LAMPAS na sa tatlong linggo mula nang ipatupad ng pamahalaan ang enhanced community quarantine (ECQ) at sa tatlong linggo na ito ay tiyak na marami na rin ang nakapag-adjust at malamang ay mayroon na ring mga bagong routine. Sa salita ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, ito na ang bagong normal na klase ng pamumuhay. Nakatakdang matapos ang ECQ sa ika-14 ng Abril, ngunit matapos man ito ay tiyak na hindi pa rin magiging mabilis ang pagbalik sa normal ng mga bagay-bagay. Patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga…
Read MoreCategory: OPINYON
MARAMI TAYONG NATUTUNAN DAHIL SA COVID-19
MAGING madasalin ang mga Pinoy. Naging malapit ang bawat pamilyang Filipino. Nabawasan ang polusyon. Nabawasan ang init sa kapaligiran. Nabawasan ang pakalat-kalat na tao sa kalye. Nabawasan ang mga kriminal sa kalye. Nawala ang trapik sa lansangan. Nawala rin ang sidewalk vendors at nabawasan din ang basura. Lumabas ang ating pagiging maawain. Lumutang ang pagiging malambot ng ating mga damdamin Subalit may ilan lang namang politikong mga epal na sa halip na tumulong sa gobyerno sa pamimigay ng ayuda ay bumatikos pa. Ito na marahil ang lagi nating sinasabi sa…
Read More‘DI PATAS SA PAGPAPATUPAD NG CURFEW
WALA talagang pagbabagong magaganap sa Pilipinas kahit kailan. Kahit ngayong panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay walang pagbabagong naganap sa pagpapatupad ng mga batas simula noong Hunyo 30,2016 hanggang sa araw na ito. Ngunit, walang tigil ang paggawa ng mga batas (Republic Act, Executive Order at iba pa. Kahit ngayong nahaharap ang bansa sa matinding krisis dulot ng coronavirus disease – 2019 (COVID–19) ay iba ang interpretasyon at pagpapatupad sa ating mga batas sa pagitan ng mga mambabatas o mga milyonaryo at pangkaraniwang mamamayan o mahihirap na mga tao. Tingnan…
Read MoreHINDI NAGPAPAKATOTOO ANG CHINA
Kahit anong pagsisikap ng mundo laban sa coronavirus 2019, kung hindi magpapakatotoo ang China na siyang pinanggalingan ng salot na ito, ay wala talagang mangyayari. Parami nang parami ang mga ‘smuggle information’ na nakakarating sa ‘international media’ hinggil sa totoong nangyari at kasalukuyang sitwasyon sa Wuhan, China na pilit itinatago ng Beijing dahil kontrolado nila ang kanilang media. Maraming impormasyon na noong Enero pa lamang ay 24,000 na ang namatay sa Wuhan, China kaya nga nila ni-lockdown ang 11 milyong katao na nakatira sa Wuhan dahil hindi na makontrol ang…
Read MoreDORMITORYO NG TRANSCO PARA SA FRONTLINERS
SA panahon ng malawakang sakuna at pangamba na dulot ng epidemya na tulad nang hinaharap ng Pilipinas ngayon, ang mga manggagawa sa sector ng kalusugan, ang pinakamahalaga. Sila ang nangunguna sa pagharap sa pangangailangan ng taumbayan subalit dahil na rin sa karagdagang komplikasyon nang pagtigil ng pasada ng pampublikong mga sasakyan, isang malaking pasakit ang daramahin ng mga manggagawa sa sector ng kalusugan, upang mapagsilbihan ang mga mamamayan. Upang matugunan ang hamon na ito, at sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterta, isinabatas ang “BAYANIHAN, TO HEAL AS ONE ACT”…
Read MoreDSWD : P5K FOOD, P3K CASH SA P8K NG GOBYERNO
HINDI maintindihan ng PUNA itong si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao kung saan siya humugot ng desisyon patungkol sa ayuda ng pamahalaan na P5K-P8K na pamimigay sa 18 milyong mahihirap na pamilyang Pinoy. Napakinggan ng inyong lingkod ang interview kay Dumlao ng isang kilalang broadcaster sa radio at telebisyon kung saan sinabi nito na kanilang gagawin ay P3, 000 lang ang cash na kanilang ipamimigay at ang P5, 000 ay ‘in kind’ para makumpleto ang P8,000 para sa mga benipesaryo na nakatira sa National Capital…
Read MoreDSWD, MAMAMAHAGI NG P8-K – P10-K SA MAHIHIRAP NA MAMAMAYAN
NITONG Lunes, inianunsiyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakahanda na ang P200 bilyon ng pamahalaan upang ipamahagi ito sa mahihirap na mamamayan. Inatasan ni Presidente Digong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang mamahagi sa pinakamahihirap na mamayang Filipino ng P8,000 hanggang P10,000 bawat buwan sa loob ng dalawang buwan. Aabot sa 18 milyong mahihirap na pamilya ang makikinabang sa nasabing P8,000 hanggang P10,000 tulong pinansiyal ng administrasyong Duterte ngayong panahong ipinatutupad ang “enhanced community quarantine” (ECQ) sa Luzon hanggang Abril 14. Sana matiyak na totoong mahirap ang mabibigyan…
Read MoreNAGPAHINGA SI MOTHER EARTH
KUNG mayroong nagpapagaan sa dibdib ko sa gitna ng COVID-19 pandemic ay ang mga nababasa ko tungkol benepisyo ng ating kalikasan sa pagtigil sa pagbuga ng mga nakakalasong kemikal na unti-unting pumapatay kay Mother Earth. Masakit sa dibdib ang mga nangyayari ngayon lalo na ang mga ulat na halos araw-araw ay may mga namatay sa COVID-19 sa apat na sulok ng mundo at pagkagutom ng mga tao na hindi nahahatiran ng tulong ng kanila-kanilang gobyerno. Gumagaan lang ang pakiramdam ko kung ang pinag-uusapan ay ang benepisyo ni Mother Earth o…
Read MoreP17-B PONDO NG DOTr GAMITIN “PANTAWID” SA MGA TSUPER NA WALANG PASADA
WALANG tigil ang panawagan ng mga kaibigan nating lider-manggagawa sa hanay ng uring manggagawa na bigyan ng P10,000 pondo bilang panggastos nila sa panahong ipinatutupad ang isang-buwang “enhanced community quarantine” (ECQ) sa Luzon, sapagkat makatwiran at karapat-dapat ang kanilang panawagan sa administrasyong Duterte. Ang isa pang magandang panawagan ay iyong hiniling ni Senadora Grace Poe sa administrasyong Duterte na ilabas at gamiting ayuda ang P17 bilyong pondo ng Department of Transportation (DOTr) sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon. Ayon kay Poe, ang P17 bilyong pondo para sa mga programa at…
Read More