BANTAYAN SA RELIEF OPS

DPA

HINDI lang ang mga barangay sa Metro Manila ang dapat bantayan sa relief operations ng Local Governent Units (LGUs) sa gitna ng Enhanced Community Quarantine kundi higit lalo na sa mga lalawigan. Hindi sa walang tiwala ang inyong DPA as in Deep Penetration Agent sa barangay officials sa mga lalawigan pero maraming reklamo tayong natatanggap na kapag may biyayang ipamamahagi ang gobyerno sa mga tao na idinadaan sa kanila. May mga natanggap tayong reklamo sa mga malalayong probinsiya na hindi lahat ng pamilya sa bawat barangay ay nabibigyan ng relief…

Read More

PAGKILALA SA SERBISYO NG MGA BAGONG BAYANI

Sa Ganang Akin

PATULOY pa rin ang pagtaas ng bilang ng ­positibong kaso ng COVID-19 sa ating bansa at noong Sabado ay tumungtong na sa libo ang bilang samantalang ang bilang ng mga gumaling ay nasa wala pa sa kwarenta. Ang mga pasyenteng nasa ospital na may COVID-19 ay walang mga kasamang bantay kaya’t talagang makukuba na sa pagod ang mga healthcare worker sa mga ospital. Bukod dyan ay araw-araw din silang ­nakaharap sa panganib nang ­pagkakaroon ng virus. Ngunit kailangan nilang gawin ang kanilang sinumpaang tungkulin upang ­mapagtagumpayan ng ating bansa ang…

Read More

DALANGIN PARA SA LABAN SA COVID-19

PUNA

LORD, inaamin po naming tao lamang po kami at makasalanan. Pero, kayo na mismo nagsabi na kahit anong  dami ng kasalanan ng tao subalit kapag ­nagpakumbaba at nagdasal sa inyo ay hindi n’yo po pinababayaan. Panginoon, sa mga ­panahong ito ay nanalangin po kami sa inyo na mawala na po sana itong COVID-19 na patuloy na nananalasa sa mga tao sa buong mundo. Lord, sa panahong ito ay wala po kaming malapitan kundi kayo, kundi kayo lamang po, naniniwala po kami sa inyong kapangyarihan na mawawala ang COVID-19. Dalangin ko…

Read More

GALAWANG TRAYDOR NG CHINA

DPA

HABANG nagkakagulo tayo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung papaano ito ­masusugpo upang mailigtas ang buhay ng mga Filipino sa salot na ito ay tila sinasamantala naman ito ng China. Nawala ang pokus natin lahat sa territorial issue sa West Philippine Sea dahil sa salot na at nakatuon ang atensyon ng lahat kung papaano pakainin ang 18 milyong pamilyang Filipino habang umiiral ang state of health emergency dahil sa salot na nagmula sa China. Tila nagsamantala naman ang China dahil ipinagpapatuloy nila ang pag-ookupa at pagtatayo ng mga bagong pasilidad…

Read More

IPANALANGIN NATING MAKALIGTAS SI DR. EVA MACASAET SA COVID – 19

Badilla Ngayon

NAMATAY si Dr. Romeo Gregorio “Greg” Macasaet III nitong Marso 22 dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) habang walang tigil sa pag-aasikaso sa mga taong itinakbo sa Manila Doctors Hospital (MDH) sa Maynila makaraang magkaroon ng nabanggit na sakit. Pati ang asawa niyang si Dr. Evalyn Macasaet ay nagkaroon din ng ­COVID-19, ngunit hindi kasing tindi ng sinapit ni Greg. Nang ipasok sa kuwarto ng MDH si Greg upang lagyan ng tubo sa katawan para makahinga nang maayos dahil maliban sa pneumonia ay nahihirapan din siyang humina hindi man lang…

Read More

MABUTI MAY PAGCOR

PRO HAC VICE

SALAMAT na lang at mayroong Philippine Amusement and ­Gaming Corporation o PAGCOR, na naglabas ng bilyong pisong halaga ng kanilang kita  para  mabigyan ng pondo ang pamahalaan upang labanan ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 o COVID-19. Kamakailan ay ­opisyal nang na-i-release ng ­Philippine Amusement and Gaming Corporation ang  P12 billion cash dividends sa National ­Treasury para saluhin ang mga gastusin na dulot ng epekto sa ekonomiya ng bansa sa ginagawang paglaban sa ng COVID 19. Sa ulat ni PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo, sinabi nito na ang nasabing…

Read More

PANAHON NANG PAGNINILAYNILAY

PUNA

DAPAT ay mag-isip-isip tayo kung bakit nangyayari itong coronavirus ngayon sa buong mundo. Marahil paalala ito sa tao na may Panginoon na pinakamakapangyarihan sa lahat. Ngayon panahon ng krisis, may mga nag-isip na magdasal at lumapit sa Panginoon. Mayroon din naman lalo pang nagiging pasaway dahil imbes na tumulong sa kapwa Pilipino ay nanamantala pa. May nagtaas ng kanilang paninda, mayroon naman ilang pulitiko na dapat ibigay ng bukas ang kanilang kalooban ang food packs sa kanilang ­nasasakupan ay binawasan pa. Tulad na lamang ng isang barangay sa Pandi, Bulacan…

Read More